Vanessa's POV
"Anak kumain kana"sabi ni Ama galing sa labas ng kuwarto ko. Nahihiya ko paring harapin si Inay na siyang nakaka-alam sa plano ko noon, na iaangat ko ang buhay nila ngunit parang di ito matuloy.
"Mamaya na po itay! Tsaka busog pa ho ako"sigaw ko pabalik rito. Narinig ko ang pagbuntong hinga niya. Masama na ba akong anak? Dahil di ko man lang nabigyan ng magandang buhay ang mga magulang ko tulad ng ginawa ng iba. Kung sakali kasing di nagawang umahon ang mga magulang, at anak ang tutuloy.
'Pero ang pag-ibigan nga ng iyong Ina at ang Hari parang, ikaw yung dumugtong.'sabi ng utak ko na mas lalong napapa-konsenya sa'kin.
Siguro di pa oras para mabigyan ko ng magaang buhay sila Inay't Ama. Kaya bubuhayin ko ang anak kong mag-isa at bago ko ituloy ang plano ko. Di ko gagawin para lang sa magulang ko kundi para narin sa magiging anak ko. Ayoko ko siyang matulad sa'kin na di nakapag-aral dugong maharlika pa naman siya.
Inisip ko ngayon ano kaya magiging anak ko? Babae ba? O baka lalaki? Masaya na'kong makita siya.
Maya-maya lang may kumatok sa kwarto ko kaya binuksan ko ito.
Si Inay.
"Anak.."
"Pasok ka ho Nay."aya ko sa kanya, pumasok naman siya at umupo sa gilid ng kama ko. Agad ko siyang tinabihan.
"Anak patawad sa pag-sigaw ko kagabi alam kong lubos kang nasasaktan."sabi niya at umpisa ng tumulo ang mga luha niya, mabilis ko naman itong tinuyo.
"Ako dapat ang hihingi sa'yo ng tawad Ina, dahil sa pagiging disgrasiyadang babae at ang masaklap pa dun pumatol pa'ko sa prinsepe na kabaliktaran ang tinahak naming daan. A-at s-sa pang-ngako kong di-dinatu-tuloy. Pasenya kana Ina hah?"noong una maayos lang boses ko pero kalaunan ay nabasag narin dahil tuluyan na akong naiyak.
"Ayos lang anak. Tahan na makakasama yan sa anak mo at magiging apo ko narin."biro niya sa'kin at natatawang niyakap ako, sinuklian ko din siya.
"Kahit mahirap lang tayo anak, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita kahit ano mang mangyari at yang maging anak mo? Tatanggapin namin ng tatay mo dahil nariyan na yan at wala na kaming magagawa ni'yan."sabi niya.
Ito ang pinaka-gusto ko kay Inay dahil kahit anong mangyari nariyan parin siya.
"Nga pala anak di kapa kumain."sabi niya dahil sa sinabi niya bigla tuloy akong nagutom.
"Halika ka, ipaghahanda kita."hinila niya ko sa kusina at pina-upo.
Nakaramdam tuloy ako ng pagka-ulila sa kanyang luto.
"ANAK MAY BISITA KA."sabi ni Ama galing sa labas ng kuwarto ko. Katatapos ko lang kumain at kakapasok ko lang din dito sa aking silid.
"Sige po Ama. Lalabas na po ako"sabi ko at inayos ang aking suot na damit.
Paglabas ko dumeritso na'ko sa aming sala dahil roon daw pina-hintay ni Ama ang aking bisita. Ngunit ang pinagtataka ko lang ay sino naman? At ang alam ko wala akong inaasahang bisita ngayong araw.
Saktong pag labas ko mukha agad ng taong matagal ko ng hinanap ang bumungad sa'kin.
"Ka-kamahalan?" Nilingon ko ang katabi niya si Nay Celia na nakayoko ngayon.
'Bakit sila narito? At bakit siya nandito?'Alam kaya niya na mabubuntis ako kaya siya naririto? Jusko wag naman sana.
Tumingin ako sa mga mata niya at nakita ko ang saya at lungkot na pilit niyang tinatago sa malamig niyang titig.
"Bakit ho kayo naririto ka-Kamahalan at Nay Celia?"pinilit kong di mauutal pero ng banggitin ko siya tila nauutal ako.
"Ahm- ano. Gusto lang naming bisitahin ka."naka-ngiti niyang sabi kahit pilit lang ito ningitian ko parin siya pabalik.
"Pwede bang iwan niyo kami ni Vanessa, kahit sandali lang" sa tono ng salita niya di ito pagmamakaawa kundi isang utos. Walang magawa sila Inay at Itay pati narin si Nay Celia lumabas na rin.
"Sa labas lang kami anak."paalam ni ama. Kita ko sa mata niya ang pagtututol ngunit wala na siyang magawa.
"Ano po bang pag-usapan natin kamahalan?"nakayuko kong tanong. Kahit ngayong dalawa nalang kami di ko parin magawang tumingin sa mga malamig niyang mata.
Kahit gugustohin ko siyang yakapin ngayon ngunit di pwede. Simula ngayon sasanayin ko na ang sarili kong layuan at kalimutan siya, kahit tatay pa siya ng maging anak ko. Pero sa isip ko may parte parin nagsabi na may karapatan siyang malaman dahil dugo niya ang nakadaloy sa batang nasa sinapupunan ko palamang.
"Bakit ka umalis?" Sempleng tanong na di ko alam kong bakit kay hirap sagutin.
Di ako sumagot. Natakot ako sa maaring lumabas sa bibig ko.
"Vanessa.." ramdam ko na nahihirapan na din siya, kahit ako din naman nahihirapan na sa sitwasyong pareho naming pinilit na takbohan. At yung ang pagmamahal namin sa isa't isa.
"Ma-mali.. mali na minamahal kita.. "yun lang ang lumabas sa bibig ko. Ayokong mas mahihirapan pa siya. Tanggap ko naman na di talaga pwede.
Pinagtagpo lang talaga kami at di tinadhana.
"Dahil ba isa akong prinsepe na susunod bilang hari?"tanong niya. Ayoko maging makasarili, kaya umiling ako.
Alam ko ang takbo ng utak niya, maaaring talikuran niya ang kanyang trono at piliting sumama sa'kin. Yan ang pinaka-ayaw kong mangyari.
"Kung hindi, ano ang dahilan Vanessa?"
"Nagmamakaawa ako sayo kamahalan. Kalimutan mo nalang ako." Yan ang huli kong sinabi bago ako tumakbo sa aking silid.
Di'ko na kayang magsalita sa harap niya. Nanginginig ang aking tuhod na huminga sa kama. Dito ko narin pinakawalan ang kanina ko pang-pigil na luha.
Di dapat ako umiyak ng ganito. Sana maging masaya ako dahil nasabi ko na ang matagal ko ng gustong sabihin at yun ang kalimitan na niya ako.
"Sana maging masaya ka nalang Xion dahil yun lang naman ang tanging hiling ko at ang magi-ging anak mo para sayo. Ayokong masira ang buhay mo dahil lang sa pagmamahal ko sakin."
Maya-maya may nirig akong mga sigaw sa labas mukhang may nagkagulo.
Dali-dali akong lumabas sa aking silid at lumabas ng bahay.
'Teka bakit ang daming tao?'
Nakita ko si Inay lumuhod sa harap ng...
..teka ang mahal na reyna?
'Anong ginawa niya rito? Bakit siya naririto?'
"Naay!"sigaw ko. Kita ko kasing akmang sasampalin ng Reyna ang nanay ko.
Agad akong dumalo sa kanya at niyakap siya. Kita ko ang gulat ng Reyna. Siguro na mumukhaan niya ako.
"May anak ka pala Savannah. At naging taga-silbi pa talaga namin."seryoso niyang sabi at hinagud ako ng tingin. Marami ng tao sa paligid ang iba nagulat at nagtaka kong bakit narito ang Reyna maski ako nagulat rin.
"Wag mong idamay ang anak ko sa galit mo sakin mahal na reyna."may diin na sabi ni Inay.
"Ikaw bahala. Basta ito ang tadaan mo.. masama akong magselos."sabi niya bago umalis bulong lang ang huli niyang sabi at ang nanay ko lang ang nakarinig.
'Ano ba ang nangyayari?'
Sumakay na ang reyna sa karwahe kasabay ng napakaraming kawal. Di ko nakita ang prinsepe, naka-alis na siguro.
Agad akong pumasok sa bahay at dumeritso sa kusina dahil nagugutom na'ko.
Pagkatapos kong kumain ay agad akong pumasok sa aking silid para matulog. Pagod ako at ayoko munang tanongin si Inay tungkol sa nangyari kanina. Magpapahinga muna ako.
BINABASA MO ANG
Pregnant by the Prince
Teen FictionVanessa Aragon,isang sempleng babae na ang tanging hiling lang sa buhay ay maihaon sa hirap ang kanyang pamilya. Hindi man siya naka pag-aral dahil sa kahirapan, at para sa kanya ang tanging makapag-aral lang ay yo'ng galing sa matataas na angkan. P...