CHAPTER FIVE

6.4K 110 5
                                    

NATULALA si Chaia matapos marinig ang mga katagang binitiwan ni Karl mula sa kabilang linya. Wala sa loob na nailayo niya ang cellphone mula sa tenga at tumingin sa screen.

Hindi siya maaaring magkamali. Narinig na niya ang mga katagang iyon. May nagsabi na rin sa kanya niyon, at kung tama siya ng pagkakatanda. Halos labindalawang taon na rin ang nakakalipas. Napahawak siya sa suot niyang kwintas.

"Pogs," bulong na sabi niya.

Napakurap siya ng marinig niyang nagsasalita pa sa kabilang linya si Karl. Tumikhim siya ng malakas para kahit paano ay bumalik sa kasalukuyan ang isip niyang biglang hinila ng nakaraan.

"Uh, oh? Sorry, may naalala lang ako." 

"Are you really okay?" tanong ulit nito.

"Uh, oo! Oo! Okay lang ako." Sagot niya. "Maraming Salamat sa pagtawag. Naabala pa yata kita."

"What are you saying? It's okay. Anyway, I'll just see you later."

"O-okay, thanks."

Pagkatapos nilang mag-usap. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Saka malayang binalikan kung sino si "Pogs" sa buhay ni Chaia.



HABOL ni Chaia ang hininga niya nang huminto siya sa pagtakbo. Pagdating niya sa park na iyon. Tulala at luhaan siyang naupo sa isang wooden bench sa ilalim ng malaking puno ng Acacia. Doon siya umiyak ng umiyak. Hindi niya maintindihan kung bakit galit ang Ate Macy niya sa kanya. Madalas siyang napapahamak sa tuwing magkasama sila. Natatandaan pa niya, niyaya siya nitong gumala sa mall. Dahil wala naman siyang pasok sa school ng mga panahon na iyon, sumama siya dito. Isa pa, naisip niyang pagkakataon na nilang dalawa iyon para tuluyan ng maging malapit sa isa't isa. Ramdam kasi niya dati pa na hindi siya nito gusto. Habang nag-iikot sa department store, nagulat na lang siya dahil bigla siyang dinampot ng mga guwardiya ng Department Store. Inakusahan siya ng mga ito na nag-shoplift siya. Mariin niyang tinanggi iyon dahil alam niyang masama iyon, ngunit nagulat na lang siya dahil nakita sa loob ng bag niya ang isang stuff toy na may price tag pa at bahagya pa iyong nakalabas. Kaya marahil ay nakita iyon ng saleslady.

Pagdating sa bahay, sinumbong siya nito. Pinalo siya ng Papa niya ng dahil doon. Hanggang sa paglipas ng mga araw, sa tuwing lumalabas sila ng Ate niya. Palagi siyang nahuhuli sa parehong kaso. Ngunit alam ng Diyos na wala siyang ginagawang masama. Hanggang sa dumating ang pagkakataon na ang Ate niya ang nahuli ng mga security guard ng isang grocery store na pinasukan nila. Huli ito sa aktong naglalagay ng mga paninda sa loob ng backpack niya. Hindi siya makapaniwala sa nalaman niya. Nang malaman iyon ng Mama Fe niya, halos bugbugin nito ang Ate Macy niya ng dahil sa galit.

Dahil sa sama ng loob, doon sa park na iyon. Kung saan katabi lang ng barangay nila siya tumakbo. At iyon na rin ang naging permanenteng takbuhan niya sa tuwing may problema siya. Inaway na naman kasi siya ng Ate niya, at sinabi nitong nag-cutting classes siya kahit hindi totoo. Pero nabuking ito agad dahil tumawag sa bahay nila ang teacher nito. Nagalit ng husto ang mga magulang nila dito, nang mapag-isa silang dalawa sa kuwarto. Binuhos nito ang galit sa kanya. Bakit daw hindi na lang siya umoo sa sinabi nito? Ito daw tuloy ang napahamak. Sinaktan siya nito. Sinabunutan, kinurot at sinampal. Impit siyang napaiyak, hindi siya makapagsumbong dahil lalo lang itong papagalitan.

Dahil sa galit ng Ate niya. Sinabuyan nito ng kape ang project niyang ipapasa na niya sa school bukas. Dahil lang sa hindi niya sinakyan ang pagsisinungaling nito. Napapitlag siya ng biglang may sumulpot na panyo sa harap niya. Nang tingnan niya kung sino iyon, isang binatilyo ang nasa harap niya.

Car Wash Boys Series 9: Karl January ServillonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon