Disclaimer:
Ang mababasa po ninyo ay ang UNEDITED version. Ibig sabihin, hindi po ito ang kopya na dumaan na sa professional editor. Ako lang po ang nag-edit nito kaya kung sakaling makakita kayo ng grammatical errors or typo graphical errors, ngayon pa lang po ay humihingi na ako ng paumanhin.
Isa pa, asahan na po ninyo ang MABAGAL na UPDATE dahil gaya ng nasabi ko dati, sobrang busy ko po ngayon at may nire-rewrite akong old Manuscript na request ng editor ko. Kaya sana walang MAKULIT na magko-comment ng 'update pls' lalo na kung ilang oras pa lang ang nakakalipas simula nang i-post ko 'yong latest update. Nai-stress ako sa ganoon. Kaya nakikiusap ako, walang mangungulit at matutong maghintay.
Maraming salamat po at sana'y magustuhan ninyo rin ang kuwento ni Karl at Chaia. Happy Reading!!
~JA💜
*****************************************************************
NAALIMPUNGATAN si Karl nang marinig niya ang malakas na tawanan at kuwentuhan mula sa labas ng kanyang silid. Pero dahil inaantok pa, tinakpan niya ng unan ang tenga niya, pero naririnig pa rin niya ang ingay sa labas. Bumalikwas siya ng bangon, saka umiling at huminga ng malalim. Mukhang wala na siyang choice kung hindi ang bumangon ng maaga.
Bago tuluyang bumaba ng kama, umusal muna siya ng saglit na panalangin ng pasasalamat. Pagkatapos ay dumiretso ng pasok sa banyo. Nang matapos na niya ang lahat ng dapat gawin ay lumabas na siya at nagtungo sa Dining Area. Naglingunan sa kanya ang mga pinsan niya.
"Good Morning, 'cous!" magiliw na bati sa kanya ng pinsan niyang si Marisse.
Parang bata na ginulo niya ang buhok nito. "Good Morning!" bati rin niya dito.
"Mukhang tinanghali ka yata ng gising ngayon, apo. Anong oras ka na ba nakauwi?" tanong ng Lola Dadang niya.
"Alas-kuwatro na po. Nag-inventory kasi kami kanina."
"Aba Karl, nawiwili ka ng uuwi ng umaga. Hindi na wasto ang pagtulog mo. Baka mamaya naman eh ma-anemic ka niyan," sabi pa ng Lola niya na may halong pag-aalala.
Napangiti siya. Lumapit siya dito saka niyakap ito mula sa likod. "Lola, you worry too much about me. Malaking tao ako para tamaan ng Anemic na 'yan."
Hinampas siya nito sa braso. "Naku eh, tigilan mo nga ako ng katwiran mong iyan!"
"Naku Lola, huwag kayong magpapaniwala diyan. Baka may kasamang babae lang 'yan," sabad naman sa usapan ni Wesley.
"Hoy! Wala ah!" mabilis na sagot niya.
"Obvious ka naman masyado, defensive!" sabi naman ni Mark.
"Hindi ako defensive, nagsasabi lang ako ng totoo."
"Karl, alam kong magagandang lalaki ang mga lahi natin. Pero kailangan mong tandaan na ang mga babae hindi 'yan laruan. You're enjoying too much, Apo," paalala ni Lolo Badong.
"Oh my, Grandpa! I super agree with you," sang-ayon naman ni Marisse.
"Lolo, hindi ko naman po pinaglalaruan ang mga babae. Nagkataon lang po talaga na marami na akong nai-date."
"Kapag nakita mo na ang babaeng nakalaan para sa'yo. Hinding hindi ka na titingin pa sa iba. Remember that," sabi naman ng kakambal ni Marisse na si Marvin.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 9: Karl January Servillon
Romance"I want to be the salt and light of your world. At kung hindi makakaabala sa puso mo. At kung hindi pa huli ang lahat para sa akin, gusto kong iparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal." Teaser: Simple lang ang nais ni Chaia sa buhay niya. Ang maging...