Infinity #35: Locked

1.2K 53 13
                                    

a/n: napansin kong masyadong nagpagkakaitan ng chapter ang KaiYul/KaiRi pffft hahaha sige na babawi na ko hahaha

Infinity #35: Locked

(Yuri's POV)

Lahat kami napatulala sa nangyari, like O-M-G?! Si Kris kakambal yung ex ni Jessica na si Kevin, mayghad naman to si Sica-eonnie oh!

"Yul pakikuha naman sa room 101 yung script na ibibigay ko kay Yoona at Sehun" Utos sakin ni Bree, ewan ko ba dyan, panay ang bigay ng script kay Yoona, Sehun, Seohyun, Luhan, Baekhyun, Jessica at Kris. Ang sabi niya binibigyan niya daw ng role ang mga yon, ako kaya kelan? mehe

"Sige" Sabi ko

"Kai pakisamahan naman si Yul" -Bree, nagtindigan naman ang mga balahibo ko sa katawan nang mari nig ko yon, lokalokang babae to pinapahamak ako

"Aye aye captain" Saka sumaludo si Kai kay Bree na busy parin sa pagta-type sa harap ng cellphone niya, ayaw niya na daw sa laptop niya sira na daw

Kaagad naman kaming umalis ni Kai sa backstage para pumuntang room 101 dahil nga nandoon ang script ng dalawa, pagpasok namin sa loob SOBRANG DAMI NG PAPEL! Grabe nahiya naman ako sa papel, paano ko malalaman dito kung nasaan ang script na pinapahanap sa amin?

"Tatayo ka nalang ba dyan?" Tanong sa akin ni Kai

"Anong gusto mo mag wiggle wiggle ako?" Sarcastic kong sagot, ngumisi lang siya

"Pwede rin, mag e-enjoy ako nun witweeew"

"Kadiri ka" Poker face kong sabi pero tinawanan niya lang ako

*BLAG*

Sabay kaming napalingon sa pintong malakas nagsara

"Sht" Narinig kong mura ni Kai saka siya tumakbo sa pinto at nakita ko kung paano niya hindi mabuksan ito "N-nalock tayo!" Natataranta niyang sabi

"A-ano?! Paano ko nito mabibigay kay Bree ang script ng dalawa?!"

"Hindi mo pa nga nakikita pinoproblema mo na" Pailing iling na sabi ni Kai

"Kahit na!" Ngumisi nalang siya, inirapan ko siya at sinimulang hanapin yung script ni Yoona at ni Sehun

"Ang dami naman nito!" Bulong ko, sobrang dami talaga. Kita kong meron rin script ang BTS dito, ang nakakatawa lang tanga tanga ang role nila, grabe. Knowing BTS member, napakatalino nila kaya mahirap siguro ang role nila. Napangisi nalang ako nang maisip kong gumaganap silang tanga tanga

"Bat ka tumatawa dyan?" Masungit na tanong ni Kai

"Paki mo?"

"Tss kay Minho yang nakuha mong script no?" Usisa niya

"H-ha? Hindi ah" Ibinalik ko rin ang tingin sa papel na hawak ko, bakit ba ang sungit non pagdating kay Minho? -.-

Marami rin akong nakitang script kagaya ng kay Bomi sa Apink, Myungsoo ng Infinite, Suzy ng Miss A at kung sino-sino pa, grabe ha ang dami palang binibigyan ng script nitong si Bree, pero para saan ba to? -.-

"Ito ba ang hinahanap mo?" Lumapit sa akin si Kai at ipinakita ang papel na may pangalan nila Sehun at Yoona

"Oo!" Sabi ko, ang tagal tagal kong naghanap siya lang pala ang makakakuha "Saan mo nakita?" Tanong ko

"Nasa table lang siya sa harap" Cool na sabi nito

"T-talaga?" Tumango siya saka ngumiti, hinila niya ko papalapit sa kanya "T-teka Kai... a-ah e-eh" Umiwas ako ng tingin, ngumisi siya

"Umupo tayo pffft" Umupo kaming dalawa sa sulok ng kwartong ito, wala naman kasing upuan para maupuan natin eh

"Paano tayo makakalabas dito?" Tanong ko sa kanya

"Tawagan mo kaya ang mga tao sa labas?" Suhestyon nito

"Naiwan ko ang phone ko sa backstage"

"Tss walang kwenta!"

"Edi ikaw! Tawagan mo sila!"

"Lowbat phone ko"

"Tss, wala ka rin palang kwenta eh" Napasimangot naman siya

"Yul... gustong gusto mo ba talaga si Minho?" Pag iiba niya ng usapan

"H-ha?" Ngumisi siya, ang hilig niya ngumisi

"Huwag mo sanang masamain ha? Pero sa tingin ko lolokohin ka lang niya" Sabi nito

"Anong pinag sasabi mo?!" Kunot noo kong tanong

"Yul, kilalanin mo muna siya" Tumingin siya sakin "Saka bakit ka pa ba naghahanap ng minho kung may gwapong Kai naman na nasa harapan mo?"

"Psh Jongina talaga..." Tumawa kaming dalawa, nagulat kami nang biglang magsara ang ilaw

"Sht" mura nanaman ni Kai, ganyan ba siya pag nagugulat? "T-takot ako sa dilim fvck"

"Pfffft hahahahaha"

"Bakit ka ba tumatawa dyan?" Masungit niyang tanong

"I-isang Kim Jongin pffft takot sa dilim hahahahaha"

"Tss bakit ba? Eh natatakot ako eh"

"Hahahaha duwag"

"Hindi ako duwag! Nadala lang talaga ako. Nasa madilim na lugar rin kasi kami non nang mawala sa akin ang mga taong mahalaga sa buhay ko" Napatigil naman ako sa pagtawa saka lumapit sa kanya

"S-sorry" Sabi ko

"Okay lang" Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko "Pwede bang dito ka lang sa tabi ko? Pwedeng huwag na huwag kang lalayo?" Napangiti nalang ako, para siyang bata magsalita

"Oo naman" Nagulat ako nag yakapin niya ko at ibinaon ang mukha niya sa balikat ko

"I love you" Bulong niya na nagpapula sa mukha ko at dahilan ng pag galawan ng kung ano sa tyan ko at pagtibok ng malakas ng puso ko. Shemay bakit ganito?!

Forever || Exo-Shidae ff (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon