NOBODY 4

42 4 0
                                    

Callisha's POV

"Sorry but I need to do this for your own sake."

*Kriiiiiiing!*

Napabalikwas ako ng bangon at napatingin sa alarm clock ko na nagiibngay.

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko at ang pawis kong tumulo.

What was that?!

Shit!

Pinatay ko ang alarm clock at bumangon na. Ilang beses muna akong naghilamos bago naligo at nagpalit ng damit panlabas.

Ang bilis ng araw? Saturday ngayon, walang pasok. Usapan namin ng mga groupmates ko ay nagmeet sa park malapit sa village namin dahil magkatabing village lang pala ang tinitirhan naming magkakagrupo.

"Ma! Aalis na po ako!"

"Ha? hindi ka ba muna kakain? Para makapag plano kayo ng maayos, kailangan may laman iyang tiyan mo anak." Napailing nalang ako ng makita si mama na nagaayos ng plato at mga pagkain.

Napatingin muna ako sa orasan at napabuntong hininga.

9:34 am. Bahala na. 10 am naman ang usapan eh. Buti nga hindi ako masyadong nalate ng gising.

Umupo ako at naglagay ng kain at ulam sa plato ko. Umupo si mama sa harap ko at binigyan ako ng tubig.

"Salamat po."

Ngumiti lang siya. Kaya kumain na ako ng tahimik pero napansin ko ang tingin ni mama sa'kin.

"Bakit ma? may sasabihin ka ba?"

Tinignan niya ako ng seryoso bago huminga ng malalim.

"M-May nangyayari ba s-sayong kakaiba?" Napakunot noo ako sa tanong ni mama.

Why is she asking me that all of the sudden?

"Wala naman po. Why?" Umiling si mama at ngumiti pero hindi makatingin sa mga mata ko.

Is she keeping a secret from me?

"Wala naman anak. I'm glad your okay, kinakamusta lang kita. Siya sige bilisan mo kumain mag a-alas dyis na."

Umalis si mama ng kusina kaya binilisan ko na lang ang pagkain.

Agad na pumunta na ako sa park. At pumunta sa eksaktong meeting place namin.

Nakita ko sina Nathan na kumaway sa akin. Si Caleb hindi ko makita kaya baka wala pa. Mabilis na nilakad ko ang kinatatayuan nila.

"Heyow man!"

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Caleb na nakapamulsang nakatayo doon habang nakatingin sa akin.

Kanina  pa ba siya? Magkasabay ba kami?

"Talagang sabay pa kayo ah? Hahahaha!" Nakita ko ang kislap sa mga mata ni Narine kaya inirapan ko nalang siya.

Mang-aasar pa ang aga aga.

"What's our plan?" Tanong ko.

Inaya muna kami nila Keith na umupo sa isang malaking swing at magkakaharap na nagplano ng gagawin sa big project namin sa MAPEH.

"Well sino muna ang mga magiging characters sa play?" Tanong ni Paolo.

Paolo Gomez, He's a normal guy na. Maloko pero minsan matino.

"So, ang magiging Juliet ay si Cal. At ang Romeo niya ay si Caleb. Yieee!"

Nakakunot ang noo ko at naiiritang tumingin kay Narine na nagtaas baba lang ng kilay niya. Grabe!

The Cold NobodyWhere stories live. Discover now