CHAPTER TEN

10.3K 212 24
                                    

PINAHID ni Karl ang mga luha niyang dumaloy sa magkabilang pisngi niya. Pagkatapos ay tinungga ang laman na alak ng baso niya. Tumawa siya ng pagak nang muling bumalik sa isipan niya si Chaia, saka muli siyang impit na napaiyak.
"Ang laki mong tanga, Karl. Napakatanga mo." Pagkatisgo pa niya sa sarili.

Bago pa nito ipakilala ang sarili bilang Ikay. Nakilala na niya ito. Paano nga ba niya makakalimutan ang kwintas na binigay niya sa isang magandang dalaga na nakabihag agad sa kanyang puso? Hanggang sa mga sandaling iyon. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga pangako niya dito simula noon. Nang una silang magkita nito, bago pa niya malaman na ito si Ikay. She already made his heart beat faster, by just merely staring at her lovely eyes. Pagkatapos niyon, hindi na siya pinatahimik nito. Gustong gusto na niyang nakikita ito. That's why he hated her day off. Dahil hindi niya ito nakikita. Hanggang sa malaman niya ang katotohanan, nang masugutan ito ay ginamot niya ito at malaglag ang kwintas nito.

Ngunit imbes na aminin dito ang totoo na siya si Pogs. Tinago niya iyon. Kahit na alam niyang nakakahalata na ito. Nagpatay-malisya lang siya, pilit niyang tinago dito ang kwintas na binigay naman nito. Pero sa bawat sandaling nagdaan na kapiling niya ito, palagi na lang siyang natutuksong magpakilala. Gusto niyang yakapin ito ng mahigpit at sabihin na bumalik na siya. Gusto niyang ibalik ang dati. Ngunit paano? Kung sa paglipas ng panahon na nawalay sila sa isa't isa ay pinawi nang mga masasakit na pangyayari sa buhay niya ang paniniwala niya sa pag-ibig.

Marami nang babae ang lumuha ng dahil sa kanya, nagalit at kinamuhian siya ng husto. And Chaia will not be one of them. Ayaw niyang masaktan at lumuha ito ng dahil sa kanya. He's not capable of loving. He deprive himself in believing in love. He don't even believe in Marriage. Magiging miserable lang ang buhay ni Chaia sa kanya. And then he met, Macy. Secretary ito nang isang mayamang negosyante. Agad itong nagpakita ng interes sa kanya, and he grab the opportunity to divert his attention to Macy. Para nang sa ganoon ay tuluyan na siyang makaiwas kay Chaia. Ngunit sa bawat pagkakataon na magkasama sila ni Macy, palaging si Chaia ang tumatakbo sa isip niya. Ang presensiya nito ang sa tuwina ay hinahanap niya. Ang tunog ng tawa nito, ang mga iyak nito. Sa mga simpleng bagay na nagpapasaya dito. Gusto niyang sa lahat ng panahon na iyon ay siya ang nasa tabi nito. At nang mag-outing sila, at nakita na naman niya itong umiiyak. Hindi na niya natiis at tuluyan nang pinukaw nito ang puso niya. Pinuntahan niya ito, kinausap at inalo. Pagkatapos, he kissed her. For the first time, he let someone get inside his cold heart. Hanggang sa tuluyan nang sumuko ang puso niya, at aminin sa sarili na mahal niya si Chaia.

Ngunit sa kabila ng naging rebelasyon ng tunay niyang damdamin para dito. Nagdesisyon pa rin siyang layuan ito at pigilan ang pagmamahal niya para dito. Ang mga gaya niyang hindi naniniwala sa pag-ibig ay hindi dapat nakakaramdam ng pagmamahal. Hindi dapat minamahal. Chaia is too genuine for him. She doesn't fit for him. Mabuting tao ito. At ayaw niyang siya ang maging dahilan ng muling pagluha nito. Pero mukhang tunay nga na walang lihim na hindi nabubunyag. Hanggang sa makita nito ang kwintas na binigay nito sa kanya na suot niya, na siyang nagpakumpirma sa hinala nito. At diretso nitong sinabi sa kanya ang tunay na damdamin nito.

At sa araw na rin iyon, nalaman niya ang katotohanan na si Macy ang Ate ni Chaia na kinukwento nitong nagpapahirap dito. Naputol ang pag-iisip niya nang tapikin siya sa balikat ng pinsan niya. Lumingon siya dito.

"Dude, are you okay?" tanong ni Miguel.

Gamit ang sariling daliri, pinahid niya ang mga luha sa pisngi niya.

"Yeah, I'm okay." Sagot niya.

"Obviously, not." sabad naman ni Daryl.

Hindi siya nakakibo. Makakapag-deny siya sa ibang tao, ngunit hindi sa mga ito.

Car Wash Boys Series 9: Karl January ServillonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon