Infinity #40: Too Late

1K 39 8
                                    

Infinity #40: Too Late

(Seohyun's POV)

Nagmadali kami ni Taeyeon unnie na pumunta sa ospital na sinabi ni Suho at doon namin naabutan si Luhan at Baekhyun na sugatan, puro pasa at walang malay. Umupo ako sa tabi ng kama ni Luhan at tinignan siya ng malapitan.

"Dammit" Narinig kong mura ni Taeyeon unnie saka lumapit kay Suho "Anong nangyari?!"

"Hindi namin alam. Nakita nalang namin silang nakahandusay sa parking lot ng building natin. Walang nakakita kung sinong gumawa sa kanila nyan" Paliwanag ni Suho. Umiyak naman ng umiyak si Taeyeon unnie habang hinahampas si Suho sa dibdib

"Kuya si D.O ang gumawa nyan! Si D.O!!!"

"Wala pa tayong sapat na ebidensya para pagbintangan natin siya, Taeyeon"

"Hindi pa ba sapat na dahilan ang pananakot niya kay Baekhyun? Kuya naman eh" Naitulak nalang ni unnie Taeyeon si Suho saka bumaling kay Baekhyun. Niyakap niya ito at hinawakan niya ito sa kamay.

"Baek! Hoy naririnig mo ba akong bakla ka? Oo diba? Hoy may dala akong eyeliner. Itutusok ko sa mata mo" Sabi niya habang umiiyak. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o malulungkot sa nakikita ko ngayon. Pero parang pareho. Kainis kasi si unnie eh. Tama bang gumamit ng ganong line sa ganitong sitwasyon?

"Miss wag niyo pong masyadong saktan ang pasyente hindi pa po siya nakakarecover" Saway sa kanya ng nurse kaya sinamaan niya ito ng tingin.

"Wala kang pake. Gusto mo bang ikaw ang isunod ko sa baklang 'to?" Nanahimik nalang ang nurse at umalis na sa kwarto.

"Taeyeon, gusto mo bang buhayin si Baekhyun o patayin?" Tanong sa kanya ni Chen na nakatingin sa kanya.

"Wala kang pake. Shoo. Shoo" Taboy dito ni Taeyeon

"Grabe. Makataboy. Ginawa akong aso" Nakangusong maktol ni Chen kaya inirapan siya ni Unnie. Nailipat ko naman ang atensyon ko kay Luhan nang maramdaman kong pinisil niya ang kamay ko.

"Ano bang nangyari? Tignan mo ang itsura mo! Sinong gumawa sa inyo nito? Ano ba yan Luha-" Napahinto ako sa pagsasalita nang harangan niya ng hintuturo niya ang labi ko.

"Shh may sasabihin ako" Matamlay niyang sabi habang nakangiti.

"May sinasabi kasi ako!"

"Paunahin mo muna ako" Natatawa niyang sabi kaya ngumuso ako "Osige. Sabihin mo na"

"Alam mo, dapat dati palang sinabi ko na sa'yo 'to eh. Pinapangunahan lang ako ng hiya. Pero eto na nga sasabihin ko na. Hindi na ko mahihiya. Ano Seohyun kasi..." Kinagat niya ang ibaba niyang labi at umiwas ng tingin sa akin.

"Kasi?"

"Kasi may kulangot ka sa mukha" Kumunot ang noo ko at kinapa ko kung may kulangot nga ko. Wala naman. Siraulo 'to ah. Tumawa siya ng mahina kaya binatukan ko siya. "Joke lang hahahahahaha"

"Bwisit. Ano nga?" Naiinis kong tanong saka ako ngumuso.

"I love you. Mahal kita hindi bilang kaibigan. Mahal kita bilang alam mo na 'yon" Aniya na nagpapula sa mukha ko

"Mahal ka daw niya bilang nanay" Singit ni Chen kaya nagtawanan sila at binato naman ito ni Luhan ng unan.

"Umuwi ka na ngang Jongdae ka. Bwisit 'to" Natatawang sabi ni Luhan saka bumaling sa akin "Kaya Seohyun, pwede bang maging girlfriend ka?"

Forever || Exo-Shidae ff (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon