20 : Dauntless

83.3K 1.8K 100
                                    


Dauntless - Very Brave

-----

Kim

" Just drop us by the clinic, Miguel. I'm sure you're running late for work. Marami ka pang babasahing reports na nasa table mo. And sorry for the torn papers yesterday, truly it's not just my fault. Kung hindi ka sana kase-" Hindi na natuloy ang sinasabi niya dahil sa nakita niyang pagkislap sa mga mata ni Miguel. This Jaguar fucked her on his office table! I can't believe it. Agad kong nakitaan ng pamumula sa pisngi ni Sabina dahil sa mga titig sa kaniya ni Miguel.

" Yes, Mrs. Zarate. All is perfectly fine on my table right now." Tila ba nanghahamon na wika ni Miguel kay Sab.

" Shut up Miguel." Ayun tuloy, natahimik agad si Miguel. This Zarates are really epic. Simula nung kolehiyo palang kami, wala na akong masabi sa dalawang 'to and they remain, unbreakable up until now. Ilang taon na ang nakakalipas. Malaki na si Miggy ngunit parang magjowa parin ang dalawang 'to kung tutuusin.

Kulang na lang e sabihan mo sila ng How to be a Zarate.

" Okay Mrs. Zarate. Hindi na po magsasalita" Pakuway saad ni Miguel.

Gigs

" The keys. Ako ang magmamaneho" Ayoko nga.

" Boss ka, boss ka? Ikaw talaga Villarte, nakikigamit ka lang ng kotse tapos parang boss ka na ah. Tignan mo 'to, pagkatapos mong sinukasukahan 'tong Montero ko kahapon, gagamitin mo pa. Ang saya!" Ang sarkastiko na ng pagkasabi ko sa kaniya.

" Mamaya ka na magdrama, Gregoryo. Kailangan ko pang puntahan Misis ko" Ngayon parang walang hangover ang gago. Ang tino na kausap.

" O sige nga, tignan natin kung kaya mo ng magsolve" Shit! Baka tanga parin siya hanggang ngayon.

" 1+1" Tanong ko

" I'm not an idiot, Hans! And what the hell is wrong with you! Kagabi ka pa ah. Damn your bullshit mathematics! Give me the keys. Ako ang magmamaneho ng sasakyan mo!" Shit! Galit amputa!

" Okay, edi ikaw na. Ikaw na galit eh. May magagawa pa ba 'tong kaguwapuhan ko?" Buwisit kase. Hinayaan ko nalang ang Villarte na 'to dahil wala na akong magagawa. Asawa niya pinag-uusapan dito eh

Binigay ko sa kaniya iyung susi na agad naman niyang kinuha.

Dali dali siyang pumasok sa may driver's seat at talagang may balak pang iwan ako.

" Hoy! Hindi mo ba ako isasama!" Sigaw ko sa kaniya. At talagang hindi ako pinansin amputa!

" Bahala ka! Di mo alam pupuntahan mo!" Buwisit 'tong kaibigan kong 'to. Paano ko ba 'to naging kaibigan. Nakakainis na kaya 'tong lalaking 'to.

" Sakay!" Sigaw niya. Tignan mo 'to. Kung kailan alam niyang kailangang kailangan niya na ako saka niya ako tatawagin.

" Ayoko nga! Nagtatampo na ako!" Siyempre magdadrama muna ako. Nasasaktan kaya ako sa mga pinaggagagawa ng Villarte na 'to sa akin. Anong akala niya sa akin, walang feelings. Meron din kaya!

" Tangina Gigs! Sakay!" Ulit to pa niya. Shit! Kakatakot amputa! Parang mananakmal ng buhay.

" Oo na!" Tangina lungs! Kung ako hindi magnininong sa anak nito, magtatampo talaga ako! Gago Gigs! Ikaw magtatampo? Kala ko ba hindi uso sa 'yo iyan? Wika ko sa aking sarili. Gaguhan lang talaga.

" Where do we go?" Atlast, nagtanong na din ng maayos.

" Ewan ko. Basta magdrive ka sa EDSA" Binalingan niya ako ng napakasama. Totoo naman ah. Wala pa ngang text sa akin si Captain pati narin si Kapitana. Baka kung ano na naman ginagawa nung dalawang iyun.

Indolent Heart (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon