"So what's the real score between you and your boss?" tanong ni Jimmie.
Nasa isang mall sila ngayon. Nagpasama si Kate na mamili ng groceries. Naikuwento na rin niya ang tungkol sa kanila ni Ethan.Todo naman ang paalala ng kaibigan sa mga bagay na pwedeng mangyari sa kanilang dalawa.
"We're good. Masaya naman kami."
Ilang araw na ang lumipas matapos ang pag-uusap nila ni Ethan sa loob ng opisina nito at mas lalong nahulog ang loob ni Kate sa binata. Ethan is always trying his best to be sweet at her.
"Mabuti naman kung ganun. Tsaka huwag kang matakot magtry. Malay mo siya na talaga itong para sayo."
Sa kabila ng mga payo ni Jimmie para sa kanya ay hindi parin nito alam ang tungkol sa buhay ni Ethan. Maski ang mukha ay hindi pa nito alam pero basi sa deskriptiyon na binibigay ni Kate tungkol dito ay nakakakuha ito ng ideya. She remains silent about his marriage. She's not trying to envy his privacy. Wala siyang matibay na karapatan para ipagsabi ang lahat tungkol sa binata.
They never met up. Pero hoping naman si Jimme na makilala niya ang lalaking nagpapasaya kay Kate.
"Marami pang pawis at bigas ang kakainan ko para mahanap ko ang magiging asawa ko."
"Ito naman tayo Kate, ang nega mo. Baka nga lang diba. Malay ba natin siya na talaga."
Gusto niyang idahilan ang tungkol sa nakaraan ni Ethan pero mas pinili niyang huwag na lamang. Ethan is sweet and caring person pero kadalasan ay nagiging apo ito ni Hetler.
"Next week pala may lakad ako, punta kami mga katrabaho ko sa Palawan. Baka gusto mo sumama." pag-aaya ni Jimmie.
"Naku! Wag na baka ma-out cast lang ako. Tsaka may trabaho ako."
"Hindi ka naman ma-a out cast, nandoon naman ako tsaka sila rin yung mga nakasama natin noon sa boracay."
"Kahit pa. Basta mag-ingat ka nalang."
Nang naubos na nilang bilhin ang dapat ay pumasok sila sa kalapit na restaurant para doon mananghalian.
"Jimmie hintayin mo nalang yung order natin. Banyo lang ako."
"Sige bilisan mo."
Pumasok siya sa banyo para magbawas ng tubig. Humarap siya sa salamin pagkatapos at naglagay ng lipstick dahil medyo nabubura na.
Nang buksan niya ang pinto laking gulat niya ng nasa harapan niya si Ethan nakaharang ang braso nito sa pinto.
"Ethan."
Hinawakan ni Ethan ang kanyang kamay at dinala siya sa may gilid ng pinto para hindi makaabala sa mga papasok ng banyo.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Kate.
"Who's with you?" medyo nagdidilim ang mga mata ni Ethan. Halata ang pagkauyam nito sa hindi niya malamang dahilan.
"Si Jimmie, kaibigan ko." biglang kinabahan si Kate para sa binata dahil kimkim nito ang kanyang bagang halatang inis na inis.
"Halika ipapakilala kito." hinila niya si Ethan papunta sa kanilang mesa. Mabuti nalang at hindi ito nagprotesta.
"Hi Jimmie." nilingon siya ng kaibigan at alam niyang magugulat ito dahil sa kasama niya.
Napaturo na lang si Jimmie kay Ethan at halos maluwa ang mga mata dahil sa pagka bighani.
"Amhh Jimmie si Ethan. Ethan si Jimmie kaibigan ko."
"Oh my God Girl. Siya ba yon?" nagpalipat lipat ng tingin si Jimmie sa kanilang dalawa.
Hindi naman inasahan ni Ethan na may pagkadalaga pala itong kaibigan niya. "He's a gay." inunahan na ni Kate si Ethan.
BINABASA MO ANG
Mister Ethan
RomanceEthan Marquez was a victim of ghosting. He married his one-year girlfriend because they loved each other without knowing that Scarlett has a secret agenda. She's after his money not for his pure love. Ethan gave everything to her regardless of the w...