Epilogue

1.1K 49 19
                                    

Epilogue

Taeyeon's POV

Limang taon na ang nakalipas matapos ang gulong iyon, limang taon na simula nung nagkaroon ako ng grupong tinatawag na 'So Nyuh Shi Dae', Limang taon na simula ng di ako sumipot sa usapan namin ni Jessica, limang taon na...

"Taeyeon, get ready, you're next" Sabi ng isang staff sa akin, tumango ako at inayos ng kaunti ang buhok ko saka tumayo.

Tumayo na ako sa backstage at hinihintay ang pagkakataon kong lumabas hanggang sa wakas ay itinawag na ang pangalan ko.

Unti-unti akong lumabas sa stage at nakita ko kung gaano karami ang tao mula sa audience, hindi ko ine-expect na ganito na karami ang humahanga sa akin ngayon, hindi ko alam na ganito pala karami ang sumusuporta sa akin. Hindi ko ito ineexpect.

Itinapat ko na ang mic sa aking bibig at nagsimula ng kumanta.

"Bicceul ssotneun sky
Geu arae seon ai
Kkumkkudeusi fly
My life is a beauty"

Nagpalakpakan sila matapos ang linyang iyon kaya nginitian ko sila at tumuloy sa pagkanta.

Oo, naging isang solo singer ako, hindi nag-workout ang grupo namin kaya nagkawatak-watak kami. Ang balita ko ay gano'n rin ang nangyari sa exo. Nagkaroon na kami ng kanya-kanyang buhay.

Hindi na namin kailangan ang isa't-isa.

Si Yuri, naging isang sikat na dancer. Ganoon rin naman si Hyoyeon.

Si Yoona, naging sikat na artista.

Si Jessica, kagaya ko ay naging solo singer rin. Ganon rin si Seohyun.

Si Tiffany, sabi nila ay sikat raw itong model sa isang sikat na agency.

Si Sooyoung, naging sikat sa Japan bilang J-pop star kasama ang mga kagrupo niya.

Si Sunny, katulong ng tito niya na humandle sa companya nila.

Ni hindi na kami nagkakausap, ni hindi rin kami nakapag-debut. Sabi sa inyo eh, kaya namin ng hindi magkakasama.

Nagbow ako matapos kong kumanta at dumiretso ako sa backstage at nagpaayos muli sa stylist ko.

"Noona... Taeyeon?" Nilingon ko ang tumawag sa akin.

"Sehun? Kumusta ka na?" Nakangiti kong sabi

"Ayos naman. Concert mo, noona?" Tanong niya. Nginitian ko ito at tumango

"Oo, bakit ka pala naandito?"

"Kasama ko kasi girlfriend ko" Aniya saka biglang namula. Ang cute talaga kiligin ni Sehun. Parang dati lang, kay Yoona siya kinikilig, ngayon sa iba na.

"Taeyeon, next performance mo na. Ready" Sabi ng isang staff kaya tumayo na ko sa kinauupuan ko

"Sige Sehun. Bye" Paalam ko, muli ay nagpunta ako sa stage at nagperform

Forever || Exo-Shidae ff (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon