NOBODY 6

30 4 0
                                    

“Tara na, Cal!” Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa tambayan at sumunod sa kanila.

Itinago ko ang memory card and I already started my investigations.

“Since sa last week ng month na 'toh ay sembreak, bakit hindi nalang natin simulan kunti ngayon ang project and then we'll finish it while spending the sembreak. Makakapag travel tayo ng mas maluwag n'on.” Mahabang litanya ko. Naramdaman kong natigil si Narine.

I know what will she do next.

=___=

“OMG! Hala Cal! May sakit ka ba? Shit! First time in my life with you na marinig kang magsalita ng ganyan kahaba!”

Spell OA. N-A-R-I-N-E

-.-

"Manahimik ka nga. Ang oa mo talagang mega phone ka. Sakit mo sa tenga!” sabat ni Keith na sobrang naiirita ang itsura.

Wala talagang oras na pinapalampas 'tong si Keith na asarin si Rine ah. Pfft.

“Calli!” Nilingon ko si Nathan na tinawag akong Calli.

What the hell? Ang weird ng mga magkakaibigan na 'toh.

Una, si Caleb na tinawag akong ‘Isha’ pangalawa naman si Nathan na tinawag naman akong ‘Calli’. Baka sumunod si Keith ah.

“Shang!”

What the actual fvck?

“What the heck? Bakit binibigyan niyo ako ng mga ganiyang nickname? Close ba tayo?”

Walang emosyong ngumisi si Caleb. Tapos si Nathan at Keith kinindatan at nginisihan pa ako. Grabe!

“Attitude ka sis?” isa pa 'tong si Rine.

Ma-attitude ako pero wala na silang pake d'on!

“Tss! Let's go. Baka mahuli na naman tayo sa klase. Math class pa naman 'yon.” sabi ko at iniwan silang nagtatawanan.

Sila Paolo at yung kambal naman ay sumunod sa'kin pero rinig ko din ang tawanan nila.

“Chill lang, Cal. Hindi kami gagawa ng nickname mo na gaya ng kanila. Diba kambal?” tanong ni Luis kay Lucas.

Ang pagkakaiba ng magkambal na 'yan ay ang kulay ng mata at height nilang dalawa.

May pagka-gray yung mata ni Lucas habang ang kay Luis ay pure and deep black. Mas matangkad naman si Luis kaysa kay Lucas.

Parehong intimidating ang dating ng magkambal kaya hindi na rin maiwasang pagusapan sila gaya ngayon na ang daming nagbubulungan sa paligid dahil kasama ko na naman sila.

Dahil kasama ko na naman ang mga prinsipe nila. Pwe!

“What are you all doing? Go to your classes now!” Biglang sumulpot ang isang professor sa harap nila kaya natigil ang tsismisan nila. Dali dali silang naglakad papalayo sa amin at sa professor na sumita sa kanila.

Buti nga sa kanila. Haha.

“Yumiii!”

Nakalimutan ko nga palang mas maloko ang magkambal. Ampotching 'yan.

Binilisan ko nalang ang lakad ko at nang marating ang room namin ay dumeretso na ako sa upuan ko at walang imik na dumokdok ulit sa table ko.

5 minutes before classes nag-announce ang student council.

“CALLING THE ATTENTION OF ALL STUDENTS. ALL CLASSES TODAY ARE NOW SUSPENDED DUE TO AN EMERGENCY FACULTY MEETING. YOU MAY NOW GO HOME. THE CAMPUS SSG MUST NOT SEEN ANY STUDENTS AROUND 1-2 PM.”


At nagdiwang ang buong Forsythe Academy dahil sa announcement.

Mabilisang nagligpit ang mga kaklase ko at isang iglap lang ay kaming lima na naman ang natira.

“Uuwi na kayo?” tanong ni Narine na nakaupo parin kahit tapos ng magayos ng gamit niya.

“Hindi pa. Gagala pa kami, gusto niyong sumama?” tanong ni Nathan na sa'kin nakatingin.

“Sure.”

Pumayag na din si Narine kaya nagplano kaming magpapalit muna bago sumama sa kanila. Buti nalang at may dala kaming extra na damit na pwedeng panggala.

At sakto ding P.E. uniform ang suot namin ngayon. Kaya wala ng problema sa sapatos.

“Saan gagala?” tanong ni Narine nang makadating kami sa parking lot kung saan nila kami hinintay.

Naka shorts ako na hindi masyadong maikli at oversized t-shirt na lagpas hanggang shorts ko. Kaya pagkakamalan akong walang shorts.


Gulat din si Narine nang makita niya yung suot ko, lalo na nung makita nang boys maliban kay Caleb na nakakunot ang noo habang nakatingin sa itsura ko.

“What the hell are you wearing?“ kunot noong tanong niya na parang hindi niya nagustuhan ang damit ko. Ang cool kaya.

“Damit malamang. Alangan namang basahan?” sarkastiko at pilosopong sagot ko. I like being myself. Like this.

“Tsk! Magsuot ka ng mahaba sa pangbaba. Para kang nakasalawal lang.” Istriktong sabi niya.

Akala mo naman kung sinong makapagsabi n'on.

“Bakit kita susundin? Sino ka ba para sundin ko? Ano ba kita?” nangaasar na tanong ko sa kaniya.

Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya. Mabilis na nawala ang emosyon sa mata niya pagkatapos dumaan ng isang emosyon sa mga mata niya na hindi ko mapangalanan.

Natahimik din sina Keith at Nathan na parehong nakatingin kay Caleb ngayon ng may simpatya.

Did I said something wrong? Or did I hit something?

“A-ahm. Ano guys? Tara na? Tumatakbo ang oras oh. Dali!”

Lahat kami nabalik sa wisyo nang magsalita si Narine kaya nagkanya kanya na kaming sakay.

Si Narine sumakay sa kotse ni Keith.

“Tara na. Calli? Sa'kin ka na sumakay.”

Tinignan ko muna si Caleb na tahimik na sumakay sa kotse niya.

Lumapit na ako kay Nathan pero bago pa man ako makasakay sa sasakyan niya. Nagulat nalang ako nang biglang humarurot paalis ang sasakyan ni Caleb.

Anong nangyari sa kaniya? Should I apologize? Parang kasalanan ko kasi, kung hindi ko ba itinanong 'yon hindi siya magkakaganon?

“Don't mind him. Tara na. Pumunta na 'yon sa tambayan.” and I became curious about that ‘tambayan’ thingy nila Nathan.

“Sure.”

Sumakay na ako at sumunod na din kila Narine at Keith na umalis na din kasunod ni Caleb.

Pagkalipas ng ilang minuto nakarating kami sa parang vacation house. Malapit siya sa peak ng burol. Kaya maganda ang view lalo na kung sunset dahil kita rin ang siyudad sa baba.

“Kaninong vacation house 'toh?” tanong ko pagkababa sa kotse.

Sumunod ako kay Nathan nang pumasok siya sa bahay.

“Someone important to us.” Nakangiting sabi niya.

Sinong tinutukoy niya?

Pinalibot ko ang paningin ko sa paligid at napansin na parang pamilyar sa akin ang bawat sulok ng bahay na 'toh.

Did I came here before?





[TO BE CONTINUED...]

—xStoneHeartedx

Update! Thank you for reading! I hope you liked this chappy! Hit the star button and comment your thoughts! Don't forget to share it with your friends! Again, thank you for reading! Mwaaps!

The Cold NobodyWhere stories live. Discover now