Infinity #26: Stay Away

2K 77 1
                                    

Infinity #26 – Stay Away

(Sehun’s POV)

Pagbaba ni Seohyun pumasok bigla si Luhan at sinalubong ako ng suntok

“Aray ko hyung!”

“Sabi mo sakin wala kang gusto kay Yoona, Pero bakit ka niya hinalikan kanina?” Sabi niya habang nakahawak sa kwelyo ko

“B-bitawan mo ko” Utos ko

“Hindi! Hindi kita bibitawan! Ahas ka, akala ko nilalakad mo ako sa kanya, ayun naman pala dumidiskarte ka rin! Maghanap ka nga ng iyo, nauna ako sa kanya” Binitawan niya na ko

“Wala akong inagaw sayo! Wala akong dinidiskartehan, at kung meron man hindi yung sayo”

“Eh ano yung nakita ko kanina hah? Niloloko mo ba ko?”

“Pero hyung…”

“Anong pero?”

“Pero hyung sinubukan kong mawala yung nararamdaman ko, pero hindi talaga eh, sorry” Sinapak niya nanaman ako ng sobrang lakas kaya tumalsik ako (hindi naman yung sobrang talsik, yung napa atras lang)

“Nagtiwala ako sayo sabay gaganyanin mo lang ako? Langya ka pre, ginag* mo ko” Tumalikod na siya sakin

“Iiwasan ko na siya para sayo, para sa ikasasaya mo hindi ko na siya kakausapin” Sabi ko sa kanya saka siya nagpatuloy maglakad

Maya-maya lang bumaba na ko para mag gala at napadpad ako sa CUBE building, may Limang babaeng nasayaw sa hallway tapos nabangga ako yung isa, yung blonde yung buhok.

“Aray ano ba?” Reklamo niya saka tumingin sakin

“Sorry” Sabi ko

“Diba taga SM building ka? Anong ginagawa mo dito?” Tanong niya

“Pakielam mo? Eh dito ako napunta eh” Saka ako nagpatuloy sa paglalakad, narinig kong nagbubulungan sila

“Hoy!” Sigaw nung nasa likod ko

“Hoy ikaw!”

“Hoy pogi” Lumingon ako, sinong tumawag sa pangalan ko? XD

“Bakit?” Tanong ko, lumapit sakin yung nabangga ko kanina

“Bakit ka may dugo sa labi?” Tanong niya

“Wala ‘to”

“Unnie’s asan ang first aid kit?” Sigaw niya sa mga kasama niya kaya may isang babaeng nag abot sa kanya nung kit “Lika dito” Hinigit niya ko papasok sa isang classroom na walang tao

“Wag kang makulit ha?” Tumango nalang ako saka niya ko ginamot

“Aray!”

“Teka wala pa nga aray agad? Excited ka? :O”

“Medyo?”

“Psh, wag kana makipag away ah? Alam mo bang masama yun?” Ang bait naman nito, ano kayang pangalan niya?

“Hoy Hayoung!” May pamilyar na boses yung tumawag kay Hayoung, teka sino si Hayoung? XD

“Yes unnie?” Ahhh Hayoung pala pangalan nitong gumagamot sakin, ganda ng pangalan niya kasing ganda niya (geh korni ko)

Forever || Exo-Shidae ff (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon