Chapter 28

999 27 0
                                    

Bumalik sila sa trabaho pagkatapos ng pananghalian. Sinadya nila para matagal silang makapag-usap at maaliw kesa sa tumutok sa trabaho ng lubusan.

Inisip niya si Ethan habang pabalik na sila sa opisina, kung kumain naba ito dahil kalimitan ay sabay naman sila. At dahil hindi siya nakipaglunch together paniguradong hindi pa ito kumakain, pero malaki naman yun. Alam na niya siguro ang dapat at hindi.

Iyon lang naman ang iniisip niya habang pabalik siya ng trabaho. Nag-aagaw ang kagustuhan niyang mag-alala at hindi para sa binata.

"Where have you been?" hindi pa siya nakaka-upo pero iyon na agad ang sumalubong sa kanya. Inabangan siya ni Ethan sa labas ng elevator sa floor ng opisina.

Napatigil naman siya ng ilang sandali at muling naglakad hindi alintana ang binata na nakasunod sa kanya.

"Naririnig mo ba ako? Sabi ko saan ka nanggaling?"

"Kumain ako. Pwede ba Ethan kumain lang ako, hindi ko naman siguro kailangan pang ipagsabi sayo dahil hindi mo naman hawak ang tiyan ko."

"Anong oras kaba umalis kanina? Ang aga naman nun tsaka ang tagal mo namang atang maglunch." sarkastikong tugon nito.

"Who's with you?" seryosong tanong nito.

"Wala! ako lang." susubakan rin niyang magsinungaling sa binata para patas na sila.

"Uulitin ko. Sino ang kasama mo." all of the words he thrown are dominating.

"Ako lang nga sabi." mabilis siyang pwumesto sa mesa niya at nagkunwaring abala sa trabaho.

"E paano kapag sabihin ko sayong nakita ko kayo ni James na magkasama. Ikaw lang na mag-isa?" naging sarkastiko ang boses niya pero mas nangibabaw parin ang galit .

Lumunok ng laway si Kate bago magsalita. "Kasama ko siya kanina." mahina niyang sabi at hindi tumutingin sa binata na nasa harap ng mesa niya.

"Anong ginawa niyo? Saan kayo nagpunta?" sunod sunod pa nitong tanong.

"Wala kang paki."

"Putangina naman oh! Ano bang nangyayari sayo?" galit na galit na bulyaw sa kanya ni Ethan. Nanatili siyang tahimik, hindi siya umimik man lang.

"Where the hell you hanged out?" muling tanong nito.

"You don't need to know. I have the right to keep my privacy."

"What's privacy huh? Mahirap bang sabihin kung saan kayo nanggaling? O baka may ginawa kayong kaloko---."

"Oo nga Ethan, mahirap bang sabihin na nakipagkita ka kay Scarlett kagabi?" pagbara niya dito.

"Sayo na rin mismo nanggaling na baka may ginawa kayong kalokohan kaya hindi ka nagsabi ng totoo sa akin."

Gulong gulo naman si Ethan dahil hindi niya alam kung paano nalaman ni Kate ang pakikipagkita niya sa dati niyang asawa.

Ilang araw nalang ay ganap na siyang makakalaya mula sa masalimuot niyang kasal and he can't wait to happen it. Kate will probably be happy about his decision.

"Let me explain!" kalmado nitong sabi.

Hindi niya pinakinggan ang binata. Nanatili siyang abala sa kaharap niyang papel. Mula sa kanya, inagaw ni Ethan ang papel at itinapon ito sa sahig.

"Makinig sa akin. Wala kaming ginawang masama ni Scarlett. Kinausap ko siya tungkol sa annulment namin." paliwanag niya.

"Pero bakit sinabi mong nasa bahay ka ng gabing iyon?"

"Sinabi ko yun para hindi ka mag-alala at makatulog ka ng maayos, dahil kapag nalaman mong nakipagkita ako sa kanya baka kung anong isipin mo at ganito na nga." mahabang linyahan ni Ethan.

Mister EthanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon