“ABCDRGAOJWFISDVKCNA?!!!!” sabay-sabay kaming lima na nagsasalita, at hindi na madecode ang mga sinasabi namin. Sobrang galit kami sa ginawa ni Alden!
“Girls, hinay-hinay lang, one at a time…” ngumisi si Nanay at napatingin kay Alden “…dahil papakinggan lahat ni Alden ang mga hinanakit ninyo.”
Biglang napalingon si Alden at kumalas sa pagkahawak ni nanay sa kanya. “MWO?!”
Hinawakan ni nanay si Alden sa batok.“Papakinggan mo at tatanggapin mo lahat ng consequences sa ginawa mo dahil GUILTY ka di ba?!”nanlalaki ang mga mata ni nanay habang kausap si Alden.
“Aissht! Arasso, arasso! May magagawa pa ba ako... Sinong mauuna?! -_-”
Si Cassey ang nauna. Sobrang sama ng tingin niya kay Alden. “Tama ba narinig namin? Na IKAW ang kumain ng chocolates na gawa namin?! Hmp!”
“Haist! GRABE KA PARE! Hindi ka man lang nagtanong bago mo kinain! Pinaghirapan pa man din namin yun para sa mga TUNAY na nagmamay-ari ng mga yun! AISHT!” sumunod naman si Bliss.
“Excuse nga Bliss...” pumagitna si Rei kina Cassey at Bliss, sa harap mismo ni Alden, nag-smile siya ng sarcastic. “Annyeong! So... ikaw pala yung engot na kumain ng chocolates na para sa oppas namin. How did you find it? Masarap ba? I hope nag-enjoy ka habang kinakain mo ang mga yun.” From sarcastic smile, tinignan niya naman ng masama si Alden. Kung nakakamatay lang ang mga titig nila kay Alden, baka 6ft under the ground na si Alden.
“Excuse nga rin...” Tumabi si Miks kay Rei at huminga ng malalim. “You! You! You! YAH!” Dinuro-duro niya si Alden. “Sino ka ba ha?! Who do you think you are para kunin at kainin ang mga chocolates na gawa namin ha?! Di mo ba alam kung para kanino talaga ang mga yun? Aisht!” She paused for a second, tapos hinawakan niya ang batok. Nako baka mahigh-blood pa ng ‘di oras ‘to. “I Hate you! Niga neomu shireo!” (I hate you so much!)
Habang naglalabas ng sama ng loob itong apat, parang walang pakialam si Alden. Kung makatitig sa akin parang may dumi ako sa mukha. Nagtataka siguro ito, kasi tahimik lang ako ditto sa isang tabi wearing my poker face. Napansin ata ito ni nanay kasi kinurot niya ito sa tagiliran and she gave him the ‘you-should-listen-to-them-look’.
“Mianhae...” Yumuko si Alden at bumuntong hininga. “…haist, kaya ko lang naman yun kasi akala ko para sa akin yung chocolates.”
“Huh?! What made you think na para sa'yo yun?” Nakapameywang na sabi ni Cassey.
“At saka malay ko ba kung nagkagusto kayo kaagad sa akin kaya binigyan niyo ako ng chocolates...” dagdag pa niya sabay smirk.
Kumunot ang noo namin. “Mwo?!” we said in unison. Aba’t kung hindi ba naman siya ubod ng pagka-conceited.
Kinurot nanaman ni nanay si Alden sa tagiliran. Halatang masakit kasi napangiwi si Alden.“Ayusin mo yang mga pinag-sasasabi mo!”
“Akala ko sa akin ang mga chocolates na yun kasi nakita ko lang naman ang pangalan ko sa isa sa mga iyon.”
“Huh?” sabay-sabay ulit kami. Nakakaloka, nalilito na ako! Ano bang pinagsasasabi nito?
BINABASA MO ANG
Livin' the K-Pop Dream: APPLE & SNOWFLAKE (On Hold)
Novela JuvenilWhat if one day you woke up and realized that the K-Pop fairy had waved her wand and now you’re actually living the k-pop dream? Would you choose to continue living the dream or wake up in reality?