"Tomorrow morning we'll be going to the site." nasa isang restaurant sila ngayon. Mga alas-otso na ng gabi. Wala silang magawa pareho kaya hinintay nalang nila ang hapunan.
Tumango na lang si Kate bilang tugon. Tahimik siyang kumakain. Panay ang tingin niya sa labas at sa mga taong nasa loob ng restaurant.
"May gagawin kaba after nito?" Ethan looked at her and smiled sweetly.
She can't help but to smiled back. She was septic by his smile.
"Wala naman. Ahh. Siguro matutulog na ako after kung tapusin yung contract with the next client." hindi niya iniwan ang trabaho niya sa opisina. Kung hindi niya ito matatapos doon ay siguro naman matatapos niya ito ngayon.
"Let's go out. Pwede mo namang hindi gawin yun. Next months pa naman ang simula ng project."
"Saan naman tayo pupunta? Tsaka gabi na may trabaho pa tayo bukas." nauna ng naglakbay ang isip ni Kate. Inisip niyang makakadate niya ngayong gabi ang boss niya.
"Maybe we can go to the park, kahit saan. Ikaw bahala." ibinaba ni Ethan ang hawak nitong kutsara. Tapos na siyang kumain.
"Okay." ngumiti siya at nagpatuloy sa pagkain.
Imbis na sa park sila pumunta ay nanood nalang sila ng sine. It was an international romantic movie by Sam Taylor Johnson.
Kakasimula palang ng palabas ng makapasok sila sa loob ng sinehan. Halos nasa gitna sila ng mga upuan. Ukupado ang kanilang paligid. Halos mapuno ang loob ng sinehan dahil sa bagong pelikula.
Isang bucket ng popcorn at tag-isa sila ng drinks. Itinuon nilang pareho sa screen ang kanilang atensiyon.
"Tatapusin ba namin itong movie?" lumapit si Ethan sa tainga ni Kate para maibulong.
Humarap si Kate sa kanya. "Ikaw? Baka mabored ka."
"Sorry I'm not fan watching movies here." naging mahina ang boses ni Ethan.
"Ohhh. Dapat kanina mo pa sinabi. Tara na. Umuwi na lang tayo." gustong gusto pa naman sana niya ang palabas.
"No. Hihintayin kitang matapos mo yan. Matutulog na lang ako." at ipinikit ni Ethan ang kanyang mga mata.
Bigla namang nakonsensiya si Kate para sa binata. May trabaho pa naman sila bukas.
Nang nasa kalagitnaan na ang palabas ay mahimbing ngang natutulog si Ethan sa sarili nitong upuan.
Tinitigan ni Kate nang masinsinan ang tulog na mukha ng binata. Wala anuma'y napakagat siya sa kanyang daliri habang titig na titig sa binata.
Biglang nag-iba ang pananaw nito sa kanya. Halos makalimutan na ni Kate ang ginawa sa kanya ng lalaking ito. Halos lahat kasi ng ipinakikita sa kanya ni Ethan ay may romantikong dating.
Hinawakan niya ang ulo ni Ethan at isinandal sa kanyang balikat. She feels comfortable.
She continue watching the movie while his head lying on her shoulder.
Naalimpungatan si Ethan dahil medyo naging maingay ang kanyang paligid. Katatapos pa lang ng palabas kaya ang mga nanood ay kanya kanya bigay ng reaksiyon tungkol sa pinanood.
He found out that he's lying on someone's shoulder. Sinuri niya kung kanino ito para makasiguradong sa dalaga nga. Hindi naman siya nabigo.
"Tara na. Katatapos lang ng palabas." nauna ng tumayo si Kate hindi naman agad itong umalis sa puwesto niya.
Pinauna na ni Ethan ang dalaga na makalabas sa pintuan ng sinehan kasunod siya.
Halos sabay silang maglakad sa pasilyo ng hotel. Naging tahimik ang buong paligid maliban sa suot na sapatos ni Kate. They stopped in front of Kate's room.
BINABASA MO ANG
Mister Ethan
RomanceEthan Marquez was a victim of ghosting. He married his one-year girlfriend because they loved each other without knowing that Scarlett has a secret agenda. She's after his money not for his pure love. Ethan gave everything to her regardless of the w...