STAY SAFE !!!

706 15 5
                                    

KIDNAPPING
Isang buwan na lang patapos na ang taon na ito... Ang saya diba ? Pero masaya nga ba ? Kung sa iba oo dahil makakasama nila ang mga mahal nila sa buhay... may mga taong malapit sakanila na makakasalo sa noche buena na parang tipikal lamang na pamilya... Pero paano yung iba ? Paano yung iba na imbis na magsaya ay nakararamdaman ng takot at pangamba ? Halos hindi na makuhang kumain, magpahinga, matulog dahil may isang miyembro ng pamilya ang nawawala dahil sa  lumalaganap na kidnapping sa ibat ibang parte ng bansa. Kalat na sa balita pati na sa ibat ibang plataporma sa social media ang mga babala na kung saan kailangan mong maginat dahil baka ikaw na ang susunod na makikidnap . Hindi lamang babala, may mga missing posts ka rin na makikita mula sa pamilya o kakilala ng taong nasa litrato na minsa'y nilalagpasan mo pa na nagbabakasakali na nakita ninyo na ligtas at buhay pa. Hindi lang ito , dahil kilala ang mga pilipino sa pagiging mabiro meron pa yung iba na ginagawang biro ang puting van. Nakakatawa ba ? Maganda bang gawing meme o isang biro ang dapat na sineseryoso ? Hindi ito biro ! Hindi ito magandang gawing biro ! Sa tingin mo ba magandang sabihin na dahil lunes bukas at tinatamad kang pumasok aasa ka na sanang kidnapin ka ! Maganda ba yang biro ?! Nakakatawa ba ?! Pasensya na pero tangina naman anong klaseng utak yan ! May mga biktima na ng kidnapping na namatay ! Kinuhanan ng lamang loob para lamang magkapera ang kung sino mang demonyo ang nagnanais na yumaman ! Yung ibang nakaligtas sa tingin mo ba makukuha pa nilang mabuhay ng normal kung nakatatak na sa isip nila ang isang bagay na muntikan ng kumitil sa kanilang mga buhay ?! HINDI !!! Hindi dahil mabubuhay silang nakakulong sa takot na baka maulit ulit ito ! Kung hindi man ninyo maintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ng mensaheng ito... sabihin na lamang natin na ang kaso ng kidnapping ay dapat na sineseryoso at hindi ginagawang biro... Mag ingat tayo dahil may mga taong umaasa na ligtas lang tayo.


KALIGTASAN
Uwian na... nagkayayaan kaming magbabarkada na lumabas at kumain muna. Sumama ako kasi wala namang mawawala kung kakain lang kami diba? Napasarap sa kwentuhan at hindi na napansin ang lumilipas na oras... Gabi na... ang iba'y sabay-sabay na umuwi dahil magkakalapit lang ng bahay at yung iba naman ay sinundo na ng kanikanilang mga magulang . Ako... naiwan akong magisa... pero ayos lang wala namang maaaring mangyari na masama tutal madami namang tao ang nakatambay sa labas ... Habang naglalakad sa gilid ng kalsada... nakaramdam ako ng takot at parang hindi mapakali dahil parang may sumusunod saakin... Lumingon lingon ako pero wala akong makitang kakaiba... May mga tao sa likod ko na nagtatawanan at mga nagsisitakbuhang mga sasakyan... Isinawalang bahala ko na lang at nagpatuloy na naglakad hanggang sa dumating ako sa parte na may mga nakisindi ngang ilaw pero wala ng taong nasa lansangan... Bakit kaya ? Habang naglalakad ay inilabas ko na lamang ang aking cellphone at nilibang ang sarili... May nakasalubong akong matandang ale... " Bata, ika'y magiingat hindi na ligtas ang maglakad ng ganitong oras... lalo na sa mga kagaya mong menor de edad pa lamang " Nagtaka ako... " Ano pong meron ? "... napailing ang matanda... " Uso na ngayon ang mga nangunguha ng bata para patayin at kunin ang mga nilalaman.. Wala bang nagsabi nito saiyo ? " Umiling ako sa sinabi niya... Hindi na ako sinagot ng matanda pero nagbigay siya ng babala ng edyo nakalayo siya... " Mag -ingat... ka.. " At naglaho na... Dahil nagmumukhang hindi katiwatiwala ang matanda ay binalewala ko na lang siya. Wala pa namang nakikidnap dito sa aming bayan kaya impossible na ang sinasabi niya... Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa bumalik ang naramdaman ko kanina na para bang may sumusunod saakin....Pagtalikod ko ay isang van... napahinto rin ako... may dalawang lalaki ang lumabas at mula sa loob ay nakita ko ang mga bata na na kaedad ko o mas bata pa na nakagapos at may nakapasak pa sa bunganga. Dahil sa takot tumakbo ako sa bilis na makakaya ko pero huli na ang lahat. May panyong tumakip sa aking ilong at bibig... sinubukan kong magpumiglas pero unti unti ng sumasara ang talukap ng aking mga mata....

~~~

" BANGKAY NG 7 BATA AT 4 NA MGA MENOR DE EDAD. NATAGPUAN SA ISANG BODEGA ! "

" Mga bangkay ng mga nawawalang mga bata ay natagpuan sa isang bodega. Ang mga katawan ng mga biktima ay naabutan ng mga pulis na nakasabit mula sa ding ding. Ang sabi ng isa sa aming mga nakausap ay wala na daw ang mga lamang loob nito gaya ng atay , puso at iba pa na sa tingin nila ay ibibenta ng mga suspek na inaresto " 

" Babala sa mga kabataan na lagi kayng magiingat at umuwi ng maaga. Kung maaari ay magpahatid o di kaya'y magpasundo sa mga magulang para masigurado ang kaligtasan. Huwag basta basta magtitiwala kahit na kakilala mo pa dahil hindi mo alam kung anong maaaring gawin nila. Huwag magpapagabi dahil delikado na ang mga lansangan ngayon " 

ANONG MASIMPORTANTE ?
May tanong lang ako para sa gobyerno natin... anong mas importante ? Kidnapping cases o kung saan gaganapin ang seagames ? Yung kaso ng mga batang nawawala o yung event na pansamantala lang ? Hindi na normal takbo ng sistema natin eh . Ilang bata pa ba ang kailangang mawala at mamatay para umaksyon kayo ? Ilang buhay pa ba ang kailangan maisakripisyo para mapansin niyo ? Yang segames na yan ?! Punyeta nangyayari ulit yan ! Pero sa tingin niyo ba yung buhay ng mga nakikidap napapalitan ?! nauulit ?! HINDI DIBA ?! Akala ko ba kaya kayo tumakbo para sa posisyon ninyo ay para  sa ikabubuti at ikauunlad ng Pilipinas... Ikauunlad ba ng Pilipinas ang seagames ? Ikabubuti ba nito kung magaganap ang seagames ?! Sige sagutin ninyo ! Parang ngayon wala ng paki ang gobyerno eh ! Parang sa una lang sila magaling. Puro seagames seagames seagames ! TANGINANG SEAGAMES! Ano ba toh gaguhan na?! Kung yung iba kayang sikmurain ang ganitong sistema. Meron pa kaming mga tao na kinakain na ng takot dahil sa patuloy na takbo ng ganitong sitwasyon.  

---
Heya guys author here. I wrote this two for you guys to be aware of what is happening. Laganap na ang kidnapan saating bansa kaya lagi kayong magiingat. Meron pang mga nakakalat na kidnappers jan kaya please guys stay safe. From your lovely author !!! enjoy reading lovelots muah !

The Demon's Angels [On Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon