Chapter 20

49 4 0
                                    

Author's Pov:

Pagkalabas nila Zoey, Ana and Princess(Bakla) sa parlor nadatnan nilang naka upo si doc chan sa chair habang naka dekwatro ang upo na talagang nagmukhang cool itong tignan + ang maamo nyang mukha na busy sa pagt-type ng cellphone kaya hindi pa nya napansin ang tatlo

Kinakabahan si zoey dahil sa magiging reaction ni doc pag nakita sya nito at ang dalawa naman ay todo titig at kilig sa busy na si doc chan

Huminga muna ng malalim si zoey bago sya magsalita

"Doc?"tawag ni zoey at para namang nagslow motion ang paglingon ni doc sa kanya

Sa loob-looban ni zoey ay na aastigan sya sa ginawang pagtitig ni doc chan sa kanya

Tinitigan ni doc chan si zoey mula ulo hanggang paa na parang sila lang dalawa ang tao sa buong paligid atchaka ito tumayo na hindi napuputol ang mga titig nito kay zoey

Lumalakas din ang bawat tibok ng puso ni zoey habang ang dalawa naman na si Ana at princess ay saksi sa moment ng dalawa

Halos magsabunutan na ang dalawa sa sobrang kilig dahil kina zoey at doc chan

"You look like an Angel😉"bulong ni doc chan sabay kindat kay zoey

Ito namang si zoey ay nangangamatis na ang mukha

"Ayieehhh!"sambit ng dalawa na si Ana at princess

Agad naman umiwas ng tingin itong si zoey kay doc chan dahil sa hiya

"Ahm.P-pwedi na ba tayong umalis?"tanong ni zoey na hindi makatingin ng diretso kay doc

"Naku! Kinikilig si Zoey"asar ni princess

"Oo nga. Ayiehh!"sang ayon naman ni ana

Hindi tuloy makapagsalita si zoey dahil alam naman nya na totoo ang sinasabi ng dalawa

Napangiti naman si doc chan sa narinig nya mula sa dalawa

"Ok. Let's go"aya na ni doc chan

Nagpaalam naman sila sa isa't isa at sobrang kinilig naman ang dalawa dahil sa wakas nagkaroon sila ng time na makausap si doc chan

***

Zoey's Pov:

This is it. Nandito na kami sa harapan ng mansion nila doc chan. God! I can't expect na ganito pala kalaki ang mansion nila. Napakayaman pala talaga nila no

"Let's go."natauhan lang ako sa kakaisip ng magsalita na si doc chan

Kinakabahan ako baka hindi ko ma carry itong gagawin naming pagpapanggap.

At sabi ni doc chan nakauwi na sila doctora at ang daddy nya galing US. Alam kong kilala na ako ni doctora ang mommy ni doc chan dahil sya ang laging gumagamot sa mama ko kapag sumusumpong ang sakit nya pero hindi ko parin maiwasan ang hindi kabahan sa mangyayaring pagpapanggap namin for tonight.

Bumaba na ako ng kotse atchaka naman ako nilapitan ni doc chan then hinawakan nya ang isang kamay ko na nagpatanggal ng konting kaba sa aking dibdib

"Don't worry. Akong bahala basta sumabay kana lang"he seriously said na nagpagaan lalo sa akin

Magkahawak kamay kaming naglalakad papasok sa mansion. Ang gandang tignan ng kanilang mansion lalo na more expensive ang mga gamit dito at mga disenyo. Nahihiya na tuloy ako sa sarili ko at kay doc chan

"Goodevening Sir. Kanina pa po kayo hinihintay nila Madam at Sir Raul sa dining room kasama po si Ma'am Agatha."sambit ng isang matandang katulong dito. Sino si Agatha?

"Ok salamat manang."sabi ni doc chan

"Ok po sir."sagot ni manang then umalis na sya

Nagkatitigan naman kami ni doc chan at naramdaman ko rin ang mahigpit nyang pagpisil sa kamay ko lalo tuloy akong kinabahan sa ginawa nya but I'll trust him I know hindi nya ako hahayaan mapahiya sa harapan ng mga magulang nya

"Let's go."he said and I nod while slightly smile

Pagdating namin sa dining room nakita ko kaagad si doctora kasama ang isang lalaking nasa 50+ ang edad sa tingin ko sya ang daddy ni doc chan dahil sa kanilang similarity. Napalipat naman ang tingin ko sa babaeng naka talikod sa amin wala akong Idea kung sino ito

"Oh, hijo. I'm glad your here now"sabi ni doctora ng mapansin na nya kami

"Mom dad, welcome back."masayang bati ni doc sa kanyang mga magulang and then binitiwan muna nya ang kamay ko para makalapit sa dalawa

Gusto kong humarap ang babae sa amin pero nananatili lang syang nakaupo at nakatalikod sa amin. Mukha naman syang sexy dahil sa kurba ng kanyang katawan

"Thankyou son. Oh, let's start dinner with your fiancee."sambit ng daddy ni doc chan na ang laki pa ng ngiti nya para tuloy nanikip ang dibdib ko dahil sa narinig ko mula sa kanyang daddy. So, Fiancee pala sya ni Doc chan?

"Mom dad, I'm sorry but I have a girlfriend and I'm with her now."sabi ni doc chan sa mga magulang nya. Nakita ko naman ang pagkawala ng malaking ngiti ng kanyang daddy

"WHAT?!"napalingon naman kami sa biglang sumigaw na babae

Napakaganda nya pala.

"What are you talking about, christian?"tanong ni doctora

"Mom, I know you already know her but we love each other."nanigas ang buong katawan ko sa mga salitang binitawan ni doc chan sa harapan ng kanyang magulang

Kita ko naman ang bawat pagtitig sa akin ni doctora na parang sinusuri ang buong katauhan ko. Yumuko na lang ako dahil ayokong makita ang susunod na reaction nya

"But hon. I'm still your fiancee and look at her? She looks young."sambit ng babaeng nangangalang Agatha habang pinagmamasdan ang buong katawan ko

Anong young pinagsasabi nito? FYI! Hindi na ako bata!

"I don't care! I love her and I don't need your opinion about her"seryosong sagot ni doc chan

Bawat pagbitaw nya ng mga salita parang gusto kong maniwala pero hindi dapat dahil palabas lang namin ito

"Christian!"suway ng daddy ni doc chan

"Dad, I'm sorry. If you don't like my girlfriend then fine! I don't care! Let's go Zoey!"nagulat ako ng hilahin na lang ako bigla ni doc chan palabas ng mansion

What the heck! Anong nangyayare?

"Go inside."utos ni doc sa akin. Walang sabi sabi ay pumasok na ako sa loob ng kotse nya

Halata parin sa mukha nya ang inis atchaka nya hinilamos ang dalawang palad nya sa mukha bago sya humarap sa akin ng napakaseryoso

"Look? I'm sorry about what happen a while ago."he said

"Ok lang yun sa akin"sagot ko

"Am I good enough to act that way?"natatawang tanong nya kaya pati ako ay natawa na

He's crazy! HAHAHA

Falling Inlove❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon