NOBODY 19

18 2 0
                                    


CALLISHA'S POV

"CALLISHA."

Huminga ako ng malalim. I knew it. Alam kong pagt-tripan na naman ako nila Thasha dahil sa nangyari.

Lumingon ako at nakita ko siyang nakangisi ng malademonyo.

Hayss! Hinayupak ka talaga Caleb! Humanda ka sa'kin mamaya! Ngina!

"How do you feel now that Caleb chose you to be his partner in the upcoming pageant?" Nakangising tanong sa'kin ni Thasha.

Nakangisi nga siya pero yung mga mata niya parang patalim na kung pwede lang ay kanina pa ako sinaksak at duguang nakalatay dito.

Masama ang kutob ko sa gagawin ni Thasha ngayon pero nilabanan ko ang emosyon ko.

I'm an Heiress to an Organization and a royal house. It's enough to be strong and ruthless infront of the daughter of my enemy.

Alam kong walang alam si Thasha sa nakaraan ng pamilya namin. Kaya labas siya sa mga plano ko, pero oras na sumobra ang mga ginagawa niya sa amin ay hinding hindi ko rin siya palalampasin.

"Ano ba talagang pakay mo sa'kin? Look, I have to go to the office of our homeroom teacher kaya kung may sasabihin ka man. Bilisan mo dahil mabigat din itong dala ko." sabi ko.

Ang tinutukoy ko ay ang box ng notebooks at libro na hindi na kailangan.

I should've accepted Blythe's help.

"Gusto ko lang sanang linawin ang lahat." Nagumpisa siyang humakbang palapit sa akin.

Imbis na umatras at lumayo kay Thasha dahil sa posibilidad na saktan niya ako, tumayo lang ako dun at deretsong tinignan siya ng malamig sa mga mata.

Napansin kong nauutal utal at lumulunok tuwing lumilipat sa mga mata ko ang tingin niya.

Papalit palit kasi sa mga buhok at kuko niyang nilalaro ang tingin niya sa akin.

"What to you want to clear?"tanong ko. Malamig ang tono ng boses ko.

Nakita ko si Anika na hindi na mapakali sa tingin ko.

Natatakot ba sila? Pfft! Hindi nga ako gumagalaw at nagsasalita lang pero ganyan na agad sila katakot?

"Can you stop playing around you bitch?!" Nagulat ako dahil parang bombang sumabog sa harap ko ang pag sigaw ni Thasha.

Damn. Anong pinagsasabi ng bruha na toh? Stop playing around? Why? Akala ba niya nakikipag laro ako sa kaniya?

I don't want to waste my time, playing around with dumbass bitches.

"No. Why would I play around? With you?" Binututan ko ng nakakaoffend na ngisi at tawa ang sinabi ko.

Tumigil siya nang ilang dangkal nalang ang layo namin. Wala siyang ibang ginawa doon kundi huminga ng malalim at tignan ako ng masama.

"Why are you glaring at me?" inosenteng tanong ko.

Play around pala ha? Okay then.

"Hey, ayos ka lang ba? Wala naman akong ginagawa para magalit ka sakin ng ganyan ah? Dod I do something wrong? Tell me." Painosenteng sabi ko.

Mas lalong sumama ang tingin niya sakin.

God! Tree guard si sis! Hay nako.

"Why are you gla--"

"ENOUGH!!!"

Lihim na napangisi ako nang makita ang pamumula ng mukha niya sa galit.

"I want to tell you that I like Caleb. So stay away from him because he is mine and mine alone. Do you understand?" Madiing sabi niya.

Naramdaman ko ang kamay niya sa leeg ko na parang sinasakal ako.

"Bakit ikaw pa ang pinili niyang partner sa pageant eh di hamak na mas maganda naman ako kaysa sayo na isang hamak na basura lang naman. You're just a nobody, bitch. You heard that? YOU. ARE. JUST. A. NOBODY." Diniinan niya ang pagkakahawak sa leeg ko dahilan para kapusin ako ng hininga.

Damn! I can't breathe! Fvck this bitch!

"Thasha, tama na yan. Baka may makakita sayo." nakaalarmang saway ni Anika kay Thasha na halos sumabog na nga sa sobrang galit.

Ang mga ugat ng kamay niya ay halos makita ko na rin dahil sa pagkuyom nito.

"Shut up, Anika. I'm not done yet." Marahas na binitawan niya ang leeg ko kaya napaupo ako sa sahig dahil sa panghihina at kapos sa hininga.

Hinabol ko ang hininga ko at masamang tinignan siya.

"Aba, lalaban ka pa? Okay, para mas may thrill naman. Ang boring mo eh. I want you to fight back." sabi niya na parang inuutusan niya ako.

Habol ang hiningang pinilit kong tumayo kahit nanlalabo ang mga mata ko. Masyado akong nasuffocate ng pananakal ni Thasha at sigurado akong bumakat ang mga kuko niya sa leeg ko.

"Y-you don-don't h-have to tell m-me that." Nauutal na sabi ko.

Hindi ako makahinga. Fvck!

"Oh, I'm glad. By the way, bawiin mo ang sinabi mo na magiging partner ka ni Caleb sa pageant. Tell them that you can't because you're ugly and just a nobody." Nakangising sabi niya. Narinig ko namang tumawa sina Anika sa narinig na sinabi ni Thasha.

Damn. Masyadong disperada.

"I w-won't." Matigas na sabi ko.

Pero kahit nanghihina ako ngayon. Hinding hindi na ako magpapaalipin sa kanila. Hinding hindi na ako magiging aso nila na isang utos lang ay sinusunod na. Ako naman ang babahag sa mga buntot nila. Ako naman.

"Oh, my dear. Wag mo nang pilitin na sumali. You don't deserve to be with Caleb in that pageant paniguradong pagtatawanan ka lang nila. Look at yourself. Big eye glasses? Braces? Pimples? Manang na style? Duh?! Anong klaseng babae ka ba? Ay hindi ka nga pala babae. Nakalimutan kong wala nga palang gender ang mga basura." Tumawa ulit sila sa sinabi ni Thasha.

'Anong nakakatawa dun?' gusto kong pambara sa kanila kaso hindi ko na maibuka ang bunganga ko para magsalita.

"Basta, bawiin mo ang pag payag mo. And recommend me to be Caleb's partner. Mas bagay pa kami kasi maganda naman ako." Nagbubuhat ng sariling bangko ang tang'na.

"I s-said, I w-wont." Mariing sabi ko. Pilit na nilalabanan ang antok at panlalabo ng mata.

Nagulat ako ng makaramdam ng parang may tumusok sa braso ko.

"Kawawa ka naman. Hayan, matulog ka muna." Bago pa man ako makabangon ay bumagsak na ang mga kamay ko. Maski ang katawan ko ay hindi ko na maigalaw.

Gusto kong sumigaw ng tulong pero hindi ko na kayang magsalita. Nakita ko ang palayong bulto nila Thasha.

I won't take back my words.

I felt nothing. Until my eyes dropped close and I drifted to sleep.


[TO BE CONTINUED...]

--xStoneHeartedx

HAPPY NEW YEAR!! SANA NAGUSTUHAN NIYO ANG 5 CHAPTERS NA IN-UPDATE KO WITHIN A DAY. JANUARY 1 NAAAA! MORE BLESSINGS THIS 2020 FOR EVERYONE! GOD BLESS!

THANK YOU FOR READING! I LOVE Y'ALL! MWAAAPS! ROAD TO 100 READS! KYAAAH! THANK YOU GUYSUEE!

The Cold NobodyWhere stories live. Discover now