Chapter 02

47 1 0
                                    

CHAPTER 2

Van's POV

"Yang nanay mo at ang hari ay dating magkasintahan noon..." tila tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Pa-paano nangyari iyon.?

'kaya pala ganun nalang ang inatsa ni Inay kanina'

"Kaya nagmamadaling umalis ang Ina mo, dahil sisiguradong gulo ang mangyari kapag nakita siya ng Reyna. Ang iyong Ina kasi pa naman ang labis na kinaiinggitan nito, simula no'ng naging sila ng hari at nanay mo." tila natatawa ni Nay Celia sa kwento niya. Gusto ko sanang matuwa ngunit, bakit sila nagkahiwalay, paano?

"Kung ganuon po ba, bakit sila nagkahiwalay?" takang tanong ko. Di ko naman sinabi na gusto ko silang magkatuluyan pero alam kung labis na nasasaktan sila sa nangyaring hiwalayan.

"Dahil malaking pagkakasala ang isang dugong maharlikang umiibig sa iisang taga-silbi lamang, kaya nga labis ang sakit na nararamdaman ng hari no'ng umalis si Avah, ina mo, na tanging ako lang at ang hari( dating hari ) lang ang nakakaalam ng kanyang pag-alis." sagot nito, tumingin naman ako sa bintana kung saan tanaw ko ang hari na sa ngayon ay ang layo ng iniisip, kita ko rito kahit malayo ako na ang lungkot nito.

"Siguro nasaktan talaga sila ng lubosan." matamlay kong sabi, niyakap naman ako ni Nay Celia.

"Kaya ija, wag kang umibig kay prinsepe Xion dahil pagtataksil ang tawag non, maari kang mamatay. Lalo na't ikaw ang kanyang taga-silbi, makikita mo siya araw-araw." habilin niya. Ngumiti naman ako bago tumango. Susubukan ko lalo na't napaka-wierdo ang kilos ng Kamahalan kapag kami lang dalawa sa kanyang silid. Mukhang mahihirapan ako dito.

"Di po yan mangyayari, Nay Celia." nakangiti kong sabi sabay taas pa ng kanang kamay ko. Tumawa naman siya at sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya.

"Dapat lang ija, Ayokong mamgyari sayo ang nangyari ang nangyari sa Nanay mo. Pero sa nakikita ko di mahirap mahalin ang prinsepe dahil napaka-gwapo pa naman nito" sabi niya.

Oo malabong di ako mahuhulog sa taglay na kagandahan ng kamahalan. Sa isang sempleng ngiti niya nga lang sumakit ang puso ko sa lakas ng pagtibok ng puso ko.

________________

"Hoy babae.! kuhain mo niya yu'ng kamatis ibigay mo kay Nay Celia.!" mataray na utos sakin ni Sienna. Kung makaatsa ito parang prinsesa.tsk. Wala namang ginawa kundi ang sumigaw at mag-utos.

"Ito na'po Nay Celia" sabi ko sabay abot ng kamatis, nagulat naman siya ng ako ang nag-abot nito.

"Teka, Si Sienna ang inutusan ko hah? Bakit ikaw ija.?" takang tanong niya.

"May ginawa lang siya, Nay Celia" sabi ko, yumuko ako para di niya malaman na nagsisinungaling lang ako.

"Vanessa a--" di niya natapos ang kanyang sasabihin ay bumukas ang pinto. Nag-angat ako ng tingin at nakita kp ang pumasok. Ang prinsepe kasama ang kanyang bantay, napalunok ako ng diretso ang tingin niya sakin.

"Bakit ka nandito, diba dapat nasa aking silid ka upang pagsisilbihan ko.?" galit niyang sabi sakin. Sasagot na sana ako ngunit hinawakan niya ang kamay ko at hinila palapit sa kanya.

Napasinghap ang lahat pati narin ako. Nanlaki ang mga mata akong tumingin sa kanya, mas nagulat ako ng nilapit niya ang mukha niya sakin, dibale ilang dangkal nalang ang layo ng mga labi namin. Ang galit niyang mukha kanina ay bigla atang lumambot. Nakakapagtaka.

Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko, tumayo tuloy mga balahibo ko sa batok, dag-dagan pa ng mainit niyang hininga sa leeg ko.

"Simula ngayon sa aking silid kana matutulog, maliwanag.?" bulong niya sa tenga ko. Tumango naman agad ako.

Hinapit niya ko sa bewang at binitawan ang aking kamay na kanina lang ay hawak niya. Inaalayan niya akong maglakad palabas ng kusina. Para tuloy akong mamatay sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Layuan mo muna kami, Dizo" utos niya sa kanyang bantay na kanina pa sunod ng sunod samin, di niya parin ako binitawan kahit nasa tapat na kami ng kanyang silid.

"Masusunod, kamahalan." sabi ni Dizo at yumuko bago umalis. Dali-dali naman akong pinasok ni Prinsepe Xion sa kanyang silid at mabilis na sinara ang pinto.

Kinabahan tuloy ako. Jusko.

"Ano po ang ipaglilingkod ko sayo ka-kamahalan.?"diretsong tanong ko. Mabuti nga at may lakas akong tanungin siya na sa ganon ay niya sakin. Bakit ang hilig niyang dumikit sakin?

"Ikaw." sagot niya, na ikinatigil ng paghinga ko.

"A-ako?" ito na ata ang pinakabobong nasagot ko sa tanang buhay. At nakaturo pa talaga ang hintuturo ko sa aking sarili. Nako naman Vanessa.

"Yeah, gusto kitang isama sa pasyalan mamaya" sagot niya at lumayo sakin. Naka hinga naman ako ng maluwag. Pero nakaramdam din ako nang hiya sa sinabi niya.

"Vanessa, kuhaan mo ko ng maiinom." utos niya sakin. Yumuko naman ako bago lumabas ng kanyang silid.

Nagtungo agad ako sa kusina at nakita ko don Nay Celia, alaba ito sa kakahanda ng pagkain.

"Oh ija, nandito ka pala, kasama mo ba ang prinsepe? " tanong ni Nay Celia ng napansin ako. Umaling ako bago kumuha ng baso.

"Hindi po, Nay Celi" sagot ko at nagsalin ng maiinom.

"Ahh ganuon ba. Ah sige tawagin mo na siya at kumain na." sabi niya.

"Sige po Nay Celia, ihahatid ko na po ito at pababain ko narin siya." sagot ko. Akmang aalis nako ay nabigla ako ng hinawakan niya ang kanang braso ko.

"Mukhang di ikaw ang nahuhulog." sabi niya, nalito naman ako sa sinabi ni Nay Celia. Sasagot na sana ako nang seneyasan na niya akong umalis.

Nag lakad ako pabalik silid ng kamahalan na di maepipinta ang mukha ko dahil sa lito.Nasa tapat nako ng silid ng reyna, naka awang ito kaya malaya kong nakikita ang loob nito. Nandon si Sienna naka luhod sa harap ng reyna, ano ang ginagawa niya.? Aalis na sana ako ng narinig ko ang sinabi ng reyna kay Sienna na siyang nagtulak sakin na makinig.

"Prinsesa Naomi.."

Sienna's POV

"Pinatawag niyo raw ako, Mahal na Reyna." nakayuko kung sabi ng Reyna at lumuhod sa harap niya.

"Prinsesa Naomi.." tawag niya sakin, kaya nag-angat ako ng tingin. Oo isa akong Prinsesa sa aming bayan ng Gwalo. Nag panggap ako bilang taga silbi dahil gusto kong maangkin ang Napakagwapong Prinsepeng si Xion. Matagal ko na siyang gusto ngunit kahit ano ang gagaein ko ay di niya ako pinapansin. At ang nakakainis pa aynapaka-lambing niya kay Nessa na malandi, nagpanggap na mahinhin pero di naman.

"Ano po, Mahal na Reyna?" tanong ko ulit sa kanya. Ngumiti naman siya, oo mabait siya sakin dahil may kailangan at yun ay ang kaharian namin. Pero may kailangan din naman ako at yun ay ang anak niya. Panganay niyang anak.

"Kailan mo pa makukuha ang loob ng anak, Prinsesa Naomi?" tanong niya sakin. Ngumisi naman ako at sumagot.

"May plano nako, Mahal na Reyna. Kung kailangan painumin siya ng pamatulog ay gagawin ko at ma angkin ko siya ng lubusan." sagot ko na siyang ika-ngiti niya.

"Mabuti, nga pala may ibibigay ako sayo." sabi niya at may kinuhang isang maliit na buti at binigay sakin.

"Ano'to Mahal na Reyna?" takang tanong ko ng naabot kuna ang maliit na bote.

"Isa yang pampainit ng katawan, di mo talaga maiwasang mapa hubad diyan kapag iyan ay nainom mo." sabi niya na ikinatigil ko. Ako ba ang iinom nito?

"Sino po paiinomin ko nito?" tanong ko, ngumisi naman siya at sumagot.

"Ang anak ko."

Van's POV

'Ano?? di pwedeng mainom yan ng kamahalan talagang may mangyayari sa kanila. di ako papayag.

Kailangan kong gumawa ng paraan para di yan mainom ng aking Mahal na kamahalan. Di maaari.

Pregnant by the PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon