CHAPTER NINE

6.3K 113 0
                                    

"GIRL, okay ka lang ba?" tanong ng bagong kakilala at kasama niya sa bahay na si Kamille.

Ngumiti siya dito, saka tumango. "Oo, okay lang ako. Thank you." Sagot niya.

"Kung may kailangan ka, nasa ibaba lang ako." Sabi pa nito.

"Sige, salamat ulit!"

Nang maiwan na siya doon sa kuwarto na ookupahin niya. Napangiti siya ulit. Masakit man sa kanya na mawalay sa Mama niya. Pero kailangan niyang aminin sa sarili na mas nakahinga siya ng maluwag ngayon, marahil ay dahil sa malayo na siya sa Ate Macy niya. Huwag lang dadalhin ni Karl doon ito.

Sumulyap siya sa suot niyang wrist watch. Bukas na lang niya aayusin ang ibang gamit niya, kailangan pa niyang maghanda para sa pagpasok niya sa Bar. Pagbaba niya sa sala naroon si Kamille, kasama ang iba pang mga kaibigan nito. Pinakilala na ni Karl ang mga ito sa kanya.

"Feel at home ah," sabi ni Kamille sa kanya.

Tumango siya. "Oo. Maraming Salamat sa pagtanggap mo sa akin." Wika niya.

"Tama pala si Karl." Sabad naman ng isa sa mga kaibigan ni Kamille, Jhanine daw ang pangalan nito.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.

"Maganda ka nga."

Napangiti siya. Hindi siya makapaniwala na sinabi nito iyon sa mga ito. "Talaga? Sinabi ni Sir Karl 'yon?" paniniguro pa niya.

Ngumisi lang si Marisse, ang pinsan ni Karl. "Hay naku, te! Kung alam mo lang." sabi pa nito.

"Ha? Teka, anong ibig mong sabihin?" tanong ulit niya.

"Naku, huwag mo ngang pansinin 'yang si Marisse. Pengkum 'yan eh." Sabad naman ng Dentista na si Razz.

"Ang saya n'yo naman dito. Sigurado, mawiwili ako dito." Sabi pa niya.

"Alam mo, girl. Dapat talaga noon ka pa dinala ni Karl dito. Anyway, it's better late than never. Sana mag-enjoy ka sa pagtira mo dito sa Tanangco." Wika naman ni Sumi .

"Nga pala, nasaan ba si Karl? Puwede ko ba siyang makausap?" tanong na naman niya.

"Ay oo naman, halika! Doon tayo sa bahay ng Lolo ko. Nandoon 'yon." Sagot ni Marisse, sabay hila sa kanya palabas ng bahay.

Dinala siya nito doon sa malaking bahay sa di kalayuan. Nagtaka siya dahil nakabukas ang malaking gate niyon. At sa loob mismo ay may Carwash Shop. Napangiti siya ng makita ang sinage sa labas ng bahay. Lolo Badong's Hugas Kotse Gang. Napansin niya, hindi lang iyon ang may kakaibang pangalan. Maging ang iba pang establisyimento doon. Nakakatuwa ang lugar na iyon, maging ang mga tao sa kalyeng iyon ay pawang mga nakangiti. Hindi niya alam na may ganoon klaseng lugar. Kung alam lang niya, noon pa sana siya nagpunta doon.

Pero hindi pa naman huli ang lahat. Ngayon na nagsisimula na siya ng panibagong buhay mag-isa. Kasama ang mga taong tila padala ng langit sa sobrang kabaitan. Malaki ang posibilidad na madali siyang makakapag-adjust. Lalo na at naroon lang sa tabi si Karl.

Naputol ang pag-iisip niya nang kalabitin siya ni Marisse. "Ayun 'yung hinahanap mo oh." Sabi pa nito, sabay turo sa loob ng bakuran.

Lumukso ang puso niya, kasunod ng mabilis na pagpintig nito. Nanlaki ang mga mata niya. Biglang nag-init ang magkabilang pisngi niya. Dahil nasa harapan niya ang isang lalaking na sadyang pinagpala. Mabilis na iniwas ni Chaia ang mga mata sa tinuro ni Marisse. Mabilis siyang tumalikod ng tinawag ni Marisse ang pinsan nito.

Car Wash Boys Series 9: Karl January ServillonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon