HELLOOOO~!! I'm back!! Regular weekly updates is also back. Balik to Tuesday & Friday updates ang lahat ng on-going stories ko. Maraming salamat sa mga matiyagang naghintay. Maraming salamat sa patuloy na sumusuporta habang missing in action ako.
Anyway, happy reading!
*****************************************************************
NAPABALIKWAS ng bangon si Chaia matapos mabasa ang text ng kaibigan niya. Biglang nawala ang antok niya. Kinusot pa niya ang dalawang mata para masigurong tama ang pagkakabasa niya ng mensahe nito. Mabilis pa sa alas-kuwatro na dinaial niya ang numero nito.
"Hello! Talaga? Mamaya na ang grand raffle na promo ng Mondejar Cars Incorporated?" bungad niya pagsagot nito ng tawag niya.
"Oo nga! Kailangan talaga paulit ulit?" anang kaibigan niya.
"Hala! Naku Lord, alam ko magiging akin ang Volvo na 'yon!" sabi pa niya. "Hello Lena! Kapag ako ang naging grand winner, promise ikaw ang unang-unang isasakay ko!"
"Aba dapat lang no? Eh teka, marunong ka bang magmaneho at nangangarap ka na mapasakamay mo ang Volvo na 'yon?" tanong pa ni Lena, ang bestfriend niya since College.
"Marunong na ako ng basic. Madali na 'yung iba." Sagot niya.
"Eh teka, kumusta naman pala ang bagong trabaho mo?" tanong nito.
"Okay naman, ang babait ng mga kasama ko. Kaya madaling napalagay ang loob ko doon."
"Eh 'yung boss mo? Okay naman?" tanong ulit nito.
Hindi agad siya nakasagot. Mabilis na nag-flash back sa kanya ang nangyari kagabi. Mabilis na nag-init ang magkabilang pisngi niya, agad naman niyang pinilig ang ulo at pinalis ang eksenang iyon.
"Hoy, hindi ka na nakasagot diyan. Masungit ba ang boss mo?" pukaw nito sa kanya mula sa kabilang linya.
"H-ha? Hi-hindi, hindi. Ah, mabait nga eh. Pasensiya na may naalala lang kasi ako." Sagot niya.
"O, basta mamaya. Alas-sais, manood ka. Televise ang pag-announce ng winner." Paalala nito.
"Oo sige, hindi ko kakalimutan. Makikipanood na lang ako sa trabaho no'n. May TV naman sa pantry namin." Wika niya.
"O siya, bye na. May gagawin pa ako."
"Bye."
Pag-pindot niya ng End Call button, mabilis na kinuha niya ang ticket at entry niya. "Volvo, you'll be mine." Pagkausap pa niya sa pobreng ticket, pagkatapos ay muli niyang tinabi sa loob ng wallet niya iyon saka tuluyan ng bumangon.
Nang sulyapan niya ang oras, alas-kuwatro na ng hapon. Pagdating niya doon sa bahay nila kaninang umaga, agad siyang nakatulog dahil sa pagod at antok. Hindi na niya nakuha pang bumangon ng tanghalian para kumain. Paglabas niya ng silid, naabutan niya ang Mama niya na abala sa pagtatahi ng kurtina. Ito ang pinagkakakitaan nito. Ang pananahi ng mga kurtina at kung anu-ano pa.
"Anak, gising ka na pala. Kumain ka na, hindi ka pa nanananghalian." Sabi nito pagkakita nito.
Ngumiti siya dito pagkatapos ay niyakap niya ito mula sa likod nito. Narinig niyang tumawa ito. "Ang anak ko, naglalambing." Anito.
Ngumiti siya. "Wala lang po." Usal niya.
"Ay siya, kumilos ka na at baka ma-late ka. Pinagtabi kita ng ulam kaninang tanghali. Kumain ka na."
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 9: Karl January Servillon
Romance"I want to be the salt and light of your world. At kung hindi makakaabala sa puso mo. At kung hindi pa huli ang lahat para sa akin, gusto kong iparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal." Teaser: Simple lang ang nais ni Chaia sa buhay niya. Ang maging...