17 : Wayward

73.6K 1.6K 96
                                    


Wayward - tending to behave in ways that are not socially acceptable; not going or moving in the intended direction.

-----

Kim

" Ang totoo ay buntis ako at siya ang magiging ama ng dinadala ko. Kaya ako mismo ang nakikiusap sa iyo" She said.

What the heck is this woman saying. Ano ba ang totoo.

" Alam mo bang iba ang sinasabi mo sa sinasabi ng asawa ko? You tell me it's his but he tells me otherwise. So tell me, why do I need to believe you instead?" I challenged her.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita

" Truth is, simula nang ikasal siya sa 'yo, lumamig na siya sa akin. He doesn't kiss me that often. Ni hindi na nga siya bumibisita sa condo ko. But a year ago, kulang nalang hindi na siya umuwi ng Pilipinas. A month ago I called him. I told him to come over my place so that we could patch things up and talk. Pero nauwi lang sa kama ang lahat. He was devastated that time. Hindi ko alam pero biglaan niya akong hinalikan hanggang sa nauwi na sa pagtatalik ang ginawa namin. Iyon ang totoo. Two days ago, I found out that I am pregnant. Siya ang una kong pinagsabihan ngunit hindi siya naniwala. He told me that he can't father my child because he is married to you. That man is sometimes heartless. Mahina ang kapit ng bata sa sinapupunan ko. Ang sabi sa akin ng doktor ko, bawal akong mastress pero pinilit ko paring pumunta ng Pilipinas. Kimberly umuwi ako dahil gusto kitang kausapin. You are a woman too. Alam mo ang pakiramdam ng maging ina pero hindi ka magawang panindigan ng iyong asawa. I am here begging you not because of my own sake but because of my baby. Kailangan ng anak ko ang ama" She pleaded. Umiiyak na siya sa harap ko

Pero kailangan din ng anak ko ng ama.

Napayuko ako.

" Masakit na Kimberly. Hindi ko na alam ang gagawin ko. The picture was true. The video was also true. I'm sorry for being such a bitch to you the other day but can you blame a desperate woman. Just because I wanted badly for him to father my child, I did all those stuff. Kahit alam kong masama. Kahit alam kong hindi tama. Ginawa ko dahil lang sa gusto kong panindigan niya ang anak ko. Kimberly, he will only do that when you leave him. Kung iiwan mo siya, mapipilitan siyang tumayong ama ng magiging anak namin." Naluluhang untag sa akin ni Georgina. Napahawak siya sa kanyang tiyan. She was holding her tummy as if she was in pain.

Tumayo ako.

" Bakit? Masakit ba ang tiyan mo?" Nag-aalala kong wika sa kanya. Tumango siya.

" Dumadalas na ang pagsakit ng tiyan. I'm also having bleeding spots. My doctor adviced me to be on bed rest but I declined. Nagpumilit akong magpadischarge dahil dito. Kimberly, parang awa mo na. Ako na ang nagmamakaawa sa 'yo. Kung ano man ang naging pakikitungo ko sa 'yo noon, sana mapatawad mo na ako" she said. I discretely placed my hand on my tummy.

Anak, mabigat ang dibdib ni mommy ngayon. Anak kahit anong mangyari huwag kang bibitaw. I promise you that I will be strong for the both of us. Kahit mahirap anak kakayanin natin 'to.

" I'm leaving. Go home and rest. Makakasama sa baby niyo ni Shannon kung maiistress ka" Untag ko at umalis na lamang. Nang tumalikod na ako ay agad kong pinunasan ang mga luha ko kanina ko pa pinipigilan.

Bakit ba ganito? Kung kailan okay na sana ang lahat. Masayang masaya ako ng malaman kong buntis ako pero kalakip nun ang sakit na nararamdaman nv puso ko dahil sa nangyayari ngayon. Masakit sobra. Ni hindi ko na alam kung papaano ko ba aayusin ang lahat. Now I understand what Sabina had told me years ago.

Indolent Heart (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon