Chapter 29

40 4 0
                                    

Zoey's Pov:

Apat na araw na akong nakakulong dito sa condo ni Bryan. Ayoko munang umuwi sa condo ni Christian o mas mabuti pang hindi na ako tutuloy doon. Uuwi lang ako sa bahay namin ni mama kapag ok na ang lahat.

Hindi ko pa napapagsabihan si mama about dito sa problema ko pero si Bryan na lang daw ang bahalang kakausap ngayon kay mama at sa mga kaibigan ko na sina Jessa at Margux. Pinasabi ko rin kay Bryan na wag na wag nilang sasabihin kay Christian na dito ako nanunuluyan dahil paniguradong manggugulo yon pag nalaman nya.

Hindi pa ako handang humarap ngayon kay Christian dahil isang salita nya lang ay tiyak na mahuhulog nanaman ako. Napakarupok ko kase pagdating sa kanya!

*DINGDONG!*

Napabaling ako sa mismong pintuan ng unit ng may magdoorbell dito.

Tumayo ako at binuksan ang pintuan.

Pagbukas ko dito, dalawang babae ang bumungad sa harapan ko na naka uniform pa at may kanya-kanyang bitbit na mga plastic bag.

"Zoey!"sabay nilang sambit at niyakap ako ng mahigpit. Namiss ko ang dalawang to!

"Anong ginagawa nyo dito?"nagtatakang tanong ko."Hali kayo sa loob."pag-aya ko sa kanilang pumasok

"Namiss kana kasi namin at syempre nag-aalala kami."sagot ni Jessa atchaka na ito umupo sa mahabang sofa at sumunod naman kami sa kanya

"Pasensya na kayo ah."sabi ko

Tinitigan naman nila ako sa mga mata atchaka naman ako hinawakan sa mga kamay ni Margux.

"Sigurado ka bang ok ka lang?"nag-aalalang tanong ni Margux

"Oo naman."pilit na ngiti ko at tumayo para pagtimplahin sila ng maiinom."Bakit nyo pala nalaman ang condo na to?"nagtataka kong tanong
sa kanila habang nagtitimpla ng Juice sa isang pitsel

"Kanina lang kay Bryan. Kinausap nya kasi kami kanina about sa kalagayan mo ngayon pero sa totoo lang nung makalawa pa namin ito nalaman na may hindi nga kayo pagkakaunawaang dalawa ni Doc Chan."paliwanag ni Margux. Natahimik lang ako at dinala na ang tinimpla kong Juice para sa kanila

Tumabi ulit ako kay Margux habang pinagsalikop ang mga kamay ko

"Zoe, alam mo ba ang lahat ng nangyari sa event nila?"seryosong sambit ni Margux, kumunot naman ang noo ko at interesado ko syang hinarapan.

"Well, ang sabi nila mom and dad sa akin ay hindi na dumalo si Doc Chan sa mismong Anibersaryo ng kanilang hospital nung gabing yon, sobrang dami daw ng guest ang gustong makipaghalo-bilo kay Doc Chan dahil nga sa kahusayan nito sa pang gagamot ngunit wala ito. Sobrang galit na galit daw ang daddy ni Doc Chan sa kanya dahil sa hindi nya pagpunta. Sa totoo lang ay mas inuna kapa ni Doc Chan na hanapin kesa ubusin ang oras at panahon nya dun sa ginanapan nilang anniversary. Kung saan-saang lugar kana nya hinanap Zoe. Nagtanong pa nga sya sa amin kung saan ka pweding makita pero maski na kami ni Jessa ay walang kaalam-alam. Walang araw na hindi ka nya hinanap sa amin. Kitang-kita rin namin sa kanya ang sobrang pagwo-worried nya sayo, halata din sa kanyang lumalalim na mga mata na hindi sya nakatulog ng ilang araw."paliwanag ni Margux, bigla na naman nanikip ang dibdib ko at nagsisimula nanamang mangilid ang mga luha ko dahil sa mga nalaman ko tungkol sa taong mahal ko. Pero hindi ito sapat na dahilan para kausapin ko si Christian at magbalik sa kanya.

"Tama. Magdamag at walang kain din syang naka bantay sa school dahil ikaw lang ang hinihintay nya."sang-ayon naman ni Jessa

"Awang-awa na nga ang lahat sa kanya pero ni-isa walang nagtangkang lumapit kay Doc Chan dahil lalo lang itong magagalit. Nagkaroon din sya ng mga pasa sa mukha at lagi itong lasing sa tuwing pumupunta sya sa school."napatakip na lang ako ng mukha gamit ang mga palad ko dahil hindi ko na mapigilan ang mga luhang malapit ng bumuhos

Falling Inlove❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon