NOBODY 10

25 2 0
                                    

Yvette's POV

(Callisha's adopted mom)

“Inatake ang mga magulang mo noong papunta sila sa isang meeting sa ibang bansa. Inambush sila sa mismong ere. Walang kamalay malay noon ang mga magulang mo, dahil hindi rin armoured plane ang kinuha nila. Kaya madali silang napatay.”

Nakatingin lang ako ngayon kay Callisha na walang emosyong nakikinig sa akin. Hindi ko tuloy alam kung anong nararamdaman niya.

Naawa ako para sa batang 'toh dahil ulila na sila ng kanyang kakambal at ngayon hindi pa mahanap dahil ibang pamilya ang umampon sa kaniya.

Pinaghiwalay silang dalawa upang hindi madaling matunton ng mga Harris ang magkapatid.

“Kaya hindi kita pinapaalis ay dahil papunta ngayon dito ang anak ng kanang kamay ng mga magulang mo noon. Gusto niyang kausapin ka para sa paghahawak mo ng emperyo ninyo.”

“Alam ba ni Narine 'toh?” tanong niya.

“Isa siyang Gutierez. Pinsan mo siya sa mother's side at alam niya ang tungkol sayo.” huminga siya ng malalim.

“Kung gan'on. Kakausapin ko yung pupunta dito. Anong oras siya dadating?” tanong niya. Ngayon hindi na ako nagulat nang ngumiti siya ng malamig.

Isa nga pala siyang Norris.

Kilala ang pamilya nila bilang nangunguna sa pinaka malakas at maimpluwensyang emperyo sa buong mundo. Ngunit sekreto ang nangyaring trahedya. Ang alam ng buong mundo ay namatay sa sakit ang reyna at namatay naman sa katandaan ang hari. Ang alam din ng buong mundo ay pinapatakbo ngayon ng nagiisang prinsesa at prinsipe ng Norris ang kanilang emperyo.

“Mamayang tanghali.” tumango siya bago lumapit sa mga armas.

“Maiwan na muna kita. Kung may gusto kang malaman, pwede mo'kong lapitan kahit kailan. Hindi kita tatakbuhan.” sabi ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto.




Callisha's POV

Lumapit ako sa mga armas at isa isang tinignan ang mga 'yon.

Hindi man nakikita, naguumapaw ang galit at poot na nararamdaman ko ngayon.

Walang tinira ang pamila ng mga Harris sa akin maliban sa kakambal ko na maari din nilang kunin sa akin.

Pwes, hindi ko na hahayaan 'yon.

Ngayon, ang kailangan nilang paghandaan ay ang pagportekta ng mga mahal nila sa buhay dahil iisa-isahin ko ang kanilang angkan.

Sisimulan ko sa pinakamahina hanggang sa pinakamalakas. Tatapusin ko ang gulong sinimulan nila. Ipaghihiganti ko't bibigyan ng hustisya ang pagpatay nila sa mga magulang namin.

*Calling Narine*

[Oy! Nasaan kana? Kanina ka pa namin hinihintay bruha ka!] —Narine

“Pumunta kayo ngayon dito sa bahay. Isama mo sina Caleb at yung tatlo.”

*toot*

Mabilis na lumabas ako ng kwartong 'yon at nadatnan ko si mama na nagaayos ng mga pagkain sa hapag. Malapit nang mag tanghalian, ibigsabihin malapit na ding dumating ang bisita namin.

“Ma, pupunta ang mga kagrupo ko dito. Pero sa taas ko sila papapuntahin at paghihintayin habang kausap natin ang bisita.” sabi ko.

Tumango siya at kumuha pa ng ibang plato para kila Narine.

The Cold NobodyWhere stories live. Discover now