HINDI na mabilang ni Chaia kung ilang beses na siyang huminga ng malalim. Iyon ang unang araw niya sa The Groove Bar, at ang balita pa niya, ayon sa mga kasamahan niya. Dadagsain daw sila ng mga tao sa gabing iyon dahil weekend. At darating daw ang boss nila mamaya. Lalong kumabog ang puso niya dahil hindi pa niya nakakaharap ang may-ari ng Bar. Ang tanging humarap lang sa kanya ay ang Manager nila na si Miss Anne.
"Chaia, are you ready?" tanong nito.
Awtomatikong ngumiti siya. "Opo. Pero kinakabahan ako."
Tinapik nito ang isang balikat niya. "Don't be. You'll be fine. Sa galling ng pinakita mo sa amin during your interview at practical exam. Hindi ka dapat kabahan. Show them what you got." Pagpapalakas pa ng loob nito.
Tumango siya. "Thank you po. Fighting!" sabi pa niya.
"Alam mo na ba 'yung mga drinks natin dito? Kabisado mo na?" tanong pa nito.
"Opo, alam ko na po." Sagot naman niya.
"That's good. So, I'll see you in a bit,"
"Sige po."
Lord, kayo na po ang bahala sa unang gabi ko dito sa trabaho ko. Bless the works of my hands. Amen. Piping panalangin niya.
"Chaia, tara na! Labas na tayo."
Dahil malaki na paikot ang buong Bar apat silang bartender doon, at nag-iisa siyang babae. Ang tatlong kasama niya ang mga nanghusga sa performance niya noong Actual Performance Exam niya. Bago siya tuluyang humarap sa costumers, huminga ulit siya ng malalim.
Go Chaia! Fighting! No guts! No glory! Pagpapalakas pa niya ng loob sa sarili.
Pagharap niya sa mga customers, isang kolehiyala ang unang um-order sa kanya, at mukhang suki na ito doon.
"Wait, you're new here. Right?" tanong agad nito sa kanya.
"Yes Ma'am!" magiliw na sagot niya.
"I knew it, anyway, give me one dry martini please."
"Right away, ma'am," aniya. Agad niyang ginawa ang order nito at mabilis na sinerve dito.
"Hmmm, you're good. I like you," nakangiting puri pa nito sa alak na binigay niya.
"Thank you, ma'am."
Sa pagdaan ng mga sandali, unti-unti ay nawawala ang kaba ni Chaia. Nagsimula na siyang mag-enjoy sa trabaho niya. Malaking pasalamat niya sa Diyos dahil hindi siya nagkamali. At sa paglalim ng gabi, padami din ng padami ang mga tao. Mabuti na lang at nasanay na siya kapag maraming customers, kaya na-handle niya iyon ng maayos. Mayamaya, lumapit sa kanya ang isang kasamahan niyang bartender.
"We'll start in five minutes, Chaia," paalala nito sa kanya. Ang tinutukoy nito ay ang show na gagawin nila. Magpe-flair sila sa harapan ng mga customers. Ibig sabihin, hahaluan nila ng sayaw at performance ang pagmi-mix nila ng drinks. Mabuti na lang at may talent siya sa pagsayaw, kaya madali niyang nakuha ang mga routines na tinuro sa kanya.
Sa isang show, tatlong routines ang gagawin nila. Or tatlong drinks ang imi-mix nila. Ilang sandali pa, biglang lumakas ang musika sa buong Bar. Hudyat na iyon na magsisimula na ang show. Nagsimulang pumapalpak at nagsigawan ang mga customers na nanonood sa kanila, sinabayan ng mga ito ng palakpak ang musika. Kaya lalong nawala ang kaba niya at mas ginanahan siyang mag-perform.
Sabay-sabay nilang ginawa ang mga routines. At masaya siya dahil nakakasabay siya sa mga ito. At aaminin niya, iyon ang pinaka-favorite part niya sa trabaho niya bilang isang bartender. Ang mag-perform at mapasaya ang mga customers nila. Sa tatlong routines na ginawa nila, tatlong cocktails drinks din ang binigay nila sa iba't ibang customers doon. Nang matapos ang show nila, pinaulanan siya ng papuri. Hindi daw nila akalain na makakasabay siya sa tatlong beteranong bartender doon. Ang sagot niya sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 9: Karl January Servillon
Romance"I want to be the salt and light of your world. At kung hindi makakaabala sa puso mo. At kung hindi pa huli ang lahat para sa akin, gusto kong iparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal." Teaser: Simple lang ang nais ni Chaia sa buhay niya. Ang maging...