Chapter 24

866 25 0
                                    

Naging tahimik ang buong Marquez Constructor Building dahil na rin sa pahayag ni Ethan kanina sa conference room.

Balik sa normal ang lahat pero may iba paring palihim na nagtatanong sa kanilang mga isipan, katulad na lamang nung lumabas sina Ethan, Kate and James para kumain sa labas.

May ibang palihim na sinusundan sila gamit ang mga mata nito. But they chose to ignore them.

Pumasok silang tatlo sa restaurant, doon nila na piling kumain at mag usap–usap tungkol sa mga mabibilis na pangyayari. Kate is somewhat fine right now, she can now manage herself from the unexpected scene.

"We're together for a months. Hindi ko inagaw sayo si Kate." panimula ni Ethan.

"Hindi ko naman sinabing inagaw mo siya sa akin." James shrugged. Mukhang natatawa si James sa reaksiyon ni Ethan ngayon. He's so serious while James is just chill.

"That's good to hear, I guess I don't need any explanations about us." tukoy ni Ethan sa katabing dalaga. Hinawakan ni Kate ang kamay ni Ethan sa ilalim ng mesa. Napatingin naman ang binata sa kanya.

"I'm so happy about you actually, mukhang hindi kana magsusungit sa akin dahil may gamot na diyan sa kasungitan mo." pagbibiro ni James kay Ethan.

Kate's chuckled and Ethan looks narrowly to James. Mukhang mapapatay siya sa mga titig nito.

"Kailangan na naming mauna, may pag-uusapan pa kami." si Ethan. Hinawakan niya si Kate sa kamay at hinila sa pagkaka-upo para makaalis.

"Una na kami Sir James." pahabol ni Kate sa binatang naka-upo. Ngumiti naman si James sa kanya. Pinarada ni Ethan ang sasakyan sa labas ng bahay nito. Nagtuloy tuloy sila na makapasok sa loob ng bahay.

"Pinapahanap ko na yung taong pumasok sa control room. Mga ilang araw siguro malalaman na natin kung sino ang may gawa ng lahat." segunda ni Ethan ng maka-upo sila sa couch.

"Ahh. Posible kayang si Scarlett ang may gawa ng lahat ng ito." out of the blue she thinked and spoke.

Mukhang hindi naman inasahan ni Ethan ang sinabi niya. "How are you sure nga siya nga ang may pakana ng lahat?"

"Wala, baka ito na yung sinasabi niyang hindi pa siya tapos sa akin." bigla siyang nalungkot sa naalala.

Nalito naman si Ethan sa sinasabi ni Kate. "What? Kinakausap kaba ni Scarlett?"

"Ahh ano kasi." natatakot naman si Kate na sabihin sa binata ang pag-uusap nila. Bigla tuloy siyang nagsisi na sana hindi na lang niya binangkit sa binata ang ganun.

"So, she talked with you?"

Tumango na lang siya. Humarap siya sa binata pero nasa sahig ang mga mata nito. He's looks like frustrated.

"Anong sinabi niya sayo?" interesadong tanong nito.

"She wants me to convince you about the million pesos. Yun lang naman." she honestly answered. There's no reasons to hide. She must tell him the truth.

"What else? May ginagawa ba siya sayo? Pinagbantaan kaba niya?"

"Sabi niya sakin, i don't really know what's her capable of doing. I think kailangan mong ibigay ang gusto niya para hindi na siya makagulo pa."

"Hindi ganun kadali magbigay ng isang milyon o higit pa sa isang babaeng tusong tulad niya Scarlett. Hindi ganun kadali maglabas ng pera." halos tumaas na ang boses ni Ethan sa kanya.

"Alam ko, pero kung hindi mo siya susundin baka hindi niya tayo tigilan. She has point, asawa mo parin siya kaya kailangan niya ng tulong mo." dahan dahan niyang paliwanag sa binata.

Mister EthanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon