Chapter 19

47 4 0
                                    

Zoey's Pov:

"Yung laway  mo tumutulo."he said while laughing

Agad ko naman pinunasan ang bibig ko at totoo nga may laway na tumulo dito.

Sh*t! Nakakahiya yon ah!

Agad na akong tumalikod para hindi na maulit pa yon. Tawang tawa lang sya pero ang sarap nyang pakinggan sa tenga. Seriously, Namimiss ko sya pero hindi pwede e.

"Humarap kana."sabi nya at dahan dahan naman akong humarap pero hindi parin ako makatingin ng diretso sa kanya

Nakapagbihis na sya ng white shirts na talagang binagayan nya sa malapad nyang katawan.

Kahit anong isuot naman nya ay binabagayan nya.

Naglakad naman sya papuntang mesa at may kinuha sa kanyang small bag, hindi ko alam kung anong kukunin nya don pero para akong na eexcite sa bagay na yon.

Paglabas nya agad nya itong binuksan at tatlong beses nya ito pinusit sa kanyang damit. Para syang modelo ng pabango at napaka gentle ng kanyang pag kilos

Bakit ba ako sabik na sabik sa pabangong yon? Bakit ba ako nagkaka ganto kapag naaamoy ko yon? Para syang may halong kemikal na hindi na maalis sa buong katawan ko. Para na akong nagdodroga sa ginagawa nya sa akin. Inaakit ba nya ako?

Sh*t! Hindi ko alam kung paano ako nakapunta sa harapan nya at hindi ko alam kung ano tong ginagawa ko. Nakangiti lang sya sa akin habang naka titig sa mga mata ko. Baliw na ba ako? Bakit ba ganito na lang nararamdaman ko? Gusto kong umalis pero di ko magawa. Ano na bang nangyayari sa akin?

Nakahawak na ako sa kanyang katawan pababa sa kanyang abs at dahan dahan akong tumingkayad para mahalikan sya pero putek! Bat ba sya tumingkayad hindi ko tuloy maabot ang labi nya!

Pinipilit ko parin  syang abutin pero para nya akong pinaglalaruan e! Ayaw ba nyang mahalikan ko sya? Wala naman akong sakit ah.

Agad na akong lumayo sa kanya ng naka nguso. Alam kong mali ang ginagawa ko dahil babae ako at hindi ko alam kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa kanya.

"You wan't to kiss me?"tanong nya para naman akong batang tumango sa kanya

"Then come! I will kiss you."he said, para naman akong na buhayan ng dugo at agad na lumapit sa kanya

Ewan ko kung bakit sabik akong mahalikan sya.

Nang makalapit na ako sa kanya ay halos mamatay ako sa excitement. Ano kayang lasa ng labi nya? Malambot ba?

Nanginig bigla ang tuhod ko ng dahan dahan syang lumalapit sa akin at pumikit na lang ako para hindi ako mailang

Ilang minuto lang ay ramdam ko na ang napaka init at napaka lambot nyang labi na dumikit sa aking noo.

"Bata kapa kaya hanggang dyan ka muna."sabi nya na nagpamulagat sa mga mata ko

"Hindi na ako bata."inis na sambit ko, nginitian nya lang ako na lalong ikinainis ko

"Tara na."pag iwas nya sa sinabi ko

"Doc, Hindi na ako bata. Actually I'm 19 years old turning 20."pagtatanggol ko pero deadma lang sya at nagtuloy tuloy na syang lumabas ng opisina

Sumunod naman ako sa kanya na naka simangot. Madami na rin yung mga taong nakakapansin sa amin

Yung iba ang sama sama ng tingin sa akin dahil feeling nila nagpapapansin ako kay Doc.

Hindi ko na lang sila pinansin at nakarating naman kami sa parking area kung saan naka park ang sasakyan nya

Humarap muna sya sa akin na naka pamulsa pa ang kanyang mga kamay sa kanyang pants

Falling Inlove❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon