Infinity #9: Triplets Day

3.2K 113 6
                                    

Infinity #09
Triplet's Day

(Yoona's POV)

"Hoy payatot, buti naman gising ka na" Ay ang gandang pambungad. Ang sama talaga ni Yuri, palibhasa mas sexy siya sakin eh. Kainis pa ang aga aga mang gising, alam niyo bang ang ganda ganda ng panaginip ko?

"Unni! Taeng-unnie said that she'll be pick us here tomorrow morning" *nosebleed* anyare kay Seororo?

"Seohyun naman san ka ba natutong mag-english? Hindi ka naman si Tiffany or Jessica na laking amerika ah?" bobo neto ni Yuri, sila Jessica at Tiffany lang ba ang may karapatang mag english?

"Tigil tigilan niyo nga yan nagugutom ako, may pagkain na ba?" Saway ko sa dalawa

"W-wala pa.." Sagot nilang dalawa

"WAAAH NAGUGUTOM NA KO EH HUHUHU" Alam niyo bang hindi ako mabubuhay ng walang pagkain? Teka, sino bang hindi?

 "Takaw takaw talaga ng payatot na yan no?" Bulong ni Yuri kay Seohyun na rinig na rinig ko naman

"Oo nga unnie, siguro may alaga yan sa tiyan niya kaya ang bilis magutom" Bulong din ni Seohyun kay Yuri na rinig ko parin. Magbubulungan na nga lang kailangan rinig na rinig ko pa?

"Siguro one million yung tape worm sa tyan nyan" -Yuri

"Baka two million, unnie!" -Seohyun

"Tignan mo oh, ang payat HAHAHA!" Sabi ni Yuri habang nakatingin sakin

"Teka unnie, ang sama na ng tingin satin ni Yoona-unnie" -Seohyun

"Hayaan mo siya haha--" Binatukan ko si Yuri "Aray naman Yoong!"

"Bubulong nalang kasi kayong dalawa rinig na rinig ko pa eh, gusto niyong pag-untugin ko kayo?" Warn ko

"Sorry naman" Sabi nilang dalawa ng sabay

"Corcern lang talaga kami sa health mo Yoona" Paliwanag ni Yuri pero inirapan ko lang siya

"Kumain na tayo nagugutom na ko!" Aya ko kaya naglakad na kami papuntang kitchen tapos nagluto na kaming tatlo, ay si Seororo lang pala.

Maya-maya ay natapos na din magluto si seohyun kaya kumain na kaming tatlo

"Hoy shopping tayo!" Aya ni Yuri

"Oo nga no? 5 days na tayo dito sa Japan pero andito lang tayo" Sang ayon ko

"Sige maganda yan mga unnie!" Sabi ni Seohyun habang napalakpak

Pagkatapos naming kumain nagpaganda na kami, pupunta kasi kaming mall eh. Susulitin na namin ang Japan.

~Mall~

Limang beses na kaming kumain pero gutom parin aketch, nakakaiyak po.

"Yoona naman! Kanina pa tayo kumakain, halos lahat ng kainan dito nakainan na natin. Sabog na nga tyan ko oh, di ka ba natatae?" Reklamo ni Yuri pero lampake ako nagugutom talaga ako eh

"Palibhasa ikaw iniingatan mo yang katawan mo eh" Sabi ko

"Eh ano ngayon?" Pambabara niya

"Friday! Di kaba tumitingin sa calendar?" Nag aral po akong philosopy

"Unnie's wag nga kayong maingay, bili nalang tayo ng stufftoy na pororo!" Ang hilig niya talaga sa pororo

Hinila kami ni Seohyun papunta dun sa bilihan ng mga Pororo stuffs. Sa tapat no'n may mascot na pororo, tumakbo si Seohyun papalapit dun tapos niyakap niya si mascot pororo

"WAAAAAH PORORO AYLABYU BERI MATS MWA MWA" Tae hinalik-halikan niya pa yung mascot, may sayad ata 'to si maknae ngayon

Maya-maya lang naglakad na si mascot habang nakakapit sa kanya si maknae na parang tarsier dun. Ok lang kaya si Seohyun? Bumitaw na siya sa mascot sabay takbo papalapit samin na mukhang nahihiya, pinagtawanan tuloy namin siya ni Yuri.

Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad nung may nadaanan kaming bubble tea store. Sheeeeet gusto ko niyan! Di ko siya peborit pero masarap yan (lahat naman ng pagkain masarap para sakin eh)

"Yuri wait lang bibili lang ako ng bubble tea" Paalam ko, tumango nalang si Yuri kaya tumakbo na ko sa bilihan ng bubble tea atsiningitan yung dalawang bibili palang.

"Miss dalawa ngang bubble tea bilish~" -Ako

"Miss ang daya mo kami nauna eh" Sabi nung mukhang usa na lalaki, omo.... kapatid ko!

"Sorry nagugutom na talaga ako eh" Nagpacute ako sa kanila, sana effective

"Thige na lulu-hyung hayaan na natin thya, cute naman eh" Thabi nung kathama niya, ay ano ba yan nahawa na ko sa kanya.

Binigay na sakin yung order kong bubble tea kaya nagbayad na ko, pagbayad ko sinubo ko yung dalawang straw at sabay na hinigop yung dalawang bubble tea. Ang saraaaaap.

"Ang takaw" Sabi nung lalaking mukhang usa, ang ganda ganda niya. Akala ko nga kanina babae sya eh.

"Maganda naman" Pagtataray ko saka umalis hahaha ang taray ko. Pagbalik ko kila Seohyun naka-cross arms silang dalawa

"Unnie sino yung mga kausap mo?" Tanong ni Seohyun

"Ewan ko hahaha!" Sagot ko, napa-facepalm naman sila, baket? wala naman masama makipag-usap sa di kilala diba?

"Tara bili tayo ng damit!" Aya ni Yuri

So ayun, bumili kami ng sangkaterbang damit pati sapatos na din, magkakaparehas ng design kasi pare-pareho kami ng taste sa damit eh. May iba pang nagpapa-picture samin, kambal daw kasi kaming tatlo, IKR.

Pagtapos namin mamili ng kung anu-ano kumain ulit kami sabay naisip ko ulit yung dalawang lalaki sa bubble tea store kanina.

Sino kaya sila? Ang popogi nila.

Forever || Exo-Shidae ff (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon