Van's POV
Isang linggo ang lumipas no'ng nagtapat kami nang aming nararamdaman para sa isa't isa. Naging magkasintahan kami ng patago dahil yun ang gusto niyo, di ko siya masisisi dahil sadyang mahal ko lang talaga siya.
"Ayos na'ba ang lahat, ija? Parating na ang Mahal na Hari't Reyna." sabi ni Nay Celia sakin. Tumango naman ako bilang sagot. Ngayon ang pagdiriwang nang pang-limang taong gulang ng kanilang munting prensesa na si Prinsesa Xyras, ayaw nila nang bunggang party na yun sana ang gusto nang Reyna ngunit ayaw ng Hari.
Napayuko kami agad ng dumating agad sila, nasa gilid kami lahat, mga taga-silbi. Nang naka-upo na sila lahat ay duon na kami nang angat ng tingin. Duon ko lang napansin na wala pa si Xion.
"Nasan ang aking panganay na Anak?" tanong ng Hari, napasinghap naman ako na sa'kin siya tumingin.
"Ano po mahal na Hari." sabi ko at yumuko. Napabuntong hininga muna siya bago nagsalita.
"Tawagin mo ang Anak ko, binibini" utos niya. Nag-angat ako ng tingin at dumeritso ang aking tingin sa kanya bago ako yumuko at nagtungo sa silid ni Xion.tsk
Di na'ko kumatok pa, diretso ang pagpasok ko at nakita ko siyang naka-tayo paharap sa malaki niyang bintana. Lumapit ako dito at yumakap sa kanya mula sa likod.
"Pina-tawag ka nang Hari sakin" sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga siya bago kinuha ang kamay ko at humarap siya sakin. Hinalikan muna niya ako sa aking labi bago ngumiti, ramdam ko na may gumagabag sakanya.
"Nandu'on ang Mahal na Reyna, di na'ko makapag-taka na kasal na naman ang pag-uusapan." sabi niya sakin at niyakap ako. Sinandal ko ang aking ulo sa kanyang malapad na dibdib, napaka-gaan ng pakiramdam.
"Basta. Pumunta ka du'on, kaarawan ngayon n--" naputol ang aking sasabihin na bumukas ang pinto at pumasok si Nay Celia. Nabilis akong lumayo sa'kanya, at ganuon din siya sa'kin. Pero nakakasigurado akong nakita niya kami, Nagka-yakapan.
"Pin--" di na niya pinatapos si Nay Celia nag-lakad na siy palabas ng silid.
"Pwede mo bang ipaliwanag ang nakita ko Vanessa" sa tono ng kanyang pananalita ay parang nakakatakot ito. Napalunok naman ako.
"An-ano Nay Celia, magpaliwanag po'ko" mabilis kong sabi sa kanya. Kita ko ang galit sa kanyang mata at pag-alala.
"Du'on tayo mag-usap sa aking silid." sabi niya at tumalikod..patay ako ni Xion nito. Nangako kasi ako na wala mismo ang makaka-alam sa namamagitan samin.
Jusko ikaw na'po ang bahala sakin."Nay Celia.." tanging salita na lumabas sa bibig ko. Di ko mapigilang lumuha dahil aminado ako na Mahal ko talaga ang Prinsepe.
"Ija, sige na sabihin mo na di naman masamang magmahal, di kita mapigilan kong iyan talaga ang tinitibok nang iyong puso." natamlay na sabi ni Nay Celia sa'kin na siyang nagpalakas nang aking pag iyak.
"Mahal ko po siya at di'ko po masisisi kong siya ang pinili nang aking puso" sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang akng kamay at hinila at patayo.
"Wala na'kong ibang pwede gawin kundi ang paalisin ka" sabi niya at binitawan ako. Pa-paalisn niya ako? Pero paano yung pangarap ko? Wala nalang iyon? Sana inisip mo yan Vanessa bago ka pumasok sa panganib. Napa buntong hininga nalang ako at napa-upo sa higaan ni Nay Celia.
'Sumugal ka sa dapat di susugalan, vanessa. At ikakasal na iyon' sabi ko sa aking sarili at humiga't pumikit.
"Mukhang nangyari sa'kin ang sinapit nang aking Inay, Mag-ina nga" mapait kong sabi at duon na'ko nilamon ng kadiliman.
______________
"Mag-ingat ka, ija" sabi ni Nay Celia at hinalikan ako sa aking pisnge. Buo na ang desisyon umalis ako at lisanin ang palasyo.
Di'ko maiwasang mapaluha habang lumalayo ako sa palasyo. Muli akong tumingin dito, nakita kong kumaway si Nay Celia. Mapait ko itong ningitian.
Napatingin ako sa hawak ko, malaking halaga na ito, ngunit di parin ito sapat para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko. Ano nalang idadahilan ko kay Inay nito? Tiyak na pagagalitan ako? Hayysstt. Napabuntong hininga nalang ako at pumikit.
Sakay nang karwahi di talaga ako nakatulog dahil nahihilo ako sa tuwing may batong madadaan kami. Umikot na yung paningin ko, ang bilis ko naman atang nahilo.
BINABASA MO ANG
Pregnant by the Prince
Teen FictionVanessa Aragon,isang sempleng babae na ang tanging hiling lang sa buhay ay maihaon sa hirap ang kanyang pamilya. Hindi man siya naka pag-aral dahil sa kahirapan, at para sa kanya ang tanging makapag-aral lang ay yo'ng galing sa matataas na angkan. P...