CHAPTER SIX

5.9K 101 0
                                    

"ANO KAYA ang sasabihin ni Sir Karl sa atin?" narinig niyang tanong ng isa sa mga kasamahan niyang waiter.

Kapapasok lang niya doon sa pantry. Halos alas-kuwatro na ng madaling araw, at kakasarado lang ng Bar nila. Dahil weekdays at karamihan ng mga tao ay may mga pasok sa trabaho kaya hindi puwedeng magpuyat. Maaga silang nagsasarado. Pero kapag weekends, halos inaabot sila ng alas-singko ng madaling araw.

"Ikaw Chaia? Wala bang nababanggit sa'yo si Sir?" baling pa sa kanya ng isa pang kasama nila.

"Ha? Wala! Para naman sabihin sa akin ni Sir 'yon. Kung ano man 'yon." Sabi pa niya.

"Hindi na nakakapagtaka 'yon, palagi kaya kayong magkasama."

Napakunot-noo siya. "Hindi ah! Nagkakataon lang 'yon." Mabilis niyang tanggi.

"Sus! Nagkakataon ka diyan! Siya ang nagturo sa'yong mag-drive. Kapag breaktime mo palagi kayong magkausap. Kapag nawawala ka sa paningin niya, hinahanap ka agad sa amin ni Sir." 

"'Yung totoo, Chaia. Nanliligaw ba sa'yo si Sir?" diretsong tanong ni Miss Anne sa kanya.

Napamulagat siya sa tanong ng Manager nila. Tumingin siya dito, saka sunod-sunod na umiling. "Naku Miss Anne! Hindi po!" mabilis niyang sagot.

Napapitik ang isa sa mga kapwa bartender nila. "Ay sayang! Bagay pa naman kayo ni Sir Karl."

"Naku! Kayo talaga, ako na naman ang nakita n'yong asarin! Tumigil na nga kayo. Baka mamaya, marinig pa kayo ni Sir, nakakahiya." Saway niya sa mga ito.

Eksakto naman pagkasabi niya iyon ay biglang bumukas ang pinto at sumilip si Karl.

"Everybody, here at the dining area." Anito.

Nagkatinginan sila, bago sumunod dito. Nag-kanya kanya silang puwesto doon sa dining area habang nakaupo naman ito sa isang high chair.

"It's been more than five years since I put up this Bar. And most of you here, are with me eversince." Pagsisimula nito. "So, I decided that we all go on an outing on a resort somewhere in Laguna."

Lumapad ang pagkakangiti niya. "Talaga, Sir? Kelan po?" excited na tanong niya. Pero agad din naman nawala ang ngiti niya ng mapansin niyang hindi kumikibo ang mga kasama niya. Bagkus ay nagkakatinginan ang mga ito.

"Bakit? Ayaw n'yo ba?" tanong pa niya sa mga kasama.

Nang sumulyap siya kay Karl, natatawa naman ito. Napakunot noo siya. Hindi niya maintindihan ang mga ito. "Teka, ano bang mga reaksiyon 'yan?" tanong ulit niya.

"Eh kasi, himala 'to. Eh Sir, mawalang galang na nga po, ano? Pero buti naman at naisip n'yo. In fairness, I like the idea." Sabi pa ni Miss Anne.

"Teka, grabe naman kayo! Nag-a-outing naman tayo tuwing summer." Depensa ni Karl.

"Hindi nga po tayo nag-outing itong taon na 'to." Sabi pa ng isa.

Napakunot-noo si Karl. "Hindi ba?" tanong pa nito.

"Ay Sir, hindi po. Nakalimutan n'yo." Sabi pa ni Miss Anne.

"Okay, whatever. So, it's final. Outing for three days." Ani Karl.

"Eh kelan po ang alis natin?" tanong pa ni Chaia.

"This week." Sagot pa nito.

"Yes! Sa wakas! Makakapag-relax din!" masayang wika ng mga kasamahan niya.

Car Wash Boys Series 9: Karl January ServillonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon