NOBODY 9

26 1 0
                                    

*Kriiiiiiiiing!*

Another day! Bumangon ako mula sa kama at naghanda na para sa napagusapang plano ng grupo namin para sa project.



Saturday na ulit ngayon at dalawang araw na din ang nakararaan mula nung magsleep over kami sa bahay bakasyunan nila Nathan.

Hindi ko kayang kalimutan ang nangyari doon dahil sobrang saya ng pakiramdam ko that time at alam ko sa sarili ko na ngayon ko lang naramdaman ang ganoong klase ng saya.

Bumaba na ako para magagahan.

Nakasalubong ko si mama na aligagang paakyat. Yung itsura niya para siyang hinahabol ng mga aleng pinagutangan niya. Pfft.

“Anak, wag ka munang umalis ng bahay. Sa susunod ka nalang pumunta sa lakad mo ngayon. Pwede ba? Pasensya na anak.” nagtatakang tinignan ko siya.

“Bakit ma? Ano bang meron?” nagtatakang tanong ko.

Sinubukan kong hulihin ang mga mata ni mama para magkatinginan kami ng deretso pero kung saan saan niya 'yon itinutuon ng tingin. 

Naguguluhan akong tumingin kay mama nang hilain niya ako pababa.

Tumapat kami sa isang painting na mamahalin.

“Anong meron diyan sa painting na 'yan ma?”

Nagulat ako nang hilain niya ang tali sa tabi ng painting at biglang parang nabuwag ang pagakakasabit nun.

Sasaluhin ko na sana pero pinigilan ako ni mama. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang nakatali pala 'yon sa kabilang side kaya hindi siya tuluyang nahulog.

Potching 'yan eh. Akala ko talaga mahuhulog takte nagka anxiety attack pa ata ako don grr!

“Ma? Ano bang meron? Care to explain?” naiinis na ako ah.

Hinila ulit ako ni mama. Nagulat ako kung bakit may tagong pintuan pala dito sa loob ng pamamahay nila mama. Pagpasok namin sa loob ng silid. Mas lalo akong nagulat nang makita ang iba't ibang uri ng armas.

Maluwang ang silid. Mas maluwang pa sa ordinaryong silid. Magkasing luwang na ang bahay namin at ang silid na 'toh.

May boxing ring sa gitna. May punching bag at gym equipments na naka-arrange.

Pero wala akong mahanap na sagot sa mga katanungan ko.

Bakit biglang ganito? Anong nangyayari? Anong meron? Bakit may ganito sa pamamahay ng pamilya ko? At higit sa lahat. Ano pang sekreto ang itinatago nila sa akin?

“Ma! Ano ba talagang meron?” hindi ko na naiwasang mapagtaasan ng boses si mama. Mukhang naintindihan naman niya ang nararamdaman kong pagkalito ngayon dahil hindi niya ako pinagalitan.

Huminahon muna ako bago siya hinarap.

Umalis si mama sa tabi ko at pumunta sa isanh cabinet. May kinuha siyang envelope sa loob niyon bago bumalik at iniabot 'yon sa akin.

“Ano 'toh?” takang tanong ko.

Ewan ko ba. Pero bigla nalang akong kinabahan ng sobra. Hindi ko alam kung anong laman ng envelope pero para akong aatakihin sa puso dahil sa pagkalito at kabang nararamdaman.

“Your family is a part of underground and royal society.” Parang napugto ang hininga ko sa narinig.

Walang namutawi sa labi ko. Gulat ang buong sistema ko.

I need fvcking clear and whole explanations!

“Y-you mean, our family?” tanong ko pero umiling siya kaya mas lalo akong naguluhan.

“Damn it, Ma! Explain everything clearly please!”

“Calm down. I'll explain everything to you.”

Tumango ako at lumunok bago huminga ng malalim ng ilang beses para kumalma.

Hinintay kong magsalita siya. Walang namutawing salita sa aming dalawa. Ang kailangan ko ngayon ay malinawan sa lahat ng nangyayari.

Kung bakit hindi ako pinapaalis ni mama ng bahay. Kung bakit may ganitong silid sa loob ng bahay namin. At kung anong ibig sabihin niya sa sinabi niya kani-kanina lang. Gusto ko ding malaman kung higit sa mga nakita at narinig ko kanina. Ano pa ang itinatago nila sa akin.

“We are not your real fam—”

“That's bullshit ma!” hindi ko napigilang sigawan si mama. Shit! I'm being a bad daughter right now and I feel so bad!


“Listen to me first. Then after listening you're free to ask me questions.” ngayon ko lang narinig na magsalita ng puno ng awtoridad si mama. Ngayon lang din nangatog ang mga tuhod ko dahil ramdam ko ang tensyon sa boses ni mama.

“O-okay.”

“As I said, we are not your real family. You're a flesh and blood of Gutierez-Norris Legacy. We adopted you 3 years ago. I'm sorry for telling you lies. But before we adopt you 3 years ago. You're parents left a favor to our family before they pass away and that is to hide and protect you to the greatest enemy of your empire. The Molina-Harris Legacy.”

Hindi ko agad naprocess sa isip ang mga sinabi ni mama. I was adopted? My parents before they die? Enemy? Empire? Fvck!!

“Isa kang heiress ng Norris Royal House you are the one and only heiress of your own palace. Isang Hari at Reyna ng isang malakas at maimpluwensyang emperyo ang mga magulang mo. At kami? Kami ang isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan lamang ng mga magulang mo noon.”

Kung hindi nila ako anak, sino ang mga magulang ko?

“Hindi mo maalala ang mga magulang mo dahil may amnesia ka. It's not because of any accident. We made it for you to escape the pain. Your parents died exactly at your birthday 3 years ago. Your grandfather was killed by the Harris Empire 9 months after your parents died.”

Inshort walang natira sa akin. At ampon lang ako so I don't even belong to this family.

Wow. Just fvcking wow. May amnesia din pala ako? Haha kaya ba blurred ang mukha ng mga magulang ko sa mga panaginip ko? Kaya ba palaging may imaheng pumapasok sa isip ko tuwing may bagay na napapamilyar ako?

“And you have a twin. He's still alive. But we don't know where he has been.” I smiled. May natira pa pala sa'kin. And tbat's my twin. Nasaan kaya siya?

“About the underground society. Maliban sa pagiging dugong bughaw. Isang malakas na Mafia organization ang hawak ng mga magulang mo. Naiwan ito at pinamumunuan pansamalantala ngayon ng anak ng kanang kamay ng mga magulang mo. And now, the Harris empire and organization also, are hunting the heiress of both empire and organizationd of Norris Empire. Why? Because your family is the no. 1 or the boss of all mafia bosses inside the underground society. Gustong makuha ng pumapangalawa sa inyo ang posisyon and that is Harris Empire again.”


Wala na akong ibang naintindihan maliban sa isa. I'm an heiress of a royal blood and a big mafia organization.



[TO BE CONTINUED...]

—xStoneHeartedx

The Cold NobodyWhere stories live. Discover now