NOBODY 3

58 6 0
                                    


Callisha's POV

Maaga muli akong pumasok, nakasanayan ko na iyon dahil minsan lang naman ako magpuyat, ang problema lang ay napaka antukin ko na kahit kompleto naman ang oras ng tulog ko, pagdating sa school parang ilang oras lang ang naging tulog ko. So weird.

"Hoy Cal! Natutulog ka na naman!" Naramdaman kong umupo si Narine sa tabi ko.

Napabuntong hininga ako at umayos nalang ng upo.

Unti unting dumating ang mga kaklase namin, naging maayos naman ang lahat. Buti nga hindi ako ginambala ng katabi ko.

Pagkatapos ng klase namin ng umaga dahil nagplano kami ni Narine kahapon na magbaon nalang ng tanghalian.

Dumeretso na agad kami ni Rine sa garden sa likod ng school.

Tahimik kaming kumain nang biglang nambulabog ang mga kumag na kaklase namin. Peste!

"Heyow mga nerd!" Napairap ako sa bungad ni Keith.

Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit napaka FEELING CLOSE NILA.

"Anong kinakain niyo?" Takhang tanong ni Nathan. Hindi namin siya sinagot.

Wala ako sa mood-.-

"Ay grabe! Hindi manlang lumingon 'tong dalawang 'to." Sarcasm is in his tone.

Caleb. He's really familiar. Err!

"Hi Isha!" Kunot noong napalingon kay Caleb dahil sa itinawag niya sakin.

Seriously? Bakit Isha? At bakit parang natuwa ako sa tinawag niya sa'kin?

"Tsk. Bakit mo 'ko tinawag na Isha?" Walang emosyong tanong ko.

Ngumisi lang siya sakin at kumindat. Leche!

"Bakit kayo nandito?" Umupo ako ng maayos at iniligpit na ang pinagkainan ko.

"Wala lang. Bawal ba?" Sagot ni Keith. Nakita ko si Rine na grabe makangiti habang nakatingin kay Keith.

Nang lingonin niya ako, inismiran ko siya at napangiwi ang gaga.

"Can we stay here? Ang ganda kasi ng atmosphere. At gusto namin dito tumambay kasi tahimik."

Hindi naman namin pagaari ang garden kaya hinayaan namin silang magstay. Nagusap kami ng kung ano ano.

"Oh, look at what we have here. Found your victims babe?" Nilingon ko ang bagong dating.

At halos maputol ang litid ko sa panggi-gigil nang makita ko ang impaktang nambully sa amin ni Narine.

That bitch will pay bigtime if she dares to touch Narine for another clíche prank o kung anong gagawin niya na makakapanakit kay Rine.

"What are you talking about, Anika?" walang emosyong tanong ni Caleb sa kaniya.

"Oh, wag ka ng tumanggi Babe. I know they're your next victims. So how's it going?" Nakangising sabi niya.

Victim? What the? Anong victim? Victim ng ano? -____-

At sa ngisi palang niya parang sigurado na may plano si Caleb na gawin sa amin.

Walang emosyon na tumayo at naglakad ako paalis dun. Nakakairita.

"Hoy sandali!"

Nang makapantay ako ni Narine agad na umangkla ang braso niya sa braso ko. Ang clingy talaga.

"Bakit?" Tanong ko.

Tinignan ko yung tatlong lalaki na humarang sa daan namin. Mga ungas-.-

The Cold NobodyWhere stories live. Discover now