Epilogue (totoo na 'to)

2K 65 17
                                    

Epilogue

(Seohyun's POV)

"Kasalukuyang successful ang unang concert ng grupong So Nyu Shi Dae, kasama sa grupong ito ang dating solo singer na sina Kim Taeyeon, Jessica Jung at Seo Joohyun. Napuno ang arena at samut-sari ang magagandang komento ng mga madla sa grupong ito-" Pinatay ni Yul unnie ang TV kaya tumingin kami ng masama sa kanya.

"What? Success ang grupo natin, let's party, people woooh!" Aniya at sumayaw na parang baliw.

"Bastos ka talaga eh. Nanonood kami" Pokerface na sabi ni Taeyeon unnie kaya ngumuso na parang pato si Yul unnie

"Kain na tayoooo!" Sigaw ni Tiffany mula sa kusina. Papunta na rin sana kami nang biglang may nagdoorbell.

"Ako na ang magbubukas" Pagp-prisinta ni Jessica-unnie. Tumango nalang kami at dumiretso na sa kusina para kumain.

"Ano namang eksperimento 'to, Ppanyang?" Pokerface na tanong ni Yoona na sinusundot-sundot pa ng chopsticks ang pagkain na niluto ni Tiffany-unnie

"Ano ka ba, kimbap 'yan. Kimbap!" Pagdidiin ni Tiffany sa niluto niya.

Hala, talagang kimbap 'to? Akala ko uling yung niluto niya

"Nagugutom na ko, yet mukhang uling ang pagkain natin. Sige na nga mapagtitiisan pa naman 'to" Kakainin na sana ni Yoona ang sunog na niluto ni Tiffany nang yakapin siya ni Sehun mula sa likod kaya naihagis niya ang kimbap kay Sica-unnie.

"Ano ba 'yan! Bakit umuulan ng uling dito?" Naiinis na sabi ni Jessica-unnie kaya nagtawanan kami.

"Hard niyo sakin. Grabe lalayasan ko na kayo" Magwo-walkout palang si Tiffany nang salubungin siya ng yakap ni Suho.

"Hi Baobei" Bati dito ni Suho na nakangiti pa. Ano kayang itsura ng pamilya nila Suho kung hindi marunong magluto si Tiffany? Susme bakit ko ba ini-stress ang sarili ko eh pwede naman sila kumuha ng taga-luto. Keri na 'yon. "Oh, bakit nakabusangot ang Baobei ko? Anong nangyari?"

"Uling daw yung niluto ko, Baobei. Huhuhuhuhu" Pagsusumbong ni Tiffany kaya bumaling si Suho sa lamesa at tinignan ang luto ni Tiffany.

Hindi ko alam kung natatae ba na ewan o kung ano ba 'to si Suho dahil muntanga siya nung nakita niya yung luto ni Tiffany.

"Oh, ayan ba yung luto mo? Ano ba yan?" Tanong ni Suho saka tumingin kay Tiffany na nakabusangot parin.

Forever || Exo-Shidae ff (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon