Valiant - having or showing courage; very brave or courageous-----
Kim
I can't possibly last a day with this pregnancy symptoms. Ang hirap pala magbuntis kung mismong asawa mo ang pinaglilihian mo tapos iniwan mo pa.
My mom is with me now. Sinabi ko na sa kaniya ang lahat. She was not able to accept it in an instant but she did eventually. Pinagalitan pa nga niya ako. Bakit ko daw iniwan ang asawa ko ng ganun ganun lang tapos buntis pa daw ako at hindi manlang alam ng aking asawa.
I am already on my third month of pregnancy but my baby bump is still not that evident. Parang hindi ako buntis kung tutuusin.
" Anong oras ang check up mo sa Doktor?" Tanong sa akin ni mama.
" Mamayang alas nueve po ma. Kahit si Sabina nalang po ang kasama ko mamaya" Untag ko. Busy kase si mama ngayon. Kailangan niyang dumalo sa meeting mamaya sa kumpanya dahil nakaout of the country si papa.
" Are you sure anak" Alanganin pang wika ni mama but I assured her that I am fine.
Sobrang ingat ako sa pagbubuntis ko ngayon. I don't want to lose my baby again. Ayoko na. This time, I will give birth with my baby.
Maaga akong nag-ayos. It was almost 8:30 when I am already ready to leave. I planned to drive but Sabina told me beforehand that she would do the driving.
Ilang saglit lamang ng marinig ko ang busina mula sa labas.
Nang makarating ako sa labas ay hindi ang sasakyan ni Sabina ang nadatnan ko. It was a familiar car.
It was Miguel's car.
Hindi ko alam kung bakit nandito ngayon si Miguel ngunit maingat parin akong naglakad papunta sa sasakyan. True to what I have in mind, Miguel is sitted on the driver's seat. Sabina's on the shot gun seat. Ako naman ay umupo na sa likod nila. Tahimik lamang ako dahil aminin ko man o hindi, hindi ako kumportable sa presensha ni Miguel. His presence is too suffocating. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag kasama mo ang kapitan ng mga Jaguars.
Ilang sandali pa ng magsalita na si Miguel.
He looked at me using his rear mirror.
" Kailan mo balak sabihin sa kaibigan ko iyang pagbubuntis mo? You cannot keep it for too long Kim." He muttered. Now I know why this man is here right now.
" Pagod na si Gigs kakabantay sa asawa mong basagulero" He even continued.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
" I'm sorry" Tipid kong sagot. Alam ko namang maskaibigan niya si Shannon kaya siya ganon magsalita sa akin.
" If you're sorry, take him back. Huwag iyung ginagawa mo lahat mag-isa because if I would seriously be in his position right now, I won't hesitate on doing the unthinkable." Pati si Sabina ay napatahimik sa sinabi ni Miguel.
" Grabe ka naman, Miguel. Huwag kang masyadong OA. Sinabi ko na sa yo na hindi kita iniwan noon. Nagpaalam kaya ako ng mabuti" Shit! Bakit napunta ang topic ni Sab dun. Ano bang pinag-usapan ng mag-asawang 'to bago ako sumakay sa sasakyan nila.
That's when I realized that Sabina is just keen on diverting Miguel's attention.
" Anong nagpaalam ng mabuti. Sab pagkagising ko non wala ka na sa tabi ko. Matapos tapos mo akong halayin nung gabing iyon, iiwan mo na lang ako basta. Tskk" Shit! Nag-aaway ba ang mag-asawang 'to ngayon sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Indolent Heart (Completed) [R-18]
General FictionAlways the princess but never his queen. Warning: This story contains scenes not suitable for young readers, read at your own discretion.