CHAPTER FOUR

6.4K 119 5
                                    

PINAKATITIGAN ni Chaia ang kuwintas na palagi niyang suot. Breaktime niya ng mga sandaling iyon. Katatapos lang niyang kumain ng gabihan, at may natitira pang tatlumpung minuto sa oras niya para makapagpahinga. Doon sa pantry niya napiling magpahinga.

"Oy Chaia," untag sa kanya ng Manager nila na si Miss Anne. Kadarating lang nito doon sa loob ng pantry.

"Miss Anne, bakit po? Kailangan na ba ako sa labas?" tanong agad niya.

Napangiti ito. "Hindi pa. Relax ka lang. Wala naman, kasi titig na titig ka diyan sa kuwintas mo." Sabi pa nito.

"Ah," usal niya. Ngumiti siya dito, saka muling binalik ang tingin sa kuwintas niya. "May iniisip lang ako." Sabi niya.

"Napapansin ko lang, parang hindi mo yata hinuhubad 'yan?"

Tumango siya. "Importante po kasi sa akin ito eh." Sagot niya.

"Wow, parang alam ko na 'yan. Kuwento mo naman." Sabi pa nito.

Sisimulan na sana niya ang kuwento sa likod ng kwintas nang biglang pumasok ang isa sa mga waitress.

"Cha, nakapagpahinga ka na ba?" tanong nito.

"Oo, bakit?"

"Baka pwede ka nang lumabas. Magsisimula na daw mayamaya ang show ng mga Bartenders."

"Ah okay, sige. Susunod na ako." Sagot niya. Sabay baling sa Manager nila. "Miss Anne, pasensiya na po. Bukas ko na lang ipagpatuloy ang kuwento."

"Ang daya naman nila, break mo pa eh. Sige na nga, basta, may utang kang kuwento sa akin ah." Sabi pa nito.

"Promise po! Next time." Natatawang sagot niya, pagkatapos ay lumabas na siya.

Pagbalik niya sa station. Agad niyang hinanda ang mga gagamitin para sa Flair Bartending Show, na magaganap na sa loob ng ilang minuto Sa gabing iyon, isang routine ng sabay-sabay ang gagawin nila, pagkatapos ay may solo performance siya. Kaya medyo kabado siya. Nang maayos na niya ang mga gagamitin. Umusal siya ng maikling panalangin upang maging maayos ang maging performance niya para nang sa ganoon ay matuwa naman ang mga customers.

"Fighting!" sabi pa niya sa sarili.

Nang lumakas na ang musika. Iyon na ang hudyat nang simula ng kanilang routine. Sandali niyang kinalimutan lahat ng tumatakbo sa isipan niya, at nag-concentrate sa trabaho. Kagaya ng dati, tig-iisang drinks ang ginawa nila sa routine na iyon at ibinigay sa mapalad na customer. Bago siya magsimula ng solo routine niya, napadako ang paningin sa di kalayuan na table. Agad na kumabog ang dibdib niya, dahil doon nakaupo at nakatingin sa kanya si Karl.

Lalong lumakas ang kaba niya ng ngumiti ito sa kanya at itaas pa nito ang baso nitong may laman alak. Bilang sagot ay ngumiti siya pabalik dito. Saka agad na nagsimula. Sa buong durasyon ng pag-perform niya ay hindi siya tumingin sa puwesto ni Karl. Baka kasi magkamali siya at mapahiya sa harap ng mga customers na ngayon ay pawang nanonood sa kanya. At sa bawat paghagis niya ng bote o ng shaker ay masigabong palakpakan ang sinusukli ng mga ito sa kanya. Pagkatapos ng performance niya, tuwang tuwa na nagpalakpakan ang mga customers.

"Thank you!" sagot niya sa mga ito.

Nang magbalikan na sa pagsasayaw ang mga pumalibot sa kanyang mga tao. Saka pa lang siya nakahinga ng maluwag. Nang tingnan niya muli ang puwesto kung saan naroon si Karl. Wala na ito. Pero nabigla siya nang bigla itong sumulpot sa harapan niya.

"Thanks to you, mukhang mataas na naman ang sales ngayon gabi." Anito.

"Bakit ako lang? Lahat naman tayo dito nagta-trabaho. Saka kung hindi naman po sa mga kasama ko dito sa Station, hindi ako matututo ng mga Flairing Techniques." Sabi niya.

Car Wash Boys Series 9: Karl January ServillonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon