Infinity #25: Trap

2K 85 0
                                    

Infinity #25: Trap

(Jessica’s POV)

 

 

“Jessica dalhin mo daw ‘to sa YG building” Tumakbo na papalayo si Donghae tinignan ko yung inabot niya sakin, isang box… Ano naman kayang gagawin ng box na ‘to dun? Ang layo pa naman ng YG bulding dito =,= sira talaga yung donghae na yun, pag nakita ko ulit yun pi-prituhin ko na yung isdang ‘yon

 

“Jessica tulungan na kita” Kinuha ni Kris sakin yung buhat ko

 

“S-salamat” Buti nalang nandito na siya phew

Walang nagsasalita samin hanggang makarating kami ng YG building, may nakasalubong akong isang student, alam ko trainee siya dito, Thunder ata pangalan niya

 

“Uhmm excuse me?” Tumingin naman siya sakin

 

“Yes?”

 

 

“Kailangan niyo ba ‘tong box na ‘to?” Turo ko dun sa box na buhat ni Kris, lumapit si Thunder saka tinignan yung laman ng box

 

“Ah oo, pakilagay nalang sa dulong room ng 3rd floor, may pupuntahan pa kasi ako eh” Umalis na siya kaya pumunta na kaming 3rd floor, at infairness pagod na ko

 

“Hoy kris bakit ang tahimik mo?” Tanong ko

 

“Wala lang” Ngek ano kaya yun XD

 

“Galit ka ba?” Tanong ko

 

“Ha? San naman ako magagalit?”

 

 

“Ewan ko hahaha!” Nanahimik na ulit kami pagtapos nun hanggang makarating kami sa classroom na sinasabi nung Thunder

 

“At last nandito na tayo! Lapag mo na yan” Tinulak ko si Kris sa tapat ng table para ilagay dun yung box, nakakapagtaka naman at walang katao-tao dito sa room na ‘to

Pagkatapos niyang ilagay yung box sa table umupo muna siya

Forever || Exo-Shidae ff (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon