NOBODY 12

25 3 0
                                    

 
CALLISHA'S POV

Pagkatapos na pagkatapos ng usapan namin ni Caleb tungkol sa bisita. Umalis sila ng bahay at nagpasyang magusap usap nalang kami sa pasukan.

At ngayon ay linggo na. Nakahilata lang ako dito sa kwarto at halos mamatay na sa sobrang boredom na nararamdaman.

Hmmm.. Ano bang magandang gawin? Wala namang assignment na binigay 'yong mga subject teachers namin last week.

Aha! Tutal may mga gym equipments dito sa bahay na nakatago lang, dun nalang ako magpapalipas ng oras.

Tumayo ako at nag-ayos para mas komportableng mag-gym. Nagsuot ako ng leggings na gray, sinuot ko din ang sports bra ko at itinali ko ang buhok ko into ponytail na mataas. Nagsapatos na din ako para mas feel. Pfft!

Pagbaba ko sa sala nagulat ako nang makita si Caleb na nakaupo doon at kausap si Mama. Kailan pa siya dumating? Bakit hindi manlang ako tinawag ni mama? Ishh!

“Hey.” tawag niya sa akin tsaka niya ako nginitian. Walang emosyon ang mga mata ko pero nagawa kong ngumiti din pabalik.

Napalingon din si mama sa direksyon ko.

“Oh anak! Pasensya ka na, hindi kita tinawag pababa, akala ko kasi nagpapahinga ka.” umiling ako at tahimik na lumapit sa kanila.

Nakita kong nailang si Caleb dahil sa suot ko. Oo nga pala, magg-gym nga pala ako kaya ganito ang suot ko.

“Magg-gym ka ba 'nak?” tanong ni mama.

“Opo ma.” sagot ko at tinignan si Caleb.

“Good morning, anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya.

Tumikhim muna siya bago sumagot habang hindi makatingin ng maayos sa'kin.

“I'm here to talk to you, pero gaya nga nang sabi ng mama mo, akala niya nagpapahinga ka kaya hindi ka na niya tinawag dito.” sabi niya.

“Ano bang sasabihin mo?”

“Sige, maiwan ko muna kayo. Ipaghahanda ko lang kayo ng makakain.” sabi ni mama at iniwan na kaming dalawa ni Caleb dito sa sala.

“I'm talking about your plan. Anong gagawin mo ngayon? I mean, alam mo na ang tungkol sa totoong pagkatao mo. How about your profile in public? Babaguhin mo ba? Specially in school, ang alam ng lahat isa kang walking cold trash. Dahil nerd ka nga pero palaban at wala namang paki sa mga nambubully sa'yo.” tumaas ang kilay ko nang sabihin niyang mukha akong WALKING COLD TRASH.

Saan naman nila napulot ang bansag nillang 'yon sa'kin? Hindi manlang nila pinag-effort-an. Errr!

“My image as Callish Yumi Gustavo, the cold nobody will not change. It will save me too from the threats inside the school. If ever na may miyembro ng Harris Organization sa school, oh well, hindi na kailangan pang iwasan. I've studied mixed martial arts not just for nothing. And now I'm working on how to bring guns and deadly weapons to school without causing any chaos.” sabi ko at tumango tango naman siya.

Eksaktong dumating si mama dala dala ang tray ng pagkain. May dalawang orange juice at mukhang nagbake siya ng cookies kanina dabil ang daming cookies sa plato na nasa tray.

Alam ni mama ang paborito kong pagkain. Pa'no ako makakapag-gym nyan? Baka tamarin ako at magpaakit nalang sa mga pagkain. Aish!

“It's your favourite.” natigilan ako at napatingin kay Caleb na nakatingin sa cookies.

He said it like he's stating a fact and he's sure of that.

Nakalimutan kong may parte nga pala siya past ko.

“Ahm, may itatanong ako sa'yo. Well, this may sound awkward, but I kept on dreaming about you and my parents this past few days.” sabi ko at kumagat ng cookies. Hindi ko alam kung titingin ako sa mga mata niya ng deretso.

“Really? What is it?” he looked amused.

Tinignan ko ang mga mata niya at tama nga ang hula ko. May kakaibang kislap ang mga mata niya nang marinig ang sinabi ko.

“What is our relationship before I lost my memories?” tanong ko.

Ngumisi siya at hindi agad sumagot. Kaya habang tumatagal ay sinasamaan ko na siya ng tingin dahil alam niyang kinakabahan ako sa tanong ko sa kaniya.

I want to punch his face for teasing me like this! Damn it, Caleb!

“Well, you have to figure it out yourself, Miss Gutierez.” nakangisi na siya at talagang nga namang pinanindigan nito ang pagiging pilyo ng kislap ng mga mata niya ngayon.

Lumapit siya sa'kin at halos isang pulgada nalang ang pagitan ng mukha namin.

Hindi tuloy ako makahinga ng maayos. Idagdag mo pa ang nagwawalang puso ko. And the familiar feeling of butterflies in my stomach.

Good God! What is happening to me?!

“L-lumayo ka nga s-sakin. Tss!” sinubukan kong labanan ang mga tingin niya. Kahit parang tinutunaw niya ako.

At nang hindi ko na talaga kinaya, nilabanan ko ang lahat ng nararamdaman ko at itinulak siya ng malakas.

“Chill. Masyado kang halatang kinikilig eh. Ikaw ha.” Ramdam ko ang paginit ng mga pisngi ko.

Shit ka! Bwesit! Arghh!

Gusto kong murahin ng murahin si Caleb dahil sa mga sinasabi niya pero nauumid ang dila ko at hindi ko rin maibuka ang mga labi ko.

Fvck you, Caleb!

“Damn. You look beautiful while blushing!” asar pa lalo ng gago.

“Damn you, Caleb! Lumayas ka nga dito! Wag kang magpapakita sa'kin bukas dahil mabubugbog kitang bwesit ka!” and there. I burst out in irritation.

Dang! Ang lakas niya mang asar!

“Sus! Kinikilig  ka lang eh.” at humagalpak siya sa tawa.

Akmang babatuhin ko siya ng basong wala ng juice nang mabilis na nagtago siya sa likod ng pangisahang sofa.

Ako naman ngayon ang napangisi. Matanong nga kina Nathan kung may kinakatakutang insekto o kung ano itong si Caleb. I'll make him pay big time. Mwehehehe.

“Damn. Matatakot na ba ako sa iniisip mong ganti dahil sa ngisi mong malademonyo?”

Tinignan ko siya ng blangko. Wala akong pinakitang emosyon.

“Wow. Ang galing mo namang actress, mahal na prinsesa. Tignan natin kung may igagaling pa 'yan.”

Nangunot ang noo ko at hindi maiwasang magtaka.

Pero ganun nalang ang gulat ko nang maghagis siya ng gagambang buhay sa harap ko.

“Fvck you Caleeb! Tangina ka! Bwesit ka! Mapapatay kitang hinayupak ka! Lumayas ka ditoooo!”





[TO BE CONTINUED...]

-xStoneHeartedx
Uwu! Hahahaha! Another update! Sana nagustuhan niyooo~ Don't forget to vote, comment and shareee~ Thank you for reading! Mwaaaps!

The Cold NobodyWhere stories live. Discover now