NOBODY 8

27 3 0
                                    


Nadatnan ko si Caleb sa baba ng vacation house. Nasa may puno siya malapit sa peak at nakaupo sa duyan na gawa sa kahoy o tabla ang upuan.

Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya o babalik nalang sa loob.

Pakshet! Bakit nagkusa kasing humahakbang mga paa ko?!

Mag sumasapi yata sa'kin!

Errr!

“What?” Malamig na tanong ni Caleb. Naramdaman niya siguro ang presensya ko.

Nakakapagtaka lang kasi may apat na dipa pa ata ang layo ko sa kaniya.

Paano niya ako naramdaman agad?

“Anong nangyare sayo kanina? Bakit bigla ka nalang umalis? Bakit nagalit ka kay Nathan?” Sunod sunod na tanong ko sa kaniya.

Huminga siya ng malalim bago siya sumagot.

“Wala ka ng pake don. Sino ka ba para paki alaman ang nangyayari sa'kin?” malamig na sagot niya.

Narandaman ko ang pagkirot ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Why am I hurting?

Ganito din ba ang naramdaman ni Caleb kanina?

Did I hurt him? Kaya ba siya ganito ngayon dahil nasaktan ko siya sa mga biglang tanong ko sa kaniya kanina?

“I'm sorry.” Gulat akong napatigil sa kinatatayuan ko.

Mapride akong tao. Hindi ako nagso-sorry unless alam kong kasalanan ko, kahit kasalanan ko hindi ako nagso-sorry. But now, whatever is happening now, it's freaking unexpected na bigla nalang akong nagsorry.

“Tss. Go back to your Nathan.” malamig na sabi niya. Ang ginaw na nga lang dahil pagabi na ang cold pa niya makipagusap.

Nangunot ang noo ko. At bakit nga ba siya biglang nagbanta kay Nathan after the hug?

“Bakit mo binantaan si Nathan nung niyakap niya ako?” tanong ko.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung bakit pero may parte sa akin na umaasang nagseselos siya.

What the hell?! Bakit bigla akong nagkakaganito? Arghh!

“It's none of your business.” madiin na  sagot niya.

Nadismaya akong tinignan siya. Ano bang nangyayari sa taong 'toh? At ano nga bang pake ko? Bakit iniisip ko yung nararamdaman niya? Err!

“Pumasok ka na sa loob. And please put something on your lap. Malamig ang simoy ng hangin.” malamig ang tono ng pananalita niya pero hindi ko maiwasang kiligin. Arghh!

“Sige. Sunod ka na din.” tipid na sagot ko at humakbang na pabalik sa loob pero bago pa man ako makabalik at makalayo sa kinakatayuan ko kanina ay nagsalita ulit siya.

“Stay away from Nathan, will you?” nilingon ko siya at nakita kong mataman niya 'kong tinitignan.

Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko nang magtama ang mata namin.

Argh! Ano bang nangyayari sa'kin?!

Hindi ko alam ang isasagot kaya nagmamadaling pumasok na ako sa loob ng bahay bakasyunan.

Pagpasok ko nakita kong naghahanda si Narine ng pang ihaw at naglalakad papunta sa direksyon ko. Mukhang ilalabas niya 'yon.

“Anong gagawin mo diyan?” takang tanong ko.

“Maglelechon siguro. Char! Magiihaw tayo. Barbeque party ang peg ng mga boylets hahahahahahah.” napailing nalang ako at tinungo ang kusina.

Nadatnan ko naman si Nathan na naghahalo ng sabaw. Hindi ko alam kung anong sabaw 'yon. At si Keith naman naghihiwa ng hotdog at nagsasalinsin ng mga iihawin.

“Anong maitutulong ko?” tanong ko. Sabay silang napatingin sa akin at sabay ding sumagot.

“No need/Wag na lang.”

“Kumuha ka nalang ng ipapatong or ibabalot mo sa hita mo. Magbo-bonfire tayo sa labas pero lalamigin ka pa rin lalo na dahil ganyan ang suot mo. Malilintikan pa kami sa isa dyan.” Is he talking about Caleb?

Nakita ko ang pasimpleng pananaway ni Nathan kay Keith na parang hindi sinasadya ni Keith na madulas sa pananalita niya.

There's really something fishy.

“Uhmm, saan ba makakahanap?” tanong ko. Wala kasi akong alam eh.

“Kunin mo yung jacket na nakababa sa may single sofa sa sala. Pwede mong gamitin 'yon since malaki din.” tumango ako at nagpaalam para kunin 'yong sinasabi niyang jacket.

Nang makuha ko 'yon. Lumabas ako ng bahay para samahan si Narine sa paghahanda ng pagiihawan ng mga kakainin.

Yung kaninang akala ko ay gagala lang mukhang magiging sleepover na hindi pinagplanuhan.

Nice. Right? Pfft!

“Woah. Kanino 'yang jacket na hawak mo Cal?” at dahil nasa labas din si Caleb napalingon din siya sa direksyon namin dahil siguro narinig niya din ang tinanong ni Narine sa'kin.

Nakita kong kumunot ang noo ni Caleb at bago pa man ako makasagot sa tanong niya nauna na siyang magsalita.

“That's mine.” nakakunot noong sabi niya. Nagulat ako at napatingin sa jacket.

Loko talaga si Keith! Akala ko sa kaniya yung jacket! Arghh!

“H-Ha? Ah sige. Hahanap nalang ako ng iba. Akala ko kasi kay Keith 'toh. Sabi niya kasi kunin ko eh. Pasensya na.” Nauutal kong sabi. Babalik na sana ako sa loob pero pinigilan niya ako.

“No. It's okay. Mas mabuti na ding sa akin yung gamitin mo kaysa gamit ng iba.” sabi niya bago nakapamulsang pumunta sa likod ng bahay.

Nagkatinginan kami ni Narine at ang bruha nakatingin ng nanunukso sa akin.

Inirapan ko siya pero ramdam kong mainit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit. Pero biglang uminit ang pakiramdam ko matapos kong marinig 'yong sinabi ni Keith. Aish!

“Ehem! May namumuo~”

Sinamaan ko ng tingin si Narine na tinawanan lang ako. Ampotchi! Pag ako hindi nakapagpigil kakalbuhin ko 'tong bruhang 'toh.

Maya maya pa nakita ko na sina Keith at Caleb na sabay ba naglalakad papunta dito sa direksyon namin.

Si Caleb may dalang mga kahoy at makakapal na tela habang si Keith ay dala ang mga iihawin.

“Hi girls! Mamaya pa makakababa 'yong si Nathan dahil nagluluto pa siya ng pampainit na sabaw.” sabi ni Keith at nilapag ang mga iihawin sa table na medyo malapit sa pagiihawan.

“Let me help you.” sabi ko at lumapit kay Caleb para kunin 'yong mga tela.

Nilayo niya ang mga 'yon sa'kin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tinaasan niya lang ako ng kilay at nagpatuloy sa pagaayos ng mga kahoy na sisindihan ng apoy maya maya.

“I said I'll help you!” inis na singhal ko kay Caleb pero hindi niya ako pinansin.

Nagmamartsang bumalik ako sa tabi ni Narine at sa kaniya na lang tumulong dahil maguumpisa na siyang mag-ihaw.

“Take care baka mapaso ka.” narinig kong sabi ni Caleb.

Naramdaman kong siniko ako ni Narine at nakangisi ng malawak sa akin. Inirapan ko lang siya at umismid.

Napaka hambog. Tutulungan na nga lang ayaw pa. Nagmukha tuloy akong donya dito sa mukhang magaganap na sleep over.

Arghh! I hate this feeling!

[TO BE CONTINUED...]

—xStoneHeartedx

Updateeee! Daily update tayo ngayon bwahahahaha! Wala eh nasipagan ko hihihi. Thank you for reading! Don't forget to vote, comment and share! I hope y'all liked this chappy! Mwaaaps!

The Cold NobodyWhere stories live. Discover now