CHAPTER 11

38 1 0
                                    


Van's POV


Mabigat ang nararamdaman ko ng bumangon ako, tumingin ako sa bintana mainit na ang sikat ng araw.

Nag-ayos muna ako sa sarili bago lumabas ng bahay at dumeritso sa kusina. Walang tao mukhang pareho sila may ginagawa ngayong araw.

Ako nalang mag-isa rito.

May nakahain ng pagkain kasaki na ang hiningi kong mangga kay Ama kagabi. Agad ko itong kinain, pagkatapos ay hinugasan ko ang pinagkainan ko.

Pasado alas diyes napag-isipam kong lumabas ng bahay para mag-lakad lakad. Tutal wala naman akong kasama sa bahay ide mag-libot nalang ako sa aming bayan.

Lubos ang saya ng naramdaman ko ng nakita ang mga batang masayang nag-lalaro at malaya. Napahawak tuloy ako sa di umbok kong tiyan. Maging katulad din kaya siya ng mga bata ngayon na malaya at masayang makapag-laro?

Di ko nalang pinansin iyon at nagpatuloy nalang ako sa pag-lalakad, may iba akong kakilala na kinakamusta ako at binabati. Kaya di ako nakaramdam ng lungkot.

Nahagip sa paningin ko ang isang pigura ng lalaki, nakatanaw ito sa'kin at nakasuot siya ng magarbong damit, marami din ang nakapalibot sa kanya ng mga kawal.

Nagkatitigan kami pero siya na mismo ang pumutol at tumalikod. Nanikip naman ang aking dibdib, lalo na't di man lang niya ako kayang lapitan at kamustahin.

Hanggang ngayon tanaw ko parin siya habang nag-lalakad palayo sa'kin. Sinundan ko siya ng patago, dahil nakaramdam ako na parang may mali.

Bakit siya narito? Ano kailangan niya?

Mabilis akong nag-tago ng huminto sila. Mabilis rin ang tibok ng puso ko, kinabahan ako.

Ng narinig ang kaluskos, walang pasabing tumakbo ako palayo habang di naka-tingin sa likod ko. Takbo lang ako ng takbo, pinagtitinginan nadin ako ng mga kapitbahay ko.

Padabog na sinira ko ang pinto at sumandal don. Alam kong nakita niya ako, pero kinabahan talaga ako lalo na't narinig ang kaluskos na parang dahan-dahan ito. Alam kong tao iyon at nakatakot ako sa kanya.

Dahil wala akong gagawin, naglinis nalang ako ng bahay. Nilinis ko ang kusina, sala at kwarto ko. Pinalitan ko din ito ng mga kurtina at sabay lagay ng mga palamuti.

Pati ang aming bakuran nilinisan ko rin at yung mga halaman diniligan kahit matirik ang sinag ng araw, nakita ko kasing nanuyo na ang lupa at halatang di na ito naalagaan ng mabuti.

Alas dos na ng hapon na tapos ako, nakapag-linis nadin ako sa sirili ko. Lumabas ako sa aking silid at sakto din ang pagbukas ng pintuan sa aming bahay, pumasok si Ama kasama si Ina.

Lumapit ako sa kanila sabay mano. May dala silang isang supot, mukhang mga gulay.

"Oh anak naglinis ka ng bahay?"tanong ni Ama ng napansing malinis ang paligid.

"Opo Ama."sagot ko at kinuha kay Ina ang kanilang pinamili.

"Nako naman. Di ka na sana gumalaw baka mapano bayang batang nasa sinapupunan mo."paalala ni Ina. Ningitian ko lang sila at pumasok sa kusina.

"Nga pala anak,"tawag ni Ina sa'kin. Tumingin naman ako sakanya habang nakataas ang kilay.

"Ano po Nay?"

"Imbitado daw ang lahat sa pagdiriwang ng kaarawan ng prinsepe sa susunod na linggo, kaya maghanda ka dahil pupunta tayo."sabi niya. Natigilan naman ako, kaarawan niya? Bakit di'ko alam yun? Natawa naman ako sa sarili kong tanong, di pa talaga namin lubos kilala ang isa't isa, pero kong makapangako kami wagas.

"Opo Nay"sagot ko. Hinanda ko ang mga gulay na lulutuin ko. Matagal narin simula ng humawak ako ng kutsilyo, simula kasi ng dumating ako rito di nako pina-galaw ni Ina lalo na't nong nalaman niyang buntis ako. Naka-ingat niya din sa'kin kulang nalang di ako padapuan ng alikabok sa kakaalaga. Lalo ko tuloy siyang minahal.

"NAY TAY! KAKAIN NA TAYO!"tawag ko sakanila, agad din naman silang lumapit at umupo sa kanialang puwesto.

"Sigurado ka bang pupunta ka anak?"biglang tanong ni Ama, sa tono ng kanyang pananalita, nag-alala siya. Alam ko naman kong ano ang ibig niyang sabihin, tungkol ito sa kaarawan ng prinsepe.

"Opo naman Ama, bakit ho ba? May problema ba?"tanong ko umiling naman agad siya at nagpatuloy kumain. Sa pinakita niyang kilos mulhang may mali.

Kinabahan ako sa maaaring resulta ng pagpunta ko, ang daming gumagabag sa'kin isa na duon, kung bakit ngayon lang inibitahan ang mga tagabayan, noon kasi kada-kaarawan ng prinsepe tanging mga mayayaman at mataas na angkan lang ang imbitado. Mukhang di lang ito karaniwang selebrsayon. Masama ang kutob ko rito, pero sana naman mali ang nasa isip ko.

Pregnant by the PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon