Isinulat ni Angel Medenilla.
I AM A BAD GENIE
Pwede naman kasi siyang kumain mag-isa. Kruug. Hay, ngayon ko lang napansin ang gutom ko. Sana pala sumama na lang ako pero ayun siya patuloy na naglalakad palayo. Tumalikod na ako. Nakakatatlong hakbang pa lang ako nang may humila ulit sa braso ko.
"Dummy. Sumama ka na. Lilibre kita."
Kinaladkad niya ako sa kung saan-saan hanggang sa madaanan namin ang open field. May mga water elementians dito. Kasama ang ina ni Blue, nililinis at pinapaagos nila ang tubig sa mas nararapat na lugar.
Stay still. Pangungusap ni Thunder sa akin gamit ang telepathy bago kami lumutang sa ere.
Namamangha kong tinignan ang tanawin ng mataas at malawak na akademiya. Inilahad niya sa akin ang kamay niya. Hold it. Nag-aalangan ko iyong hinawakan at saka kami mabilis na lumipad. Ilang beses akong napamura sa isip.
"AHAHAHA," tuloy-tuloy na pagtawa nito habang nakahawak sa tiyan. "Shit, AHAHAHA"
Nakahawak din ako sa sikmura ko na tila binaligtad sa ere sa dahil sa paglipad namin kanina. Hindi ko na uulitin iyon. Naduduwal ako. Tuluyan akong nasuka sa gilid at hindi pa din siya tumitigil sa paghagakhak.
Inis kong inagaw sa kaniya si baby Celine at saka siya lalong tumawa pa nang malakas. Nakakainis. Mabuti na lamang at hindi malikot ang sanggol, tinignan ko kung may mali o kakaibang nararamdaman ang baby pero mahimbing lamang itong natutulog. Maya-maya ay nahimasmasan na siya.
"That was fun! Your face was worth it." Inirapan ko na lamang siya.
Napadpad kami sa isang eleganteng gusali.
"Let's go." Saglit itong napatingin sa bago kumuha ng facemask sa bulsa at isinuot sa akin.
Para saan ba kasi ito? Wala naman siyang suot eh pero ako dapat meron.
Pumasok kami sa gusali at tumambad sa akin ang napakaraming bilihan ng mga damit, libro, at mga pagkain. Isa itong mall. Hawak ang kamay ko ay kinaladkad niya ako sa kung saan-saan hanggang sa makarating kami sa isang kainan, parang fastfood.
Humila ito ng upuan at iniupo ako doon. "Diyan ka lang."
"Tsk. Moody." Bait-baitan naman siya ngayon eh halos mapatay niya ako kanina sa bilis ng lipad niya. Ganun ba siya kagutom?
Pagbalik niya ay halos lumuwa ang mga mata ko. Mayabang na nakapamulsa itong naglalakad palapit sa table namin habang napakadaming serbedor ang sumusunod sa kaniya. Gulat at pagkamangha ang naramdaman ko nang makita ang sunod-sunod na tray na dumarating. Naglalaway na ako sa isip ko. Kumikinang ang mga mata kong nakatingin sa mga iyon.
"What?" Nabaling ang atensiyon ko sa kaniya habang nakatingin sa akin na parang may gagawing kalokohan. "Tsk. Tsk. Tsk," humila siya ng upuan saka umupo.
Nang maibaba ng mga serbedor ang pagkain sa mesa ay naglagay na siya sa plato niya. Aabot na sana ako ng makakain pero tinapik niya ang kamay ko. Kunot-noo akong napatingin sa kaniya dahil sa ginawa.
"Ang sabi ko sumama ka sa akin. Hindi ko sinabing kumain ka kasama ako."
"Ang sabi mo ililibre mo ako."
"Oo, pero hindi ko sinabi kung kailan kita ililibre." Sabi niya sabay ngisi na para bang siya ang nananalo sa usapan.
Napapikit ako sa inis. Pasensiya. Mahabang pasensiya. Pakibigyan ako ng pasensiya ako baka mapatay ko din itong Tanda na ito.
YOU ARE READING
Bad Genie [Book One-Completed]
Fantasy"Be careful what you wish for, you might just get it." At kung naniniwala ka man, na may dragon na tutupad sa mga hiling mo kapag nakumpleto mo ang pitong dragon balls, o 'di kaya'y may isang fairy godmother na tutupad ng hiling mo kapag iiyak ka sa...