Chapter 27

42 3 0
                                    

Zoey's Pov:

"Zoe, bukas na ang Anniversary ng Hospital nila Doc Chan diba?"tanong sa akin ni Margux , nandito kasi kaming tatlo sa training ng mga pang volleyball player habang nagpapahinga. Yes, volleyball player ulit ako at ganun din ang dalawa kong kaibigan

Ok na rin kami ni Jessa at inamin naman nya na sumama talaga ang loob nya sa akin dahil sa selos pero agad din syang humingi ng sorry after 1 week.

"Wala naman binabanggit about dyan si Chan eh."kunot noong sagot ko. May Anniversary palang magaganap bukas? Bakit hindi ako sinabihan ni Christian doon? Kay Margux ko pa talaga nalaman ang tungkol dito.

"Hala! Baka ayaw lang nyang ipaalam sayo kase for sure bubuntot nanaman si Agatha sa kanya."sambit naman ni Jessa habang inaayos ang mga sintas ng kanyang sapatos

Naka uniform kaming pang volleyball at kulay pink ang team namin kasama pa ang iba naming mga ka myembro

Naikwento ko na rin ang tungkol kay Agatha sa dalawa kaya naman kahit hindi pa nila ito nakikita in person ay parang kilala na nila sa tuwing na papag usapan namin sya

"May tiwala naman ako kay Christian. Hindi naman siguro sya gagawa ng ikakagalit ko at isa pa ayaw nya sa babaeng yon."sagot ko

"Well sana nga hindi sya magayuma nung Agatha na yon."mataray na pagkasabi naman ni Margux

"Ok guys. Let's start!"sigaw ni coach Sandy mula sa may gitna ng aming pinagte-trainingan

Mabilisan naman ang aming pag galaw dahil sa pagiging strikto nya sa amin.

Ako ang unang mags-spyke sa bola kaya naman nagsi-alisto ang mga kalaban dahil magaling ako pagdating sa paglalaro ng volleyball.

Para kaming totoong naglalabanan dahil sa mga maiinit na pagbato ng bola sa amin ng nasa kabilang team.

Hindi rin namin hinahayaan na makalamang sila ng bato kaya batak na ang ginagawa namin sa kanila

"Margux, feeling ko talaga may sama ng loob sa atin ang mga to eh!"rinig kong inis na sambit ni Jessa kay Margux

"Yeah! I know!"inis na sagot ni Margux

"Naiinggit lang kase sila kay Zoey dahil may boyfriend syang doctor at si Doc Christian pa."sabi naman ni Althea, ang ka myembro namin

Bakit ako? Kasalanan ko bang mahalin ako ni Chan at hindi sila?

Nagkatitigan naman kaming tatlo nila Margux at Jessa.

"Don't mind all of them, Zoe."sabi ni Margux at tinanguan ko lang sya bilang sagot ko

Natapos na ang buong training namin at sobrang pawis kona dahil sa pagod buti na lang may extrang damit pa ako sa locker.

"Tara na zoey, sabay sabay na tayong magbihis."aya ni Jessa

"Tara."

Papunta kami ngayon sa Cr upang doon magbihis hanggang sa makarating kami dito.

Pumasok na kaming tatlo sa loob ng Cr at buti na lang hindi pa puno ang mga cubicle dito kaya naman magkakatabi lang kami ng cubicle na pinasukan

Paghubad ko sa suot kong jersey may narinig akong bagong pasok lang sa loob ng cr at parang may pinag uusapan sila. Pinakinggan ko silang mabuti kung sinu-sino ang mga to at kung sinong main topic nila.

"Alam nyo ang buong akala ko matino talaga yang si Zoey. Like what the hell! HAHAHA Kumarengkeng kaagad at si doc chan pa ang biniktima sa pagiging malandi't pokpok nya!"rinig ko sa isang babae, alam ko na kung kaninong boses ito. Sya yung nasa kabilang team na naging kalaban namin at ako rin pala ang topic nila.

Falling Inlove❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon