Infinity #7: Kim Sibblings

3.4K 123 6
                                    

Infinity #07
Kim Sibblings

(Luhan's POV)

Ang warfreak nung kaibigan ni Taeyeon, nakakatakot parang amazona tignan niyo halos mamatay na si gramps dejk napuruhan lang yun sa ginawa nung kaibigan ni Taeyeon. Hindi kasi sanay sa away yun, weak masyado hahaha! Pero ang astig kasi nung babae eh, ang ganda ganda pa, crush ko na siya.

Nandito pala kami sa ospital, hinihintay na magising si gramps, malay ko ba dun kung bakit nahimatay, napakaduwag talaga ng matandang yun, nagsalita naman bigla yung kasamang babae ni Kris, girlfriend niya siguro? Araw-araw nalang may bago tong kris na to napaka babaero! Hoy hindi ako nagseselos! masyado na kong maraming crush para sumali pa siya sa listahan no!

"Uhm. Guys sorry sa nangyari, ganun kasi si Tiffany pag nagagalit eh pasensya na talaga, I'm Jessica by the way" Then ngumiti siya. shete shete (otso nueve) may bagong babaeng kasama sa listahan ko! crush ko na din si Jessica! shete. Teka sino pala si Tiffany? Siya ba yung nambugbogkay Suho? ah siguro nga. ang gaganda ng pangalan ng crush ko. Jessica saka Tiffany

"Hmmm... ok lang, nagalit lang kasi siya kay baekhyun" Sabi ko. tumango tango naman si Jessica, maya-maya naman nagising na si gramps

"A-asan ako?" Tanong ni Suho

"Nasa langit kana ng mayayaman" Sabi ni Chen. oh andito pala tong troll na to, bakit ba di ko napansin ang isang to?

"HA? SAN PEDRO IKAW BA YAN?" Gulat na tanong ni gramps. Lahat kami nagpipigil ng tawa dahil sa reaksyon ni Suho kay Chen

"Ako nga Kim Joonmyun"

"Wag niyo po akong kunin!" Takot na takot niyang sabi ng napahinto siya bigla "Teka bakit kamukha mo si Chen?" Tanong niya kaya nagsimula na kaming magtawanan ng malakas uto-uto kasi hahaha "Chen" binigyan niya ng warning tone si jongdae

"Yes gramps?" Halata naman sa tono ng boses ni chen na natatakot na siya

"Humanda ka sakin pag gumaling ako" banta niya

"Sus! natalo ka nga ng babae eh" Napikon naman si Suho

"Di lang talaga ako pumapatol sa babae, sa mga troll lang" Sabi ni suho

"Ewan ko sayo gramps! sige alis na ko napadaan lang naman ako dito eh. you, you, you, you and you" tumuro siya samin nila sehun, kai, kris at Baekhyun "Tara magre-ready pa tayo sa alis natin" tumango kaming lima tapos sumunod kay Chen pero bago kami makalabas sa room nagsalita si Jessica

"W-wait, pano si suho?" Tanong niya, tumingin naman sa kanya si Chen

"Edi paalagaan mo dun sa babaeng nanakit sa kanya?" Si Tiffany? crush ko yun ah, dapat iwan din ako dito para kasama ko siya

"P-pero.." pinutol ni chen yung sasabihin ni Jessica

"Wala ng pero pero. tara na nga mga pre" Tapos natuluyan na kaming umalis at naiwan si Jessica at Suho sa loob

(Jessica's POV)

Lumapit ako kay Suho tas nakita ko ng malapitan yung damage niya sa mukha wah may cut siya sa upper lip tapos puro pasa sa mukha, si Tiffany ba talaga gumawa nun? whoah di ko maimagine na kaya niya gumawa ng ganyan

"S-suho ssi sorry talaga ha? Gusto niya lang talaga gumanti sa ginawa ni Baekhyun kay Taeyeon" Paliwanag ko, ngumiti naman siya

"Ok lang, naiintindihan ko siya ganun din naman gagawin ko sa mananakit kay Taeyeon eh" huh? di ko siya gets. nakuha niyo ba yung pinaparating niya?

Forever || Exo-Shidae ff (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon