Infinity 01

5.7K 161 9
                                    

Infinity 01

Taeyeon

"Happy Anniversary Kim Taeyeon ko! Forever na tayo, ha?" Ani Baekhyun habang pinagmamasdan ang kamay naming dalawang magkasalikop. I smiled.

"Oo naman. I'll be yours, forever, Byun Baekhyun!" Saad ko saka sumandal sa balikat niya.

Ngumiti ako ng pagkatamis tamis nang maisip ko kung gaano ako kaswerte at nakilala ko siya.

We've been together for 3 years, ang rami na naming napagdaanan pero look at us now! Going strong parin at hindi nagpapaapekto sa sinasabi ng ibang tao.

Ilang minuto na kaming tahimik. Nilalaro niya lang ang mga daliri ko sa kamay samantalang ako naman ay nanatling nakasandal ang ulo sa balikat niya habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro ngayon dito sa park. Umayos ako ng upo at tumingin sa mukha niya, nakatingin ito malayo. Tila ba napakalalim ng iniisip.

"Baekla" Pang-aasar ko sa kanya.

"Anong baekla ka dyan?!" I chuckled, ginulo niya tuloy yung buhok ko. Ganyan siya lagi kapag inaasar ko siya.

"Bakit kaba kasi nakatulala? Anong iniisip mo?" Ngumisi siya, yung tipong para siyang manyakis. Ano nanaman bang nasa isip nitong baklang 'to?!

"Naisip ko lang kasi," Panimula niya, "Kapag nagkaanak tayo gusto ko 12 lahat ha!" Hinampas ko siya sa balikat sa pagkabigla.

"Baekhyun! Ang dami no'n, ang sama mo talaga. Ikaw kaya manganak?!" Angil ko rito pero ginantihan niya lang ako ng malakas na tawa.

"Ang konti nga lang no'n eh, gusto ko mga 24 na anak talaga" Aniya, balak niya bang gumawa ng football team o ano?! Aba kung ganyan karami ang gusto niyang anak, bakit di niya nalang asawahin ang hayop?! Marami mag anak 'yon!

"De joke lang, minimum of 3 maximum of 5" Akala ko seryoso talaga siya sa pinagsasabi niya kanina eh.

"Three nalang" Pangungumbinsi ko, nag puppy eyes pa ko para naman maawa siya sakin kahit papano.

"Five! Para masaya" Aniya.

"Edi ikaw ang manganak, kala mo ba madali? Ha? Ha? Alam mo ba kung gaano-" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin nang patahimikin niya ko gamit ang kanyang labi.

ANAK NG?! ISA KANG MALAKING HOKAGE, BYUN BAEKHYUN!

Hahampasin ko palang sana siya nang tumayo siya at mabilis na nagtatakbo papunta sa mga batang naglalaro ng habulan. Nakalingon pa siya sakin na tila ba inaasar ako kasi alam niyang hindi ko siya mahahabol.

"HOOYYY BYUN BAEKHYUN! LUMAPIT KA DITONG DUGONG KA!" Bulyaw ko rito ngunit nagtatakbo lang siya kaya wala akong ibang nagawa kundi habulin siya.

Sa sobrang gulo naming dalawa ay nakipaglaro nalang kami sa mga batang naghahabulan, pinagtitinginan nga kami pero ayos lang. We're having fun. Kung inggit sila, edi sali sila.

Nang mapagod kami ay naupo kami sa tapat ng isang malapad puno. Umunan siya sa lap ko so I caressed his hair.

"Taengo ko" Malambing nitong tawag.

"Yes, Baekla ko?"

"Mahal kita, mahal na mahal" Aniya, habang nakapikit. Heto nanaman tuloy ang puso kong kakabog kabog dahil sa sobrang kilig. Sasabog na ata 'to!

"Mahal na mahal rin kita, Baekla ko." Saad ko. Ngumiwi siya so I chuckled.

"Baekla ka ng Baekla, kung anakan kaya kita?" Pananakot niya.

"Ha? Sino ka nga ulit?" Sagot ko.

"Magiging asawa mo," aniya, at heto nanaman! Kinikilig nanaman ako!

Forever || Exo-Shidae ff (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon