WALANG imik si Chaia habang hinihintay ang mga kasama niya sa trabaho. Iyon ang araw na pupunta sila ng Laguna para sa outing nila. Habang excited ang mga ito. Siya naman ay tahimik lang na nakaupo sa loob ng kotse niya.
"Hoy, anong problema mo?" untag sa kanya ni Lani.
Lumingon siya dito, bago umiling. "Wala," pabulong na sagot niya.
"Weh? Wala daw? Eh nakasimangot ka nga diyan." Anito.
Pilit siyang ngumiti dito. "Okay lang ako." Sabi pa niya.
Mayamaya, dumating na si Karl. Sinikap niyang hindi pansinin ito, kahit na taliwas ang reaksiyon ng kanyang puso. Huminga siya ng malalim, saka pinaling sa iba ang kanyang paningin.
"Is everybody ready? Nandito na ba lahat?" tanong pa nito.
"Yes Sir! Kumpleto na!" sagot ni Lani.
"Good!" anito. Ilang sandali pa, dumating ang isang Coaster Bus. "Sumakay na kayo at nang makaalis na tayo."
Bumaba siya ng kotse, saka nilapitan ang Security Guard na naka-duty sa mga sandaling iyon at doon binilin ito. "Kuya, kayo na po bahala kay Sangchu," Sabi pa niya dito.
Napakunot ang noo ng guard. "Sinong Sangchu?" tanong nito.
Napangiti siya ng wala sa oras. "'Yung kotse po. Sangchu pinangalan ko sa kanya," paliwanag niya.
"Tunog aso," sabi pa nito.
Natawa na siya ng tuluyan.
"Chaia!"
Napalingon siya dito. Unti-unting napalis ang ngiti niya nang makitang si Karl ang tumawag sa kanya.
"Sumakay ka na," anito.
Tumango lang siya. Pag-akyat niya sa Coaster Bus. Puno na ang mga upuan. Maliban na lang sa unahan at kanan bahagi ng sasakyan. Napabuntong-hininga siya. Wala man lang siyang katabi. Mukhang mababato siya sa biyahe, wala siyang makakausap.
Ngunit agad siyang napakunot noo ng biglang sumakay si Karl.
"Wow Sir, dito din kayo sasakay?" tanong pa ng mga kasama niya.
"Bakit? Hindi ba puwede?"
"Hindi po! Buti nga po makakasama namin kayo sa biyahe. Diyan na lang kayo umupo sa tabi ni Chaia!" sabi pa ni Lani. Marahas siyang napalingon dito, sabay senyas dito, pero ngumiti lang ito sa kanya, sabay nag-peace sign ito.
"Okay," ani Karl.
Mabilis na kumabog ang puso niya ng umupo nga ito sa tabi niya. Pakiramdam niya ay may umiikot na paruparo sa tiyan niya. Nang umandar na ang sasakyan, wala pa rin siyang kibo. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Hanggang sa mukhang hindi na ito nakatiis at nagsalita ito. Tumikhim pa ito.
"Mahirap ang walang kausap. Mahaba pa naman ang biyahe." Sabi pa nito.
"Okay lang ako," mahina ang boses na sagot niya.
"Ah okay. Kaya lang ako hindi okay."
Napalingon siya dahil sa sinabi nito, sabay kunot-noo. Tinitigan niya ito, mukha naman okay ito. Hindi gaya ng sinabi nito.
"Bakit? Masama ba pakiramdam mo?" tanong niya.
Alanganin itong ngumiti sa kanya. "Hindi naman pero parang ganon na nga." Sagot nito.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 9: Karl January Servillon
Romance"I want to be the salt and light of your world. At kung hindi makakaabala sa puso mo. At kung hindi pa huli ang lahat para sa akin, gusto kong iparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal." Teaser: Simple lang ang nais ni Chaia sa buhay niya. Ang maging...