Chapter 28

47 3 0
                                    

Bryan's Pov:

After 3 months and a half nakauwi na ako dito galing US. Doon ko nilibang ang buong panahon at oras ko.

Simula kasi nung gabing nagtapat si Zoey sa akin about sa kanilang dalawa ni Doc Chan ay sobrang nasaktan ako pero hindi ko iyon pinahalata sa mismong harapan nya.

Kinabukasan nagpasya na akong magpakalayo sa kanila at tinanggap ko na rin ang dati pang ino-offer na Company ni daddy sa akin.

Pero kahit anong libang ang gawin ko doon ay hindi ko parin sya makalimutan. Like F*ck! Sobrang hirap ng kalagayan ko nung hindi ko man lang sya nakikita at nakakasama sa isang araw, pakiramdam ko nga parang mababaliw na ako sa sobrang kakaisip sa kanya kung ano na bang kalagayan nya ngayon?Kung masaya ba sya? Kung kumakain ba sya sa tamang oras but sh*t! Hanggang doon na lang ako! I miss her so much!

I Love Her at hindi basta-basta kaibigan or kapatid lang ang pagmamahal ko kay Zoey. I've loved her since we were young. Ayokong umamin sa kanya noon dahil natatakot ako na baka iwasan at ipagtabuyan nya lang ako once na aminin ko ang nararamdaman ko para sa kanya kaya mas ok ng ganito na muna kaming dalawa.

Naiinis lang ako sa kanya sa tuwing inaasar nya ako sa kaibigan nyang si Jessa, dahil ayokong binabagayan nya ako sa ibang babae. Gusto ko sya lang ang babaeng na babagay sa akin.

Naiinis at nagagalit din ako sa sarili ko dahil nakikita ko nanaman syang nasasaktan sa maling tao. Kung mas pinrotektahan ko pa sana sya noon sa doctor na yon edi sana hindi sya mahuhulog sa bwisit na lalaking yon! Ilang besis ko na rin kasi syang pinagsabihan na layuan na nya ang tarantadong Doctor na yon dahil likas sya sa pagiging chickboy at hindi rin sya makakabuti sa buhay nya but f*ck! napakakulit nya lang eh!

From now on. Hinding-hindi ko na hahayaan na makalapit pa ang Doctor na yon kay Zoey. Kung kailangan ko ulit protektahan si Zoey gagawin ko basta makalayo lang sya sa lalaking yon!

Dinala ko muna si Zoey sa condo ko para makapagpahinga sya ng maayos dahil kanina pa sya iyak ng iyak hanggang sa makatulog sya sa sasakyan ko kanina at alam kona rin ang lahat dahil sinabi na nya ito sa akin.

Sobrang nagalit ako nung marinig ko ang paliwanag ni Zoey!! Sabi ko na nga ba hindi pagkakatiwalaan ang Tarantadong Doctor na yon!

Ano bang makukuha nya sa pagiging babaero nya?! Sinasaktan nya lang ang mga babae! Ang tunay na lalaki ay marunong makuntento at magmahal para sa isang prinsesang iniingatan nila! Hays!!

Pinagluto kona rin si Zoey ng pagkain para pag gising nya ay may makain sya.

Nandito ako sa kusina at umiinom ng beer mag isa. I'm very happy dahil kapiling kona nanaman ang pinakamamahal kong babae, sobrang miss na miss ko na talaga si Zoey lalo na ang pangungulit namin sa isa't isa.

"Bryan?"napalingon ako ng marinig ko ang boses na nagmumula sa babaeng mahal ko. Agad ko itong nilapitan at pinaupo malapit sa inuupuan ko

"Kumain kana muna Zoey. Heto pinagluto kita."masayang sambit ko atchaka ko sya pinagsandukan ng pagkain

"Dito kaba nakatira?"tanong nya habang nililibot ang paningin nya sa condo ko

"Actually I just got home from US."sagot ko, nag iba naman ang reaction nya.

"US?"takang tanong nya

"Yes. Tinanggap ko na kasi yung ino-offer sa akin ni daddy and sorry kung hindi na ako nakapagpaalam sa inyo noon. Biglaan kasi ang pag-alis ko non eh."sagot ko, hindi ko na rin sinabi sa kanya kung bakit talaga ako umalis dito sa pilipinas.

"Maganda yan. Pagpatuloy mo lang yan, Bry."sagot nya, sa totoo lang noon pa man gusto na ni zoey na tanggapin ko na ang ino-offer sa akin ni daddy pero ayoko dahil nga sa kanya.

"I'll probably never go back there first."bigla naman kumunot ang noo nya habang sumusubo ng pagkain."Wag ka ngang gumanyan baka tumanda ka."biro ko. Laging ganyan ang sinasabi ko sa tuwing kumukunot ang noo nya pero ang cute parin nyang pagmasdan

"Bakit naman? Maganda naman doon atchaka gaganda pa buhay mo. Hindi tulad dito puro sakit lang makukuha mo."sabi nya at bigla naman syang nalungkot

Pinitik ko naman ang ilong nya dahil naisip nanaman nya yung kanina

"Awts! Masakit."inis na sagot nya na hinihimas pa ang ilong

"Don't even think about it."nainis kong sagot

Zoey's Pov:

Hindi naman ganun kadaling kalimutan sya eh! Namimiss ko na nga sya.

"Am I not enough?"naiiyak na tanong ko kay Bryan, suminghap naman sya at niyakap ako. Bakit ba ang dali kong maiyak?

"Maybe for him it's not enough but for me it's too much, babygurl."naiyak na akong tuluyan at niyakap sya pabalik.

"Shh! Wag kanang umiyak."pagtatahan nya

Ganito din ang ginagawa nya sa akin dati eh. Pag nalulungkot ako at umiiyak niyayakap nya ako gamit ang malalaki nyang mga bisig😭 Miss kona sya!

"B-bry, sa t-tingin mo ba m-minahal a-ako ni C-christian?"

"I don't know. Pero kung mahal ka nya hindi nya hahayaang mawala ka sa kanya at hindi sya gagawa ng ikakasakit mo. Kung prinsesa ang turing nya sayo iingatan ka nya."he said

Hinahanap ba nya ako ngayon? Nag-aalala ba sya sa akin?

Ang daming tanong sa isipan ko ngayon about sa aming dalawa. Baka naman hinayaan na nya akong mawala para sa bago nya ngayon.

Mukhang tama nga sila about sa buhay ni Christian. Hindi parin sya nagseseryoso para sa isang babae at iiwan din nya ako.

Pero bakit ang lahat ng pinapakita at pinaparamdam nya sa akin ay may katotohanan.

Ang bawat pagsabi nya ng 'ILOVEYOU' sa akin ay parang makatotohanan.

Ang bawat paghalik nya ay may hatid na pagmamahal.

Ano ba talaga ako para sa kanya? Isa lang ba akong babae para sa kanya? Minahal nya ba talaga ako bilang girlfriend?

Ang sakit eh! Sa tuwing maiisip kong maiiwan nanaman ako ng isang lalaking minahal ko parang madudurog nanaman ang puso ko😭

"Babygurl, nandito lang ako. Hinding-hindi kita iiwan."nanatili lang kaming magkayap ni bryan habang umiiyak sa sakit.

Hindi na rin ako makakain ng maayos dahil hindi ako sanay na hindi sya kasabay! Sinanay nya kasi akong ganto eh!

Namimiss ko na ang bawat kilos nya, ang paglalambing, kung paano sya umakto na parang bata sa harapan ko, ang mga tawa't ngiti nya, ang mga halik nya sa akin at ang amoy nyang nakakabaliw. I miss everything about him!

***
I miss you both!😭😭😭

Falling Inlove❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon