Prologue

97 3 0
                                    


PROLOGUE

Van's POV

"Aalis napo ako Inay.!" paalam ko kay inay na sa ngayon ay abala sa paglalabandera. Habang naglalakad ako may nasasalubong akong mga kababaihan at kalalakihan sa naka suot sa kanilang uniforme. Napa buntong hininga naman ako ng nakaramdam ako ng inggit.

Ng nakarating na ako ay agad sumalubong si Yana sakin, kaibigan ko. Naka suot ito ng uniforme tulad ng nakita ko sa daan kanina. Nakapag-aral siya dahil may kaya ang kanilang buhay, yung tatay niya kasi ay isang kawal ng palasyo at ang nanay naman niya ay isang manggagamot tulad ko.

"Oyy Nessa, nandirito kana pala kanina kapa hinihintay ni Inay dahil marami ang mga tao ngayon na may sakit." salubong niyang sabi.

"ahh sige Yana, alis nako at pupuntahan ko pa Nanay mo." paalam ko, at dumeritso sa loob. Nakita mo si Nanay Mina, nanay ni Yana abala ito sa paggagamot.

"Ako napo di'yan Nay Mina" magalang kong presenta rito. Nang nakalapit nako sa kanyang kinaruruonan.

"Oh nandirito kana pala. Oh ito yung lunas ipa inom mo to sa kanila para gumaling ang pakiramdam nila." sabi niya at binigay ang isang mangkok na may lamang lunas.

Halos umabog ng dalawang oras bago kami na tapos sa paggagamot, halos din sa kanila ay na dahil sa sama ng kanilang pakiramdam.

May nakita akong Matandang babae mukhang ka edad ito ni Inay. Nilapitan ko ito at tinulungang makabangon sa kaniyang higaan.

"salamat ija" sabi niya sabay ngiti. At tumingin naman siya sa mukha ko, naiilang ako sa paraan ng mag tingin niya.

"Bakit po, nay?" tanong ko. Ngumiti siya sakin at hinawakan ang mga kamay ko.

"May kamukha ka kasi, kaibigan ko noon." sabi niya. Napa ngiti naman ako dahil sa sinabi niya. Ahm hindi naman ako nagulat sa sinabi niya dahil marami na di. ang nagsabi ng may kamukha daw ako.

"ganun po ba.haha" naiilang kong sabi ng di parin nawala ang tingin niya sa'king mukha.

"Parang kamukha mo si Savannah, ija" nagulat naman ako sa sinabi niya, paano niya nalaman ang pangalan ng inay ko. Kilala kaya sila.?

"Ah Inay ko po siya eh" sabi ko sabay ngiti. Napawi naman ang ngiting napapaskil sa mukha niya sa sagot ko. Napitan ito ng gulat at pagtataka. Bakit??

"Anak ka ni Avah?" taka niyang tanong. Tumango naman ako.

"At ka edad pa talaga ng anak ni King Ion, tadhana nga naman" bulong niya pero di ko masyadong narinig.

Ngumiti lang parin ako kahit bakas sa mukha ko ang pagtataka sa sinabi niya.

"Ahm ija. diti kaba nagtrabaho?" tanong niya sakin. Tumango naman ako sa tanong niya.

"Opo, may alam po kasi ako s paggagamot." sagot ko.

" Napakabait mo talaga tulad ka ng Nanay mo, Nga pala may ihahalok ako sayo'ng trabaho. pwede lang ba?"tanong niya. Para namang may isip ang ulo ko at tumango nalang bigla.

"O-opo naman, nay. Ano po bang trabaho?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya.

"Maging taga silbi lang naman ng palasyo, ija. Gusto mo ba?" parang nabuhay ang pangako kung mabigyan ng magandang buhay ang pamilaya ko.

" Talaga po ba?? Oo..opo tatanggapin ko po iyan, teka lang magpapaalam muna ako sa nanay ko."akmang aalis nako ng hinawak niya ang kamay ko.

"Wag na ija. padadalhan nalang natin siya ng sulat na naglalaman ng iyong pagpapaalam. At para narin makapasyal na rin siya duon" sabi niya. Mas lalong lumapad ang ngiti ko.

Salamat at unti-unti nang matutupad ang pangarap kong mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko.

Ng gumaling na si Nay Celia yung matandang babae na kausap ko kanina, siya pala ang mayordoma nang palasyo.

Sa ngayon byahe na kami pa punta sa palasyo at ang saya ng naramdaman ko ay di masusukat sa sayang naramdaman ko sa tanang buhay ko. Di lang kasi pangarap ko ang natutupad dahil sa wakas makakapasok nako sa palasyo. Siguro ang ganda siguro noon. Mas lalo ata ako nakaramdam ng kaligayahan sa naisip ko.

"Nandito na tayo, ija" sabi ni Nay Celia. Agad naman akong tumingin sa labas ng sasakyan. Wow.. Sobrang laki nga. Mas lalo akong nakaramdam ng pagkamangha ng nakita ko ang isang magandang bulaklak na naka linya sa gilid ng daanan.

Sabay kaming bumaba sa karwahing aming sinasakyan. Di maaalis ang ngiting nakapaskil sa mukha ko dahil siguro ito sa saya.

"Ang ganda po talaga ng palasyo, Nay Celia" manghang sabi ko sa kanya, kita ko ang pag ngiti niya sakin at hinawakan ako sa kamay at sinubaybayan akong maglakad. Nahiya tuloy ako sa inaatsa niya.

"Nga pala ija Van, kikitain natin ngayon ang hari at ang panganay niyang anak, si prinsepe Xion." naka-ngiti niyang sabi sakin. Di ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba. Napa hawak naman ako sa dibdib ko.

"Sige po, Nay Celia" sabi ko. At sumabay ng pumasok sa loob ng palasyo. Kung anong naramdaman ko sa kanina ay dumible pa talaga. Ang ganda sobra di ko ito inaakala ang ina-imagen ko kasi ay semple lang pero ito sobrang ganda.

"Sige ija, may oras ka pang maglibot sa palasyo mamaya ko na kasi ikaw ipakilala." sabi niya. Tumango naman ako at nag-umpisang mag libot. Ang wierd talaga ni Nay Celia sobrang bait niya kasi.

"Ang ganda talaga dito." di ko talaga ito makakalimutan ang ganda ng palasyo.

Ano kaya itsura ng prinsepe? Siguro kasing ganda ng kanyang palasyo ang itsura niya. At ang alam ko rin makisig ito tulad ng mga naririnig kong balita sa mga kadadalagahan.

Patuloy lang akong naglalakad hanggang sa napunta ako sa parang maliit na paraiso, siguro ito yung tinawag nilang garden ng prinsepe.

Ang ganda. Ito lang ata ang paulit-ulit na lumalabas sa bibig ko.

Habang naglilibot ako at iniikot ko yung mga mata ko at di ko akalaing may nabunggo ako.

"Aray.!" malakas kung daig, tinignan ko naman ng masama ang lalaking naka bunggo sakin. Naka tingin lang din sakin at balak na sanang talikuran ako. Pero matapang ako.

"Hoy lalaki. Wala ka bang balak na humingi ng paumanhin sakin?!" malakas kong sigaw sa kanya sabay turo pa talaga sa kanyang mukha.

"At anong karapatan mong sigawan ako?" malamig niyang sabi sakin, embes na matakot ako ay mas lalo akong nakaramdam ng inis at galit. Bastos ang isang ito hah? Kala mo naman gwapo.

"At sino kaba? hoy ginoo.! lahat ng tao pantay lang at maliban nalang kung dugo ka ng maharlika, asa ka!" sabi ko at tumayo na sa kakaupo. At umalis na, di pa ako tuluyang naka layo ay may sinabi ito.

"Bagong taga-silbi?" tanong niya. Di ko ito nilingun bagkos ay nag patuloy lang ako sa pag-alis ko. Ayaw ko talaga sa lahat yung walang modo at respeto sa mga kababaihan.

Tulad nga ng alam ko kadalasan sa may kaya sa buhay ay mga walang respeto sa kapwa.



Pregnant by the PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon