NOBODY 7

29 4 0
                                    

Nanatili kami ng ilang minutong nakatayo ni Nathan sa pintuan nang biglang sumulpot sa kung saan si Narine na may hawak ng cupcake at in can na beer.

Mukhang galing sa kusina ang bruha.

Nakita ko si Keith na lumabas mula sa isang pintuang tanging kurtina lang ang nagsisilbing harang. Kusina siguro 'yon dahil may dalang dalawang plato ng barbecue at isang medyo malaking supot ng in-can beers.

Trip ba nilang mag-inuman? Nakakalimutan ata nilang may kasama silang babae. Aba!

“Chill lang Calli. Hindi naman namin uubusin 'yan.” biglang sulpot ni Nathan sa tabi ko.

Pumunta kami sa sala at dun namin nakita si Caleb na nakasalampak sa sahig, nakamedyas lang at may hawak na canned beer sa kanang kamay niya.

Alam kong naramdaman na niya ang presensya namin pero hindi manlang niya kami nilingon.

Deretso lang ang tingin niya sa tv na ang palabas ay Loud House.

“Baka matunaw 'yan. Kunan mo nalang ng litrato atleast d'on tatag— Aray!”

Napaka malisyosa talaga ni Narine.

“Nagbibiro lang eh” sabi niya habang kinakamot parte ng ulo niya na kinutusan ko.

“Hoy upo na. Kanina ka pa nakatayo, 'di ka ba nangangalay?” natatawang aya ni Nathan sa'kin na umupo sa sofa. Kaya umupo na din ako.


Kamalas malasang nasa paanan ko lang si Caleb dahil sa tabing parte ko ng sofa siya nakasandal.

“Laro tayo guys!” biglang aya ni Keith na naging isip bata na naman.

Walang umangal sa amin. Kaya ngayon nakapalibot na kaming lahat ng pabilog.

I know what will we play.

“Truth or dare! So ang matuturo ng nguso ng bottle na 'toh ang tatanungin tapos ang sa pwet ang magtatanong.” explain niya sa gagawin bago sinimulang paikutin ang bottle.

Unang tumama ang nguso ng bote kay Narine at ang pwet naman ay kay Nathan.

“Truth or dare?” nakangising tanong sa kaniya ni Nathan.

Mukhang nagdadalawang isip pa si Narine sa isasagot niya. Kung ikaw ba naman tignan ng nakakatakot na ngisi.

Yung feeling na kaya niyang ibunyag yung sekreto mo.

“Dare!” aba. Atapang abata.

Lumawak lalo ang ngisi ni Nathan at medyo natawa ako nung makita kong napangiwi at napalunok na sa kaba si Rine sa maaring I-dare sa kaniya ni Nathan.

Susmiyo. Akala mo naman nasa harap ka ng husgado at hinuhusgahan kung guilty or not guilty ka sa pinataw na kasalanan sayo. Pfft.

“Wait!” pigil ni Keith bago pa magsalita si Nathan.

“Nakalimutan kong sabihin hahahaha. Pag nagtruth, you'll state something like a fact. Tapos ang sasagutin ng nagtruth ay guilty or not guilty.” Ayon. Mas nakakatakot tuloy mag truth. Punyemas ka Keith!

“Nice.” sabay tawa ni Nathan ng malakas.

Nabaliw na.

“Okay, so ang dare ko sayo. Makipag holding hands ka kay Keith ng 5 minutes.” nakangising sabi ni Nathan.

The Cold NobodyWhere stories live. Discover now