CHAPTER EIGHT

6.1K 103 1
                                    

UMALINGAWNGAW ang sigaw ni Lani at Miss Anne ng nagsimulang umandar ang Zip Line. Sa haba at taas niyon, kahit sino ay mapapasigaw. Nagsimulang makaramdam ng takot si Chaia. First time niyang masusubukan iyon. Actually, ayaw naman talaga niyang gawin ang activity na iyon. Pinilit lang talaga siya ni Lani dahil alam nitong may Fear of Heights siya. Ang kaso naman, wala siyang kasama, hindi niya kayang sumakay doon na siya lang mag-isa. Ang mga kasunod niya ay pawang mga lalaki. Ayaw naman niyang katabi ang mga iyon.

Mayamaya, binalingan siya ng nag-o-operate niyon. "Ma'am, kayo na po." Anito.

"Ha? Ayoko! Ako lang mag-isa? Ayoko nga!" mariin niyang tanggi.

"Wala! Madaya ka, Chaia! Usapan natin lahat tayo eh." Protesta naman ng mga kasamahan niyang nasa likod.

"Eh ang taas kaya n'yan! Tapos ako lang! Ang dadaya n'yo, palibhasa may mga kasama kayo!" depensa naman niya.

"Sino ba may sabing ikaw lang mag-isa diyan? Ayaw mo kasi akong yayayain eh." Sabad ng bagong dating na si Karl.

Ang kaba na bunga ng takot ay napalitan ng kakaibang kaba dahil sa biglang pagdating ni Karl. Biglang bumalik sa alaala niya ang tagpong iyon sa swimming pool. Ano nga kaya ang nangyari kung nahalikan siya nito? Mabilis niyang tinaboy ang tanong na iyon sa utak niya. Hindi kailan man mangyayari 'yon. Asa pa siya.

Umiling siya. "Hindi na. Ka-kaya ko na." tanggi niya.

Ngumiti ito, saka umiling din. "Eh paano kapag bigla kang himatayin sa sobrang takot habang nasa gitna ka. Ano na mangyayari sa'yo?" tanong naman nito.

Napipilan siya. Sabay bumuntong-hininga. Mukhang wala na siyang choice. Bakit ba kasi kapag sinisimulan niya itong iwasan ay kusa naman itong lumalapit sa kanya? Muli siyang umiling dito.

"Hindi na. Okay na. Kakayanin ko." Tanggi ulit niya.

Nagulat pa siya ng bigla nitong hawakan ang kamay niya ng mahigpit. Umulan ng kantiyawan mula sa mga kasamahan nila. Pinilit niyang binawi ang kamay niya, ngunit lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak nito sa kanya.

"I'm the boss. Kapag sinabi kong sabay tayo, sabay tayo." Giit naman nito.

Binaling niya sa ibang direksiyon ang paningin niya. Saka nilukot niya ang mukha. Ang sarap itulak nitong lalaking 'to!

"Ma'am?" pukaw sa kanya ng operator ng zip line. Tila hinihingi nito ang go signal niya.

"Ay sige na nga! Grrr!" napilitan niyang sagot.

Agad silang pumwesto. Inayos naman ng mga operator ang harness nila para masigurong safe sila at hindi babagsak. Napasulyap siya kay Karl na nasa tabi niya. Malapad ang pagkakangiti nito habang tila excited ito. Samantalang siya, ayun at parang tatalon ang puso niya sa takot. Nang maayos na ang harness nila.

"Ready?" tanong ni Karl.

Huminga muna siya ng malalim, bago tumango. Ganoon na lang ang tili niya ng biglang umandar ang zip line, sabay pikit ng mariin. Si Karl naman ay kuntodo hiyaw habang tumatawa.

"Hey! Open your eyes! Tingnan mo ang view!" sabi pa nito sa kanya.

"Ayoko! Natatakot ako!" aniya.

"Come on! Hindi mo ma-a-appreciate ito at hindi mo mako-conquer ang fear mo kapag ganyan ka." Paliwanag nito.

"Eh ang taas eh! Nakakatakot nga!"

Car Wash Boys Series 9: Karl January ServillonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon