Infinity #22: Crush Kita

2.3K 99 6
                                    

Dedicated sa umma ko <33 hart hart

~~~

Infinity #22: Crush Kita

 

 

(Suho’s POV)

30 minutes na kong naghihintay dito sa tapat ng gate pero wala parin si Tiffany, dapat talaga sinundo ko nalang yun eh tss…

 

“Hoy anong iniisip mo? Andito na ko wag mo na ko iisipin HAHAHA” Andito na pala si Tiffany

 

 

“Hoy 30 minutes late kana!” Sigaw ko sa kanya

 

“Sorry, eh kasi ginising ko pa si Jessica eh, alam mo namang ang hirap hirap gisingin nun” Oo nga pala sleepyhead si Jessica

 

“Pareho nga sila ni Luhan eh”

 

 

“Ah, ang hirap din pala gisingin nun?”

 

 

“Oo, atsaka maarte din yun, once na tumabi ka dun sa kama sisipain ka lang nun”

 

 

“Ay nakakatakot pala katabi yun hahaha, parang anytime babagsak ka sa kama mo eh”

 

 

“Oo kaya walang tumatabi dun, mas gugustuhin pa nilang matulog sa sofa kesa tumabi sa kanya, kasi sa sahig din bagsak ng mga yun pag tumabi yun kay Luhan” Tumawa kaming dalawa

 

“Grabe ang sama pala nun, ohwell pumasok na tayo, parang late na ata tayo eh”

So ayun, pumasok na kaming dalawa, kaso ang weird lang, kasi naman yung mga tao nakatingin sakin, aba ano pong ginawa ko?

Nasa SM building na kami, lahat ng students dito medyo ka-close ko este naming EXO, kasi gwapo kami dejk. Basta naging ka-section na namin lahat dito, siguro pati SNSD ganun din

 

“Yo Suho” Tawag ni Kyuhyun sakin

 

“Oh bakit?”

 

 

“Congratulations, ang ganda ng chix mo” Eh? Si Tiffany ba tinutukoy nito?

Forever || Exo-Shidae ff (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon