Chapter 7

1.2K 29 0
                                    

"Good morning Beautiful."

Kate lifted her head in front of her table. A man wearing blue long-sleeved cardigan stripe with a bouquet of blue roses.

"Sir James." she joyfully mentioned his name.

Tumayo siya para mayakap ang kaibigan kunware.

"Kailangan kapa dumating?" inabot sa kanya ang bubulak. "Thank you."

"Kaninang madaling araw."

"Halatang antok kapa." napansin niya ito dahil medyo matamlay ang mata niya di tulad nitong mga nakaraang araw.

"Oo nga e. Sige kakausapin ko muna si Ethan. Kain tayo mamaya. Libre kita."

She smiled sweetly. Pumasok si James sa opisina ni Ethan. Hinawakan niya ang talulot ng mga bulaklak. Inamoy amoy niya. Blue is her favorite color. Para sa kanya sobrang ganda ng kulay bughaw, Ito ang una niyang pagkakataon na mabigyan ng kulay asul na rosas.

Bumalik siya sa pagtitipa ng may ngiti sa labi. Medyo kinilig siya doon.

Nang makita ni Ethan na lumapit si James kay Kate na may dalang bulaklak ay biglang nag-init ang kanyang ulo.

Palihim na selos ang kanyang naramdaman. Nagtagal pa ang dalawa sa kanilang pag-uusap bago pumasok nang tuluyan si James sa opisina niya.

"Good morning." bati ni James. Halata sa kanyang mukha ang sobrang galak.

"How's the construction site?"

"It was nice. The place is very good. The soil is substantial."

"Okay. You may leave." inis niyang sabi. Hindi siya sanay kay James na makita itong masaya dahil sa babaeng gumugulo naman sa kanya.

"Seriously?"

"Yeah. Ako na mismo ang pupunta sa Laguna in the next few days. Gusto kong makita ang mga materyales ng personal."

"Nice decision. So pano? Hihiramin ko muna ang sekretarya mo huh?"

"No... I mean, hindi pwede busy ako at kailangan ko siya sa site so she'll come with me to Laguna." Ayaw niyang ipahiram kay James ang dalaga. Sa kanya lang dapat ito.

"Then sasama ako."

"Kaming dalawa lang. This is business James. Ikaw muna ang bahala dito kapag maka-alis na kami papuntang Laguna." hindi siya papayag na may dumesturbo sa kanilang dalawa. Ayaw niyang mapalapit ng husto si Kate kay James besides Kate is his secretary and for business na rin.

Umalis si James na hindi maganda ang titig sa kanya. Sinundan niya ito gamit ang kanyang mga titig. Muling  huminto si James sa mesa ni Kate. Halatang nag-uusap ang dalawa.

Medyo late na ng mapansin niyang oras na pala ng tanghalian. Bibili pa siya ng pagkain para sa kanilang dalawa. Gusto ni Ethan na palagi niyang kasama si Kate sa pagkain.

Nung humarap siya sa pinto kalakip ang puwesto ni Kate ay wala na doon ang dalaga.

Lumabas parin siya at bumili ng pagkain. Baka kasi nasa cr lang yun o di naman kaya ay may pinuntahan.

Nang makabalik si Ethan sa opisina niya ay naroon na si Kate abala sa pagtitipa.

"Let's eat. Come inside." Ethan invited her.

"Ahh. Tapos na po akong kumain Mr. Marquez. Sir James invited me too." mapagpa-umanhing tugon ni Kate sa amo.

Dumeretso si Ethan sa loob ng kanyang opisina. Isinara niya ang pinto ng pagkalakas lakas.

Mister EthanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon